Chapter 16: Fourteenth

3.4K 58 13
                                    

Chapter 16: Fourteenth

Christine Maverick's POV

"Hey, nakauwi ka na pala" nagkusot ako ng mata at saka tumayo at naglakad papuntang kusina kung saan siya naroroon.

"Sinabi ko naman sa'yo, matatagalan ako. You should not have waited for me, nakatulog ka pa sa couch" ngumiti lang ako sa kaniya.

"Okay lang, gusto rin kase kitang sabayang kumain" I was about to touch him and give him a kiss nang agad naman siyang umiwas.

"Pawisan pa'ko, Mav. Teka di ka pa kumakain? it's already pass midnight" kunot- noong saad niya.

"Uhm, yea. Di rin naman ako nakaramdam ng gutom, saka gusto long sabayan kang magdinner" nakagat ko naman ang ibabang labi ko dahil sa kaba, baka kase magalit siya.

He sighed.

"Okay, sabay na tayong kumain ng dinner, maliligo muna ako" Abot taeng naman ang ngiti ko at saka tumango.

Dumiretso na siya sa banyo namin sa kwarto at habang naliligo siya ay iniinit ko na ang pagkaing niluto ko kanina.

"Sakto, tapos ko nang mainit yung mga pagkain. Halika na?" nakangiting pag-aaya ko nang makita ko siyang bumaba mula sa hagdan.

Ang gwapo niya rin talaga. Saka iba rin yata talaga ang epekto ng amoy niya sa'kin, damn ang high ko na ba?

"You should have eat first, Mav. Masama pa naman ang nagpapalipas ng gutom" naiiling na tugon niya at saka naupo sa upuang katapat ng sa akin.

"Oo na po, sorry na. Teka heto tikman mo 'tong sisig na niluto ko. Mukha kang pagod, andami sigurong nangyari sa trabaho mo ano?" Saka ko iniabot sa kaniya yung kanin at ulam na niluto ko.

Nagsandok naman siya mula dito at saka sumubo.

"Yea, my day was tiring as usual. Andami kong meetings na in-attendan at saka nagkaabot pa kami ni Lee." tumango-tango naman ako. He's really so hardworking pagdating sa kompanya ng lolo niya.

Stuck With The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon