Abby,
Back to normal life, trabaho at trabaho. Today nasa opisina lang kami ni Andrea wala kami masadong gagawin nabobored na ako. Nasa US din si James at sa isang linggo pa ang balik nya. Maghapon kaming wala nakatunganga ni Andrea sa harap ng computer. Five o'clock ng hapon kaya naghahanda na kami para lumabas ng biglang lumapit si Andrea sa akin.
"Besty sama ka nagyaya si Marion na gumimik. Mag bar hopping daw tayo.."sabi ni Andrea.
"Sure total naman saturday tomorrow kaya go ako dyan..."sagot sa kanya.
"Samantalhin mo na habang wala ang jowa mo girl dahil pag nandito sya wala kanang oras sa akin puro na lang sya..."sabi ni Andrea sa akin.
"Hindi naman, grabi ka. Oy Tot alam ba ni Dylan to na gigimik tayo?..."paninigurado ko baka masisante kami.
"Alam mo hayaan mo sya. Wala namang oras yun sa akin mabuti pa si Marion may time.."sagot ni Andrea.
"Ikaw ha namamangka ka sa dalawang ilog..."sabi ko sabay kurot sa tagiliran nya.
"That's life you know. The more the merrier..."sagot nya at sabay kindat sa akin.
Dali dali na kaming lumabas sa opisina at umuwi ng condo at nagbihis ng panggimik. Medyo maaga pa kaya nag ayos ayos na muna kami ng kalat namin sa bahay. Naghihintay din ako ng tawag ni James pero wala, sa isip isip ko, baka busy lang sya sa business trip nya. Tumawag na si Marion sa amin at sabi nya nasa baba na sya naghihintay sa amin. Kaya excited naman kaming bumaba ni Andrea, nakita namin kaagad si Marion naghihintay sa lobby.
"Hi girls!...bati nya sa amin agad.
Lumapit kami sa kanya naghug at dali dali sumakay sa sasakyan nya. Habang on the away kami sa pupuntahan naming bar ng bigla nagtanong si Marion about kay James.
"Huh! Paano mo alam ang tungkol sa kanya?..."tanong ko din.
"Sorry besty nabanggit ko sa kanya..."sagot ni Andrea.
Tinitigan ko sya ng masama bakit nya nabanggit kay Marion.
"Don't worry Sot I'll zip my mouth..."singit naman ni Marion.
"Please..."sabi ko na lang.
"Pero sabi ni Mama sa akin ha, pumunta pala sya sa atin. Sabi ng mga kapitbahay natin ang gwapo ng boyfriend mo.."sabi ulit ni Marion.
Hindi ko na lang sya sinagot, maya maya pa dumating na kami sa lugar na kung saan magbabar hopping kaming tatlo. Nagyaya muna si Marion mag dinner kasi seven in the evening pa naman. Wala pa din kaming dinner ni Andrea. Habang naghihintay kami ng pagkain namin panay naman lambingan ang dalawa, sa isip isip ko, si Andrea talaga napaka playgirl at ako naman lakas maka third wheel. Mga ilang minuto naiserve na rin ang pagkain namin at kumain na kami. Nag order pa si Marion ng dessert, nagpaalam naman ako saglit gagamit lang ng ladies room. Habang lalakad ako papuntang ladies room may nasagi ako isang lalaki.
"Sorry sir..."paumanhin ko.
"Its okay Ms..."sabi nya at tumitig sa akin.
Napatingin din ako sa kanya at namukhaan ko sya kaya dali dali akong umiwas. Kinabahan tuloy ako bigla, pero napaitlag ako ng may humawak sa kamay ko, oh shit! gulat kung sabi.
"Ms. I think we've meet..."sabi nya then tinitigan pa ako.
"Oh yeah, your Abigail the girlfriend of Mr. The beast, remember me? Im David...David Coket..."pakilala nya ulit.
Sa isip ko, yes I remember you, sino ba naman makakalimot sayo. Hinila ko ang kamay ko dahil hawak hawak pa nya.
"Excuse me sir I need to use the ladies room..."sabi ko at nagmadaling umalis.
BINABASA MO ANG
The Punisher (kissed my soul) Edited
Ficção GeralMatured content not suitable for very young age, SPG...Edited