Chapter 33: Work for me

4.4K 88 14
                                    

Chapter 33: Work For Me

Christine Maverick's POV

Di naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang makita ang imahe ng taong di ko inaasahang makita sa sitwasyong 'to ngayon.

Inaasahan ko nang magkikita sila mag-ama, dahil sa liit ba naman ng Pilipinas at Maynila napakalabong hindi yun mangyari. Pero hindi sa ganitong paraan. I was not ready for fuck's sake! Jusmiyo!

Rinig na rinig ko naman ang malakas na kalabog ng puso ko dahil sa presensya niya. Idagdag mo pa na di niya tinatangtangan ang tingin sa mata ko. Di ko nga alam kung paano ko siya tinitingnan din ng diretso sa mata eh.

"Ay ma'am. Okay lang ho si Mavy, tumakbo ho kase nang mabilis eh kaya nabunggo kay sir at napaupo. Mabuti na lang napatahan agad ni Sir" salamat kay Dendi at nakagalaw na ako. Tine! jusko be professional naman!

Pero ano daw?

"T-talaga ba?" shit na dila ka! wag kang mautal! Pero hindi nga? sa iyak kanina ni Mavy na narinig ko ay papunta na siya sa pagtatantrums, napakaimposibleng mapakalma siya nang ganoon ka bilis.

"Oo nga ho ma'am eh. Masyado ho yatang sanay si sir sa mga bata, ganoon ho siguro sila ni ma'am sa mga anak nila" nabaling naman ang tingin ko sa kanila at doon ko lang napansin ang babaeng kasama niya.

Shit! What to expect!? Playboy, Babaero, Casanova, Baboy, Womanizer, Malandi, Igat! O kung ano pang itawag sa makating tulad niya!

Inayos ko ang postura ko at saka tinawid ang distansya namin.

"Akin na yung anak ko" mariin at matapang na saad ko nang makalapit ako sa kanila.

Nanatili lang siyang nakatitig sa mga mata ko at di pa sana ibibigay si Mavy nang magsalita ang flavor of the night niya.

"Uh Babe... Ibigay mo na sa mommy niya ang bata?" Babe your ass! Di lang ikaw ang Babe niya! You slut!

"Uh y-yea. Sorry" buti naman at di siya nagmatigas at iniabot na sa'kin si Mavy... na siyang tulog na!?

"Hala nakatulog pa po talaga si Mavy sa inyo, pasensya na po sa abala sir, ma'am" saad ni Dendi.

Humigpit naman ang yakap ko kay Mavy at saka hinaplos ang likod nito na basa na ng pawis. haist! napaka pawisin talaga.

"Okay lang, sanay naman na si babe sa mga bata eh" nakangiting tugon nung babaeng kung makakapit sa braso niya ay daig pa ang linta.

"Kahit na, pasensya sa abalang ginawa ng anak ko, naistorbo niya pa yata kayo sa date niyo. Pero salamat na rin sa pagpapatahan sa kaniya. Mauna na kami" saad ko at malamig na tiningnan si Levis bago ko siya tuluyang tinalikuran at naglakad palayo habang karga-karga si Mavy.

"Oh is Mavy, okay dear?" nag-aalalang tanong ni Mother. Ganon din ang mga tingin ni Jan at Freya sa'kin habang nag-aantay sa sagot ko.

I forced a smile and nodded.

"Ah y-yes. Nagtantrums lang saglit pero napatahan ko din hanggang sa makatulog" pagdadahilan ko na sa tingin ko naman ay nakakumbinsi kay Mother at Freya maliban kay Jan.

Stuck With The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon