Chapter 3

12.9K 207 4
                                    

      
Abby,

    Nakabalik na ako sa opisina pero lutang pa rin ako sa nangyari kanina. Hindi ko talaga makalimutan ang halik nya. Sa isip ko ano bang nangyayari sa akin, bakit parang paulit ulit ko na lang naiisip ang ginawa nyang paghalik sa akin. Nakaupo na ako sa mesa hindi ko napansin na kanina pa pala ako pinagmamasdan ni Andrea.

     "Hoy! anong nangyari sa sayo para kang nakalutang sa cloud 9 Besty.."gulat ni Andrea sa akin.

     "Ai cheeze curls! ano ba Tot atakihin ako sayo.."gulat na gulat ako,nabitawan ko tuloy yung hawak kung mga papers kaya nagkalat sa sahig.

      "Ano bang nangyari sayo? Tulala ka dyan at nakangiti pa.."sabi ni Andrea ulit.

     "Ako nakangiti? hindi ah.."deny ko sa kanya at pinagpupulot ang papel sa floor.

     "Ay naku Besty magsinungaling ka pa ba, ayan o kitang kita sa mukha mo na pa parang nahalikan ng prince charming mo.."duro ni Andrea sa noo ko.

       "Hindi ah.."sagot ko at umiwas ng tingin sa kanya.

    "Anyway, kumusta ang interview mo kay Mr. Coldblooded?.."seryusong tanong nya.

     "Okay lang naman. Mukha naman syang okay at boring. But he have very interesting personality and hot.."dugtong ko pa.

     "Really! hindi ba sya masungit at laging naka salubong ang kilay?.."curious nyang tanong.

    "Hindi naman lagi nga syang nakangiti eh. Kaso pagtumitig sya sayo parang hinuhugot ang kaluluwa mo.."sagot ko kay Andrea.

      "That sounds scary and creepy,halika kana nga maglunch na tayo. At marami pa akong gagawin later..."yaya ni Andrea sa akin.

     Hanggang sa nakababa na kami ng opisina namin sya pa rin ang laman ng isip ko. Kumakain kami sa isang fastfood chain na malapit lang sa building na pinagtrabahuan namin. After half an hour lumabas na kami, nagkwentuhan naman kami ng mapansin kun wala akong suot na blazer. "Shit!! baka nakalimutan ko sa office ni  James, I mean Mr. Macaraeg, sa isip ko.

    "Tot napansin mo ba kanina pagpasok ko sa office na suot ko yung gray blazer ko?..tanong ko kay Andrea.

    "Hindi, bakit?..tanong nya din.

      "Bakit ba nagiging makakalimutin na ako lately. Pucha!! naman oh, saab ko kaya naiwan yun.."sabi ko at napamura pa.

       "Hey! watch your language girl. Wala tayo sa kalye no.."saway ni Andrea sa akin.

     "Tot sa kakamadali ko kanina nakalimutan ko yata sa office nya. Hay... I'm so stupid, bwesit!!.."sabi ko na nakasimangot.

        "Ay naku wag ka ng umasa pang maibalik sayo yun dahil sa mga oras na to nasa basurahan na yun kaya forget it.."sagot naman ni Andrea.

     "Wag naman sana. Bigay pa naman yun sa akin ng lola ko.."nang hihinayang kung sabi sa Besty ko.

   "Kaya nga nagmumukha ka ng lola kasi sa kakasuot mo ng bigay ng lola mo.."sabi nya sa akin at pinagtawanan ako.

      "Ouch! sakit mo naman magsalita, dyan ka nga.."lumakad ako at iniwan si Andrea.

         "Wait lang hindi ko pa tapos ang yusi ko, hoyyy..."habol ni Andrea sa akin.

    Maya maya nakapasok na kami sa building at sumakay ng elevetor paakyat sa office namin. Nagtatawanan pa kami ni Andrea pag pasok ng office ng makarating kami sa table ko. Nanlaki mata ko sa nakita ko pati si Andrea nagulat din sa nakita nya.

      "Wow! bouquet of white roses.Kanino galing to besty?...excited nyang tanong sa akin.

     "Aba malay ko, pretty sure hindi sa akin yan. Baka sayo naman yan nagkamali lang ng lagay yung nagdeliver boy.."sabi ko sabay buhat na sana sa bulaklak.

The Punisher (kissed my soul) EditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon