Chapter 5: Saturdate

6.4K 126 6
                                    

Chapter 5: Saturdate

Christine Maverick's POV

Ilang beses akong napakurap-kurap bago ako tuluyang nakapag-adjust sa liwanag na dulot ng araw. Kinusot ko pa ang mata ko at saka tiningnan ang alarm clock na nasa bedside table. Di ko naman mapigilan ang mapangiti nang makita ko si Levis na malalim pa rin ang tulog sa tabi ko.

Pinagod mo kase...

Namula naman ako sa sinabi ng isip ko. Pero kase every 4:30 ay nagigising na siya para sumabay kina Will at sa barkada niya na mag-jog at maglaro, ngayon 8:40 na eh tulog pa rin siya. Pero sabagay napagod nga rin siguro siya dahil sa mga pinag-gagawa namin kagabi.

Pinagmasdan ko naman ang mukha niyang nakaharap sa'kin. Napangiti naman ako sa itsura niya, para siyang di makabasag-pingan kung matulog, at talagang di mo aakalain na napakababaero ng isang 'to.

Di ko naman mapigilan ang landasin ang ilang bahagi ng mukha niya gamit ang hintuturo ko. Simula sa mga kilay niyang mas perpekto pang tingnan kesa sa'kin. Sunod naman ay ang ilong niyang matangos, isa talaga to sa mg asset niya simula pa nung highschool kami. Siya na nga talaga ang bukod na pinagpala. Sana kung magkababy man kami isa ito sa mamanahin niya mula kay Levis...

Napadako naman ako sa mg labi niyang bahagyang nakabuka. Napangiti naman ako saka yun pinasadahan ng isang mabilis na halik.

Aalis na sana ako mula sa pagkakahalik sa kanya pero bigla na lang niya akong hinapit sa bewang dahilan para mas mapadiin ang paghahalikan namin at mapagpalit ang posisyon namin, ngayon ay siya naman ang nasa ibabaw ko. Bahagya pa akong nagulat nung una pero kalaunan ay napangiti na lang din.

"Ang sarap naman na pangbungad yun, Mav" namula naman ako sa sinabi niya at saka siya bahagyang itinulak.

"Baliw" sumamo ko at saka ginaya ang posisyon niya. We were facing each other while using our elbows to support our weight.

"Minahal mo naman" saka niya ako kinindatan.

"Heh! Pa'no mo naman nasabi yan?" pagdedeny ko pa.

"Mav, ang pag-ibig di yan pinapaliwanag, kusa na lang yang nararamdaman" Pataas-babang kilay na hirit niya.

"Edi wow. Teka nga bumangon na nga tayo. Late ka na nagising, O" pag-iiba ko ng usapan. Para naman siyang bata di pinagbiyan sa hiling niya nang lumukot ang ekspresyon ng mukha niya at saka siya ngumuso.

"Maaga pa naman, Mav. Mamaya na, Saka wala kang klase ngayon kaya okay lang na magtagal tayo" saka niya ako hinapit sa baewang sabay hatak sa'kin pahiga. Napakagat-labi naman ako nang maramdaman ko ang alaga niya sa may puson ko. Pakiramdam ko sobrang pula ko na. Kahit pa kase ilang beses na naming ginagawa yung 'ano' ay di pa rin ako sanay.

"Stop thinking about it Mav--- pwede namang totohanin natin ang kung ano mang naglalaro sa isip mo ngayon" he whispered huskily. Bahagya ko naman siyang tinulak para malayo ang katawan namin sa isa't-isa.

Stuck With The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon