Chapter 14: Better Late than Never

4K 63 22
                                    

Chapter 14: Better Late than Never

Levis's POV

"You drank a lot, Mav" saad ko nang masundan ko siya sa banyo. I caress her back to comfort her.

She did drank a lot of alcohol. Andami niyang naisuka.

"I'll be back, I'll get you some water" I stood up and head to the kitchen at saka kumuha ng baso ng tubig.

I handed it to her matapos niyang makapagmumog. Ininom niya rin naman ito.

Inalalayan ko naman siya sa paglalakad nang mapansin kong nahihilo na yata siya. Damn just why did she drink that much!?

Alam ko namang napaghintay ko siya pero ganon ba talaga yun kabig deal? Nandon naman si Bricks para samahan siya dahil di nga ako makakarating.

At least I didn't left her alone. I even prepared everything for her.

"Go on and rest, Maverick. You're too drunk" saad ko habang inaayos ang pagakakahiga niya para naman maging komportable siya.

At nung maayos ko na ang pagkakahiga niya ay bumaba na ako sa kusina para kumuha ng maligamgam na tubig na may alcohol at saka ako ulit pumanhik sa taas at kumuha ng bimpo sa kabinet at saka binalikan si Mav.

Pinunasan ko naman siya mula sa mukha niya hangang sa braso at paa. Minabuti ko na rin na bihisan siya, since nangangamoy suka na ang damit niya at napahimbing na rin yata masyado ang tulog niya dahil sa kalasingan.

I just let her wear my white shirt and boxer.

Wala naman yatang malisya na gawin ko yun since mag-asawa na rin naman kami.

Matapos kong gawin ang dapat ay ako naman ang naligo at nagbihis, saka ko tinabihan si Mav sa kama.

I stared at her for a while and smile sadly. Naaawa ako sa lagay niya...

Nilasing niya ang sarili niya dahil sa akin habang ako, kasama ko si Kim. Having intimate moments with her while letting Mav drunk herself in so much pain...

Malalim naman na napabuntong-hininga ako.

Bakit pa kase ako, Mav?

Kung sana iba na lang ang minahal mo, di ka sana nagkakaganito. But you fell. Nahulog ka sa mga laro ko. Ngayon nasa sa'yo na lang yun kung paano mo ito lalaruin...

Noon pa man alam mo na kung ano ang lang ang kaya kong ibigay. I warned you a lot of times, Mav...

But you still ended up taking the game...

Naputol naman ang pag-iisip ko nang mag ring ang aking cellphone.

"Kim" I answered.

"Ano, nakita mo na ba siya?" damn, I really love hearing her voice...

"Yea, nakauwi na si Mav. I'm sorry I left early" kanina kase, habang nagpapahinga kami nabigla na lang ako nang mabuksan ko ang cellphone ko at bumungad sa akin ang naapkaraming tawag ni Bricks.

Stuck With The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon