Chapter 24: Manhikan?

3.9K 82 7
                                    

Chapter 24: Manhikan?

Christine Maverick's POV

"What!?" nailayo ko nang bahagya ang cellphone ko mula sa aking taenga nang mapasigaw sa gulat si Shai sa kabilang linya.

Sino ba namang hindi magugulat sa balita ko.

"Bes! baka jinojoke time mo na naman ako? seryoso ka ba?" di pa rin naniniwalang tanong niya. I sighed.

"Seryoso ako, Shai" narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya kasabay ang pagsapo niya sa noo.

"Ang dami mo talagang problema sa buhay, Christine Maverick Fernandez" sinabi mo pa!

"so what's your plan then?" tanong niya.

Napabuntong-hininga naman ako at saka lutang na pinagmasdan ang napakagandnag buwan ngayong gabi.

Hindi ko alam kung tama ang desisyon ko pero bahala na... I have no choice after all.

"Hello? Bes andiyan ka pa ba?" nabalik naman ako sa sarili at saka napabuntong-hininga ulit.

"I guess iiwan ko si Levis" sagot ko na siyang nakapagpatigil kay Shai.

"Wait, iiwan mo ang asawa mo? tama ba ang pagkakarinig ko?" naguguluhang tanong niya. Napabuntong-hininga na naman ulit ako.

"Yeah, wala na rin naman akong pagpipilian, Shai. Kailangan ko siyang iwan... pansamantala" Even though it will make me miss him so much...

"Ghad Tine! Why let Levis live in peace, habang ikaw, namomroblema ka na sa pamilya mo. He should be the one who's in trouble right now!" paglelecture na naman ni Shai sa'kin.

"Siya ang nagdala sa'yo sa posisyong yan, Tine. Dapat siya ang humarap sa mga magulang mo. He should have ask for your hand in marriage in more formal way in the first hand. Ni di ka nga niya binigyan ng pagkakataon para mag-isip sa isasagot mo" Nalungkot naman ako sa sinabi ni Shai. What she's saying is true...

"Pero Shai, kasalanan ko rin naman kase pumayag ako. I had the choice to say no nang tanungin ako ni mayor but then I still said yes"

"Yun nga! you don't know what you are doing that time cause of shock. Ang pinupunto ko lang naman dito Tine is that you shouldn't worry this alone. Dapat si Levis ang namomroblema kung paano mo haharapin ang pamilya mo. Lalo na ngayon na buntis ka, Tine. You can't hide it from your parents forever!?" napakagat na lang ako sa labi at saka napayuko.

"Shai, you know Levis can't do that. At saka baka hindi pa rin ito ang tamang panahon para sabihin kina mama yung tungkol sa'min ni Levis. Pero yung tungkol sa bata, aaminin ko na rin namans a kanila, hahanap lang ako ng tyempo" saad ko.

"You and your family deserve a respect from him, Tine. He's a grown up man already! Let him be the man he should supposed to be, Tine" natigil naman ako sa sinabi ni Shai.

"anyways, tumatawag si mama, kailangan ko nang ibaba 'to. Talk to you later, Bes. Basta please think about my advice" paalam ni Shai pagkatapos ay tinapos ang tawag.

Stuck With The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon