Abby,
"Wait lang ano ba, sino ba kayo?.."pagpupumiglas ko.
Mas lalo pang tumindi ang takot at pagkabigla ko ng pagkapasok ko sa loob ng sasakyan nakita ko sinJames nasa loob naghihintay. Sa isip ko naman, "anong kailangan na naman nito sa akin". Umayos ako ng upo at inayos ang sarili ko, gusto ko na ng magalit sa kanya. Pero I managed myself to calm down, pero sa loob loob ko " nakakainis naman to pwede naman nya akong pakiusapan hindi yung basta nya na lang akong ipahila sa driver nya at body guard nya.
"Ano ba kasing problema mo? .."inis na sabi sa kanya.
Pero hindi sya nagsalita at sumingit naman ang driver nya at nagtanong.
"Sir saan po tayo?..tanong ng driver nya.
"Ask her?..sabay tingin sa akin.
"Saglit nga, ano bang kailangan mo sa akin ha?..tanong ko sa kanya pabalik.
"I already told to you earlier. Ikaw ang kailangan ko.."walang kagatol gatol nyang sabi.
"Ako talaga? wow! naman. Alam mo Mr. Coldblooded..."pero hindi pa ako tapos magsalita.
Bigla na lang nya akong hinila at hinalikan, shit!!ano bang nangyayari sa taong to bakit ba nanghahalik na lang bigla bigla, sigaw ng utak ko. Maya maya pa hindi ko na namalayan na nadadala na pala ako sa halik nya at ang malala pa nag eenjoy na ako. Nagulat pa ako ng bumitaw sya at nakatingin lang sa akin. Sobra tuloy akong napahiya, uminit tuloy ang pisngi ko kaya sa labas na lang ako tumingin para makaiwas sa kanya.
"Saan ka pupunta? Ihahatid na kita.."sabi nya.
"Sa airport may susunduin akong kaibigan.."yun lang sagot at nanatiling nakatingin sa labas.
Sinabi nya sa driver nya kung saan kami pupunta kaya mabilis naman nagpatakbo ang driver nya ng sasakyan. Habang nasa byahe kami pareho kaming tahimik ni isa sa amin walang man lang gustong magsalita. Hanggang sa nagulat na lang ako dahil sa kinuha nya kamay ko at hinawakan nya. As in makaholding hands kaming dalawa, sa isip isip ko, "Jusmeyo...anong nangyayari hindi ko maintidihan bakit ganito" sobrang lakas ng tibok ng dibdib ko at halos hindi na ako makahinga. Hinila ko kamay ko kasi piling ko may something ng kakaibang bumadaloy sa buong katawan at pagkatao ko. Parang may nagcoconnect sa aming dalawa, iwan ko kung ano yun. Pero hinigpitan nya ang pagkahawak sa kamay ko buti na lang may tumawag sa phone ko kaya binitawan nya kamay ko. Dali dali kung kinuha ang bag ko at hinanap ang phone pero bakit ba natataranta ako at hindi ko na tuloy mahanap ang phone ko. Napapatingin lang si James sa akin, siguro nagtaka na hindi ko mahanap ang cellphone ko. Nakakahiya pa kasi yung ringtone ko nagmumura, maya maya nakita ko din nasa bulsa ko lang pala.
"Bwesit? ang tanga ko.."sabi ko sa sarili ko.
Dali dali kung sinagot, si Andrea lang ang tumawag tinatanong kung nakita ko na si Marion. Binaba ko na agad kasi nakakahiya naman sa katabi ko. Pagkapatay ko hinablot na lang nya bigla sa akin ang cellphone ko.
"Isnatcher ka ba? Akin na yan.."tanong ko sa kanya at sabay kuha ng cellphone pero inilayo nya.
Hindi nya ibinalik at may number syang dinayal. Maya maya nag ring yung cellphone nya na sa loob ng coat pocket nya nakasiksik. Sinave naman nya ang number nya sa cellphone ko, saka lang nya ibinalik sa akin ang cellphone.
"Thank you.."hinablot ko bigla.
Hanggang sa wakas dumating na kami sa airport. Baba na sana ako ng bigla lang nyang hinawakan ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
The Punisher (kissed my soul) Edited
Fiction généraleMatured content not suitable for very young age, SPG...Edited