After one year,
Nakatayo ako sa balkonahe ng ranch house, pinagmamasdan ko ang mag ama ko na naglalaro. Mahigit isang tao na ang nakalipas simula nung nagising si James. Naging maayos naman ang lahat, nang bumalik kami sa pinas ibininta ni James lahat ng negosyo nya sa abroad,nanatili na lang sya sa bahay at nag aalaga kay Angel of course with my help at ni Mama. Ako naman eto nagtatrabaho pa din pero sa sarili kung negosyo, may maliit akong pinatayong bake shop para kahit papaano may paglilibangan ako. Ayaw ko muna kasi iwan si James dahil alam ko kailangan nya pa rin ang tulong ko."Mommy come here , let's play..."tawag ni Angel sa akin.
"Okay anak..." sagot ko at dali daling lumapit sa kanila.
Tuwang tuwa si Angel habang nakikipaghabulan sa aming dalawa ni James. Maya maya pa niyaya ko na sila sa loob kasi mukhang uulan at mukhang pagod na rin si Angel. Tinawag ko ang yaya ni Angel para linisan sya at makakain para makapagpahinga na rin. Naiwan kami ni James,
"Baby wala ka bang planong sundan si Angel, kawawa naman wala syang kalaro..."sabi ni James at yumakap sa likuran ko.
"Humm...bakit napapagod ka na bang makipaglaro sa anak mo?.."tanong ko sa kanya at pasimpling ngumiti.
"Of course not, what I mean is. I think kailangan nya ng baby brother soon.."ngiting sabi ni James at sinamahan pa ng paglalambing.
Humarap ako sa kanya then put a naughty smile on my face.
"Okay, but we have visitor coming so kailangan ko ng bumalik sa kusina..."bulong ko sa kanya.
"Yeah right..."sagot nya at nawala ang pagiging excited nya.
Inilagay ko dalawang kamay sa leeg nya at yumakap ng mahigpit the kiss him. Yumakap din si James sa akin at sinalubong ang halik ko. Pero pareho kaming nagulat ng may yumakap sa mga paa namin ni James. Sabay pa kaming tumingin ni James, si Angel nakatingin sa amin at nakangiti pa.
"Mommy, Daddy wheres my kiss too?...tanong nya sa amin.
"Dapat hindi ba nagpapahinga kana..."sabi ko naman kay Angel.
Pareho kaming napapangiti sa anak namin. Bumitaw kami sa isa't isa at binuhat naman ni James si Angel.
"Little princess that kiss is for your Mom only, that kiss is very special only Mommy can have it.."ngiting sabi ni James at sabay kumindat sa akin.
Napapailing na lang ako sa paliwanag ni James kay Angel. Alam ko hindi naiintindihan ng bata yun. Niyaya ko na sila at magkasabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Inakyat na muna ni James si Angel sa kwarto nya dahil ayaw ng bumitaw sa kanya. Ako naman nagtungo sa kusina at tiningnan kung maayos na ang lahat. May dinner party kasi kami maya maya, of course invited sina Andrea na nagdadalang tao na rin, si Marion, Laurence, Georgia, Ruzzel at Clark kasama ang mga asawa nila. Then si Dr. Harvey I mean John (pero mas gusto ko sya tawaging Dr. Harvey) na kakarating lang galing ng London kasama si David at asawa nya. I know its awkward pero natanggap ko na rin na matalik na kaibigan ni James si David kaya kailangan kung tanggapin yun.Dinner Party, maya maya pa nagsidatingan na rin sila lahat. Nasa may living area kaming lahat at nagkukwentuhan sa mga nangyayari past few years.
"Akala ko nga hindi makatagpo si James ng katulad ni Abby after what happened to Anica..."sabi naman ni Ruzzel sa kanila.
"Guys let's forget the past, ang mabuti pa let's eat the food is ready..."singit ni James sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Punisher (kissed my soul) Edited
General FictionMatured content not suitable for very young age, SPG...Edited