Chapter 21: Lowkey

4.1K 77 24
                                    

Chapter 21: Lowkey

Christine Maverick's POV

"Ha!? Ano Bes!? Buntis ka!? Teka-teka tama ba ang rinig ko!?" Nailayo ko naman nang bahagya ang cellphone sa taenga ko dahil sa lakas ng boses ni Shai.

Ngayon lang kase ako nagkaroon ng pagkakataon na sabihin sa kaniya yung balita na nalaman niya pa kay Angie, fiancé ni Will na siyang ka-batch namin noon sa highschool.

"Uh, o-oo? Basta mahabang kwento. Shai, ikwekwento ko na lang sa'yo pag nagkita tayo" napabuntong-hininga naman siya sa kabilang linya.

"Hayy... Ano pa nga ba. Basta ahhh magkwento ka, naku! mae-excite si Kris pag nalaman niya 'to!" napangiti naman ako sa sinabi ni Shai.

"Even me Shai. Excited na rin akong ikwento sa inyo, pero gusto ko personal" di ko man nakikita, alam kong nakangiti na si Shai ngayon na parang kinikilig.

"Naku!!! Basta okay ka na ah? Okay naman yung inaanak ko? Nakalabas ka na ba ng hospital?" napakaswerte ko rin talaga sa bestfriend kong 'to. Napaka-maalalahanin.

"Wag ka nang mag-aalala, okay lang kami. Pauwi na nga kami eh" yes, kakalabas lang namin kanina sa hospital at pauwi na rin kami sa unit ni Levis.

"Mabuti naman kong ganon! naku magtino na talaga yang magaling mong asawa, Tine! Naku dadalawa na kayo" napasulyap naman ako kay Levis na siyang seryosong nakatuon ang atensyon sa pagdadrive.

I smiled faintly.

"Thanks for the concern, Shai. Ibababa ko na muna 'to" pagpapaalam ko.

"Ay okay, okay. Basta ingat ah, see you soonest, Bes! Mwah!" after we bid goodbyes our call had ended.

Nabalot naman kami ng katahimikan ni Levis. Kami lang naman kaseng dalawa dito magkasama sa kotse. Sina manang kase mukhang pinauna na ni Levis sa unit, sila na rin yung nagdala ng mga gamit namin.

One week lang naman kami dun sa hospital, at yun nga nung masigurong wala namang problema sa mga tests ko at sa baby ay pinauwi na rin kami nung doctor. Although kailangan pa rin naming bumalik-balik dun para sa mga check-ups.

"Stop staring at me like that, Maverick" malamig na tugon niya habang nakafocus pa rin sa pagdadrive. Napaiwas naman agad ako ng tingin. Ganon na pala ako katitig sa kaniya?

Napakunot naman ang noo ko nang pag-gising ko ay di na papuntang unit ang dinadaanan namin.Di naman ganoon kahaba ang binyahe namin pero di ko namalayang nakaidlip na pala ako, normal din naman daw 'to sa mga buntis.

"You're awake already" batid niya pa.

"Levis, hindi ito yung papunta sa unit" saad ko. Seryoso pa rin ang mukha niya sa pagdadrive.

"Hindi na tayo uuwi ron. Sa bahay na binigay ni tito, don na tayo titira" what the hell!?

Stuck With The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon