Chapter 27: Untamed
Levis's POV
"O long time no see, pare" bungad sa'kin ni Al nang makalapot siya sa'min ni Mat.
"Kita mo 'to, saya natin brad ah" puna ni Mat.
"Palibhasa kase nauto si Jahara ibang klase" naiiling at nakangising pag gatong ko.
"Tsk. Tsk. Malas naman ni Ja" kantyaw pa ni Kurt.
"Mga inggit talaga kayo sa buhay ko eh, palibhasa kase wala kayong lovelife" pagbawi niya. Naiiling na lang kami sa sinabi niya.
Napagkasunduan kase naming mag inuman na magkakaibigan dahil ilang mga friday nights na rin yung nai-pass namin dahil sa sobrang busy namin sa kanya-kanyang buhay at trabaho.
"Oy may Althea ako, so may lovelife ako" nakataas na dalawang kamay na sabi ni Mat.
"Sus what's lovelife when you have sex life fucker" nakangising saad ni Kurt habang proud na inihagis ang kamay niya sa ere.
"Well I have, Maverick" I shrugged and put a playful smile on my face.
Nagkatinginan naman yung tatlo at saka may kahulugang ngumiti sa akin.
Ke lalaking mga tao pero chismoso, tsk.
"Oh parts! ba't ganyan kayo makatitig kay Levis Hahaha, don't tell me pati kayo nagayuma ng fucboi na'to" uulanin na sana ako ng kantyawan nila nang dumating si Wil. Buti nakahabol ang 'sang 'to, galing pa 'to sa duty niya sa hospital eh.
"Willie boi! buti naman nakahabol ka" pinagkaguluhan naman siya nina Kurt at saka ginulo ang buhok nito.
"Oo nga eh. Teka ano bang meron at nakatutok kayo kay Levis kanina?" nagtatakang tanong niya at saka naupo na nga.
"Naks, late ka ba sa balita Wil? Hahaha" saad ni Kurt.
"Bakit ano bang nangyari?" tila ay curious na din na tanong ni Wil. Sira talaga ang mga 'to.
"Yang kaibigan mo lang naman na yan, diba dati fucboi yan?" sabay turo pa ni Kurt sa'kin. Gago talaga hahaha.
"Aba'y akalain mong naging instant lover boy" saad niya sabay tawa. Nagulat naman si Wil at tiningnan ako nang makahulugan habang ngumiti sa'kin nang nangangantyaw.
"Naks talaga yung pana ni kupido, brad hahaha" Si Mat na siyang nakikisabay sa pang-aalaska ni Kurt.
"Wow bagong buhay part ah, Hahaha iba talaga nagagawa pag nakashoot eh tas nakatanim" Sabay din ni Wil.
Naiiling na lang ako na natatawa sa kanila.
"Gago, hahaha. What's the big deal there man?" pablind na saad ko.
"Sus, di naman yan magkakaganyan kung di nathreaten ni Castillo eh HAHAHA thank me for those pictures pre!" nakangising saad ni Al.
Tsk. Tingnan mo 'to para namang ang laking naitulong nung pagpadala niya ng pictures sa'kin, yung napulot ni Kim. Eh sa dumagdag pa yun sa problema namin eh.
BINABASA MO ANG
Stuck With The Playboy
RomansaWife Series #3: Stuck with the Playboy Edward Levis Park and Christine Maverick Fernandez Story *** Christine Maverick Fernandez is just a simple nursing student. But then her life was changed because of her "most regretful" decision she had made...