Chapter 7: LQ?
Christine Maverick's POV
Ramdam na ramdam ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko nang masiguro kong siya nga iyon.
Pero akala ko...
"Umiiyak ka ba?" kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. He held my chin to make me look at him kaya di ko na natago yung bakas ng pag-iyak ko.
"Anong problema, Mav?" kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.
"W-wala..." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
Tinatanong pa ba yun? samantalang kanina lang ay marinig-rinig ko siyang may ka anuhan na iba.
"Maverick, di ako lumipad dito just to see you crying. Tell me what's wrong?" kasalanan ko pa ngayon?
Sinamaan ko siya ng tingin at saka tumayo at nagbalak na iwan siya don.
"Tangna, Maverick! teka lang naman" saka niya ako hinabol. Patuloy pa rin ako sa paglalakad.
Naiinis ako sa kanya. May balak pa talaga siyang magmaang-maangan eh klaro naman na sa narinig ko kanina na may ginagawa siyang kababalaghan.
Yun ba yung pinunta niya dito?
"Maverick" nahablot niya naman ang isang braso ko.
"Mav naman, what's wrong love? Please tell me what's wrong?" Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang makita ko ang lipstick stain sa leeg niya. Inis na kumalas ako mula sa kanya.
I look at him with disbelief at saka siya tinalikuran ulit.
Levis's POV
Napakamot na lang ako sa ulo ko. Problema ng babaeng 'to?
Akala ko sasaya siyang makita ako pero mukhang nagkamali ako. Psh. Siya na nga pinuntahan, siya pang may ayaw? Ang dami kayang babaeng gugustuhin ang pwesto niya.
Sinundan ko lang siya hangang sa makapasok siya sa lobby nitong hotel ng resort.
"Mr. Edward? Here is your key sir" tinanguan ko lang yung lalaking nasa information's desk saka ko kinuha ang susi ng kwartong pinareserve ko bago kami makarating dito.
"Maverick, we will fucking talk" I'm done with my kind way of talking. Na hindi ko naman talaga forte.
Nang mahagip ko ang kamay niya ay hinila ko na siya agad papasok ng elevator at saka pinindot ang 49th floor.
Naglilikot naman siya sa pagkakahawak ko. Pero mahigpit ang hawak ko sa kanya kaya di siya makawala-wala.
BINABASA MO ANG
Stuck With The Playboy
RomanceWife Series #3: Stuck with the Playboy Edward Levis Park and Christine Maverick Fernandez Story *** Christine Maverick Fernandez is just a simple nursing student. But then her life was changed because of her "most regretful" decision she had made...