Chapter 29

5.7K 106 3
                                    

Abby,

      Monday morning subsub kaming lahat sa trabaho nila Andrea. May hinahabol kasi kaming article na kailangan namin mairelease this month. Is about being competent strong woman. Pero kailangan na namin makakakita na isang  babaing competent strong woman, walang pumasok sa utak ko. Si Andrea naman may naiisip sya pero ng tawagan namin umayaw kasi she's quite busy at walang syang oras magpainterview. Hindi nya kami maiisisingit sa kanyang schedule.

    "Alam mo isa lang ang kilala ko na tumpak na tumpak sa new article natin..."agad na sabi Andrea na tinitigan ako.

"Sino?...."tanong ko naman.

"Si Ms. Shiena Coket, tugmang tugma sa pagkatao nya..."singit ni Dylan sa amin.

"Seryuso kayo! Wow! ang galing nyo din mag isip..."sabi ko sa kanilang dalawa.

"Si Dylan ang nag isip nun hindi ako, kaya sya lang ang pandilatan mo..."sabi naman ni Andrea sa akin.

"Dylan, I mean sir seryuso ba to?...tanong ko ulit sa kanya.

"Yes, I asked already Marie to set a schedule para mainterview mo sya ng one on one at pumayag naman sya.."diretsong sagot ni Dylan sa akin.

   Walang alam si Dylan sa mga nangyayari sa amin ni Shiena at ano nga ba ang pakialam din nya doon. This is about our job kaya labas to personal na issue, wala na akong magawa kundi panindigan ang trabaho ko. "Bahala na si batman kung anong mangyayari bukas" sabi ko sa sarili ko.  Sinubsub ko na lang ang sarili ko sa computer, hindi ko namalayan lunch time na pala kung hindi ako tinapik ni Andrea at yayain maglunch wala akong pakialam kung anong oras na. Hindi rin naman ako nakaramdam ng gutom. Dali dali akong tumayo kinuha ang wallet at phone ko, tiningnan ko muna ang ang inbox ko, shemay!...nakasampung miscall pala si James. Dali dali ko naman syang tinawagan  pero out of coverage na number nya, "hay...Abby gaga ka talaga, bakit mo sinilent ang cellphone mo ayan tuloy nagtampo na ng tuluyan si James sayo.

"Oh! bakit ganyan ang pagmumukha mo para kang bingasakan ng langit, ang bigat.."sita ni Andrea.

"Si James nakasampung miscall na pala hindi ko napansin. Tapos tinawagan ko nakaoff na cp nya..."malungkot na sagot ko.

"Paano kasi iba ang nasa isip mo kaya ganyan ka.."irap na sabi ni Andrea.

"Hoy! hindi ah...may iniisip lang naman, hindi naman iba. Ikaw ha wag kang ganyan..."sabi  ko rin Andrea.

"Alam mo simula ng dumating yang David sa buhay mo wala kana sa sarili mo, halika kana nga kakain na tayo.."sabay hila ni Andrea sa akin.

    Nakababa na kami at sa dating gawi, sa isang restaurant kami kumain na hindi naman kalayuan sa opisina. Habang nakaupo ako at naghihintay kay Andrea, nakatingin ako sa magkasintahan sa labas na kumakain at ang sweet nila, nagsusubuan pa nga sila. Maya maya umupo naman si Andrea sa may gilid ko at napansin nyang may tinitingnan ako sa labas kaya napatingin na rin sya at binalingan ako.

"Hoy! Bes baka matunaw naman sila..."saway nya sa akin.

"Nakakainggit lang kasi eh, pwede nilang gawin ang lahat ng gusto nilang gawin. Samantala ako eto nagtitiis sayo, oo nga may boyfriend ako pero hindi naman ako mailabas sa public, hay...buhay..."malungkot kung sabi kay Andrea.

"Wow! ang lalim nang hugot sa buhay, maghintay ka malapit na yan girl..."sabi naman ni Andrea.

   Bumuntong hininga na lang ako, alam ko pagdumating ang araw na yun magiging nightmare sa akin yun. Maya maya pa hinatid na ng waiter sa amin ang order naming pagkain pero para madami yata. Sa isip ko, hindi rin gutom si Andrea ang daming inorder, kaya ba namin ubusin to. Kumain na kami, maya maya pa may lumapit sa amin na waiter at may hawak hawak na bulaklak kaya nagkatinginan kami ni Andrea.

The Punisher (kissed my soul) EditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon