Chapter 35: I love your Dad but...
Christine Maverick's POV
"Masyado yatang napagod ang anak natin. She must have enjoyed it" nakangiting saad niya matapos niyang ibaba si Mavy sa kama at ayusin ang pagkakahiga nito.
Pagkauwi na pagkauwi kase namin ay agad ko nang pinakain si Mavy at saka binihisan dahil inaantok na nga at ayon nga tulog ang malikot na bata.
"Yeah" mahinang sagot ko at saka pumunta ng kusina.
"Ah anong gusto mong kainin? magluluto na'ko" walang siglang tanong ko.
"Nope. Ako na ang magluluto" aangal pa sana ako but he still insisted on doing it kaya wala na akong nagawa kundi ang hayaan siya.
"Ikaw ba ano ba ang gusto mong kainin, Mav?" nakangiting tanong niya sa'kin.
"Kahit ano na lang" walang ganang sagot ko. Nakaupo lang ako dito sa may bar counter habang pinapanood siyang maghanda ng mga lulutuin niya.
"Ok then" hayy...
Naiisip ko pa lang yung kanina ay naluluha na ako. Bakit ba kase ganito?
Kailan ka pa ba masasanay Tine. He's always like that. Ano pa bang aasahan mo!
-
"Here. Have some, it will help you relax" nabigla pa ako nang sundan niya ako dito sa veranda ng silid namin ni Mavy.
Actually, patulog na kami kaya naka nighties na'ko na pinatungan ko ng silk robe ko habang si Levis ay naka sweatpants na rin at naka puting t-shirt na pantulog. Ang hot niya pa ring tingnan sa white t-shirt niya!
Tinanggap ko naman ang iniabot niyang wine. It's non-alcoholic kaya oks lang. Saka minsan lang naman 'to.
"A penny for your thoughts?" pagbasag niya sa katahimikang namagitna sa amin.
I gave him a glance at ibinalik din naman agad ang tingin ko sa view ng city lights na kita namin mula rito.
"Nah, I'm fine. Trabaho lang 'to" Kahit kailan talaga napakasinungaling ko sa kaniya!
"I know you are not. So just spill the beans, Mav" sasabihin ko ba? naiisip ko pa nga lang yun naiiyak na'ko.
I sighed before opening my mouth to talk.
"A while ago... Kanina sa mall" lumunok muna ako bago magpatuloy. Pakiramdam ko kase parang may bumabara sa lalamunan ko.
"What about a while ago?" puno ng kyuryosidad na pag-aantay niya sa karugtong ng sasabihin ko.
Pa'no ba 'to...
"I-I saw you...with a woman" sa pagbanggit ko pa lang non ay mukhang rumehistro na sa utak niya ang maari kong itanong.
"S-she's pregnant..." Di ko namn magawang itanong yun ng deretsahan sa kaniya but I guess nakuha niya naman siguro ang ibig kong sabihin.
Kinakabahan naman ako habang inaantay ang sagot niya.
"And what's with it?" What the---!?
"Anong what's with it ka diyan!? Wag kang painosente dahil alam kong alam mo na ang gusto kong tanungin" Inis na sumamo ko sa kaniya pero ang loko ay nagpipigil lang ng tawa. Argh! nakakabwiset talaga siya sa patawatawa niyang yan!
BINABASA MO ANG
Stuck With The Playboy
RomanceWife Series #3: Stuck with the Playboy Edward Levis Park and Christine Maverick Fernandez Story *** Christine Maverick Fernandez is just a simple nursing student. But then her life was changed because of her "most regretful" decision she had made...