Chapter 39: Mind Over Heart
Christine Maverick's POV
"Hey, masyado nang malalim ang gabi para ipagpatuloy mo pa yan" sandali naman akong nag-angat ng tingin bago ko ulit binalik ang atensyon sa ginagawa kong sketch ng mga huling disenyong irarampa sa nalalapit na Fashion Week na siyang kasali kami in collaboration with ZyBx.
"Yeah, I need to finish all of these para maasikaso na rin ang mga materials na gagamitin. Para after the shoot for the magazines ay dire-diretso na ang trabaho para sa nalalapit na Fashion Week" tumango-tango naman siya at saka naupo katabi ko dito sa couch ng silid. Tulog na si Mavy at sa pag-aakala ko'y ganoon rin siya.
"I thought you're asleep already" saad ko pa. Nakita ko namang pinakialaman niya sandali ang mga color pencils na nakalatag sa coffee table ko at saka niya tiningnan ang mga designs na natapos ko na.
"I did kaya lang nagising ako kase naiihi ako, and I found you still awake so..." sagot niya at saka may kinuhang kulay ng color pencil at saka ito kinilatis.
"You should go back to sleep, maaga pa ang alis natin bukas" tukoy ko sa flight namin bukas papuntang palawan.
"Nagsalita ang hindi kasama sa biyahe, tsk" ginulo naman niya ang buhok ko kaya nakabusangot ko siyang tiningnan.
"Matutulog naman ako" pagdepensa ko pa. Umirap naman siya sa'kin na para bang napakahirap paniwalaan ng sinabi ko.
"Matutulog daw eh anong oras na, tsk, tsk" umiiling na saad niya at saka humiga at umunan sa hita ko. Tingnan mo 'tong lalaking 'to.
"10:37 pa lang naman ah, kung makapag exaggerate ka naman" nilapag ko na ulit ang cellphone ko matapos kong tingnan ang oras at saka tinapos na nga ang pagkukulay sa sketch.
"Tss. Ganon pa rin yun. You're going dark and sexy this time huh" tukoy niya sa tema ng mga disensyo ko.
"Yeah. It's the representation of the modern women. Bold, Brave, Fierce, and Sophisticated" Saad ko at saka pinagmasdan ang natapos ko nang sketch. Hayy... Iba talaga ang fulfillment na nararamdaman mo sa tuwing nakakatapos ka ng gawang pinaghirapan mo.
"I love it" pagkomplimenta niya sa gawa ko. Ngumiti naman ako sa kaniya at nilapag ang natapos kong sketch sa coffee table.
"Really?" nakangiting tugon ko at saka sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.
"I really do. You did great in blending colors" tumango-tango pang pagkombinsi niya.
"Asus haha. May nalalaman ka pang blending-blending ha" piningot ko naman ang matangos niyang ilong at natawa sa sinabi niya. Ganon din naman siya at saka hinawakan ang kamay ko. He intertwined my hand with his.
"But seriously I loved the colors and your designs. Even how much those colors seemed to be so dark, you still managed to lighten it up with elegance" I smiled.
"Thank you" saad ko na lang nang nakangiti. My heart flutters everytime he appreciates my work and compliments it.
Kahit na noon pa man marami nang nagsasabing maganda ang mga gawa ko, I'm still not confident of my work, but when Levis throw good opinions on my work, di ko alam pero kakaibang saya ang nararamdaman ko. He's giving me that sense of assurance that makes me calm and confident.
BINABASA MO ANG
Stuck With The Playboy
RomanceWife Series #3: Stuck with the Playboy Edward Levis Park and Christine Maverick Fernandez Story *** Christine Maverick Fernandez is just a simple nursing student. But then her life was changed because of her "most regretful" decision she had made...