Chapter 37: His Addiction

3.7K 81 8
                                    

Chapter 37: His Addiction

Christine Maverick's POV

"Hay naku Chrissy Gurl! If you only know how annoying and kulit your bae is!" natawa naman ako hinaing ni Freya kay Jan. Nagsusumbong kase ito sa akin na palagi daw umano siyang inaaway nung huli.

Inilapag ko muna ang sliced fruits sa coffe table at saka naupo sa couch sa bandang harap ng laptop.

"Hahaha, sigurado akong magiging kamukha ni Jan yang baby niyo Frey. Base kase sa kinekwento mo ay si Jan ang pinaglilihian mo" natatawang komento ko na siyang mas lalo niyang ikinabusangot. I called Mavy at agad naman itong lumapit sa akin.

I gave Mavy a slice of an apple at saka ulit siya bumalik sa paglalaro ng mga laruan niyang naka kalat sa sahig habang naka play naman sa TV ang Beauty and the Beast cartoon ng Disney Channel.

"Eww! Wag naman sana Chrissy Gurl! nakakainis nga ang pagmumukha no'n ih. Anyways, mabuti naman at naisipan mo pang sagutin ang mga calls ko noh especially video chat! Eh akala ko nakalimutan mo na kami!" Uminom muna ako ng Guyabano Juice mula sa baso bago magsalita.

"Sorry, masyado kase akong naging busy the whole month" pagdadahilan ko, which is half true. Kase naman ang totoong rason kung bakit di ko magawang sagutin ang mga video calls and chats nila ay dahil kay Levis.

Syempre baka ano pang isipin nila noh pag nalaman nilang hinahayaan kong matulog si Levis dito sa unit ko. Knowing them? Mayghud! baka mas lalo lang gumulo ang mga pangyayari, especially Jan who tend to be so protective of me and Mavy.

"Aba'y grabe naman pala yang ex-hubby mo Chrissy Gurl! Una,binenta niya kayo sa media. Pangalawa, minanipula niya ang projects ng company natin at ang trabaho mo. At ngayon naman inalok-alok ka niya ng trabaho tapos pinapahirapan ka pa? Haist! ang sama din naman talaga" naiiling at dismayadong saad niya pa.

Nakagat ko naman ang ibabang labi ko sa sinabing yun ni Freya. Well, Levis did manipulate some things in my life pero di naman siya naging ganoon kasama sa akin.

In fact, he treated me and Mavy so good.

Honestly, I think Levis grew a lot more matured than he is before. He's very hands on in doing his job unlike before na tinatakas-takasan niya lang at pupunta lang siya kung kailangan. Levis also became a lot more caring and grew love for others. Well pa'no ko nasabi?

Nung minsan kase nang makakota ang isa sa mga department ng kompanya at naging successful ito ay nagpatapon siya ng victory party. He even gave them a three-day getaway sa Palawan, sagot niya lahat! At nung minsan ding na stuck kami sa traffic ay tinulungan niya ang isang matanda sa pagtawid. Well, Levis is already helpful back then pero kase ngayon ang dami na niyang kinokonsiderang mga nararamdaman.

"H-Hindi naman sa ganon" kinakabahang sagot ko kay Freya. Baka kase anong isipin niya sa isinagot ko.

"Parang ganon na rin yun Chrissy Gurl! Yong totoo ha, talaga bang sincere yang ex hubby mo sa pakikipagbati sa'yo? Kase if he's really sincere dapat di ka niya pinapahirapan" I run my hand on my face at saka napanghalumbabang tiningnan si Freya.

"Di naman kase niya ako pinapahirapan Frey, sadyang busy lang talaga yung schedule niya pati na rin ako, kaya mrami ring trabahong nakatambak sa opisina" I defended na siyang ikinataas ng kilay niya.

Stuck With The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon