Chapter 29: Denial

4.5K 81 33
                                    

Chapter 29: Denial

A/N: SURE NA BA? ALANG MAGPAPAPLUG? SURE NA TALAGA?😗 O EDI WALA PALAW SI AQUE😂 Anyways sorry for the late UD✌🏻✌🏻

-

Levis's POV

Napahilot naman ako sa sentido ko pagkagising na pagkagising ko. Masakit pa rin kase ang ulo ko, marahil sa hangover.

Tangna! madami yata talaga ang nainom ko sa bar ni Matthew kagabi. Palibhasa kase ako lang ang umiinom. Si Kurt as usual, busy sa babae, habang si Matt at saka si Al inaaliw ako ng kwento. Oh diba ang dadaya ng mga kaibigan ko? tsk.

Tiningnan ko naman ang katabi ko at wala na pala dito si Maverick.

She's up earlier than me, then...

Di naman ito ang unang beses na nauna siyang magising sa'kin sa linggong 'to. Pero ayaw ko lang ding nauuna siyang magising sa akin. Ayokong pag nagising siya ay madadatnan niya akong nakayakap o nakadantay ang paa ko sa kaniya. Mahirap na baka kung ano na namang isipin non. I don't want us to wake up in an awkward position. OA?

No, it's not like that. Simula kase nung magising ako kinabukasan nung magparty kami sa dive drive at nung marinig ko ang sinabi ni Maverick ay napagtanto kong kailangan ko nang tapusin ang kung ano mang meron kami.

Na mas makakabuti kung ititigil ko na ang pagpapaasa sa kaniya. We should be just civil enough para sa batang dinadala niya. She's already been hurted by me since day one. Baka pag tinapos na namin 'to ay makakalaya na siya sa sakit na yun.

She might just have find her happiness in that guy...

Total simula pa lang siya naman na yung palaging andiyan talaga para kay Maverick.

Napabuntong-hininga na lang ako at saka napalunok nang parang may bumara sa lalamunan ko. Damn it! lasing pa ba ako? kase parang di lang ulo ang mabigat sa'kin, pati yata nararamdaman ko, puta! What a gay shit Levis!

Napailing na lang ako sa mga pinag-iisip ko at saka tuluyan nang tumayo at tumungo ng banyo para maghanda sa trabaho. Nababaliw na yata ako, kinakausap ko na ang sarili ko, haist!

Bababa na sana ako nang bigla namang mag-ring ang cellphone ko kaya sinagot ko ito.

"Kris?"

"Levis, nagkita na ba kayo ni Nathalie?" napakunot naman ang noo ko. Halata sa boses ni Kris ang kaba at pag-aalala.

"Huh? Wala bakit?" narinig ko naman ang pagkalabog niya sa mesa.

"Damn it! Nabalitaan ko kaseng tuluyan na niyang iniwan si Lee!" medyo pasigaw nang sumamo niya.

"Mabuti naman! wala namang pake sa kaniya ang asawa niyang yon, tsk. Kademonyohan lang ang alam non, puta!" nag-iinit pa rin talaga ang ulo ko kapag naalala yung mga kwento ni Nath sa akin.

Ang sarap lang din patayin ng gago! Pero ang sabi sa'kin ni Kriselle maaaring pinroprotektahan lang nun si Nath, pero tangna!? Pagproprotekta ba yung mambabae ka sa harap ng asawa mo at tratuhin siyang parang katulong!?

"Levis! that's not the point kung bakit ako tumawag. Levis, alam mo naman ang kalagayan ni Nath diba? Levis natatakot ako baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. She's probably homeless by now!" naihilamos ko naman ang kamay ko sa mukha at saka napamaewang.

Stuck With The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon