Chapter 4: The Rules, The Game, The Deal

7.4K 128 3
                                    

Chapter 4: The Rules, The Game, The Deal

Christine Maverick's POV

"Yung ngiti, bes ah. Pakiliitan kase masyadong malawak eh pati gilagid kita na. HAHAHA" umiling na lang ako kay Shai habang nakaplaster pa rin ang malawak na ngiti sa labi ko. Ah basta masaya ako ngayon.

Kase imagine, bumalik pa siya dito para ihatid yung thesis ko at saka yung nangyari sa parking... Jusko! Overs na kilig yun ah. Ayoko na, grabeng kiliti yun.

"Pero hoy! gaga ka. Diba sinabi ni Levis kay Jan na asawa ka niya? So pa'no na yan ngayon, anong sasabihin mo kay Jan?" napabuntong-hininga naman ako. Isa pa nga pala sa iisipin ko si Jan. Tiyak na dadagsain ako nun ng napakaraming tanong.

"Ewan ko. Siguro sasabhin ko na lang lahat ng totoo. Total magkaibigan naman kami" kibit-balikat na sagot ko. Tumango-tango naman si Shai bilang pagsang-ayon.

"Pero bes, baka naman masaktan yun. Alam mo naman crush ka nun, diba" pataas-babang kilay na tukso niya. Umiling na lang ako saka nangiti. Imposible... hahaha.

"Napakaimposible nun, Shai. Sa dami ba naman ng babae na nagkakandarapa dun ako pa ang pipiliin niya? Swerte ko lang kung ganon. Saka if I know mas gusto non yung masyadong brainy at seksi saka yung katulad niyang mahilig sa photography" tumango-tango naman ulit si Shai.

"Sabagay. Pero feel ko pa din may gusto yun sa'yo" di na lang ako sumagot para di na kami magtalo. Pero alam ko naman sa sarili ko na napaka imposible nun. Yun? Yung lalaking yun? Eh sa palagi nga ako inaasar ng isang yun eh.

"Teka, ipapasa ko lang 'to sa loob. Hintayin mo na lang ako dito sa labas" pagpapaalam ko kay Shai. Tumango lang siya bilang sagot, pa'no kase sobrang busy kaka-stalk sa mga koreanong boyfriend niya kuno. Pero sabagay ang gagwapo rin naman nila kaya di ko masisi si Shai.

Pumasok na'ko sa loob ng faculty at saka ipinasa kay Ms. Desis ang thesis ko.

"Just put it on my table, Ms. Fernandez" sabi niya habang kumukuha ng tubig mula sa despenser. Nilagay ko na yung thesis ko sa table niya at saka naglakad na papalabas.

Aabutin ko na sana yung pinto nang bigla ulit akong tawagin ni Ms. Desis.

"Ms. Fernandez, I think may nasama kang dokumento dito na I assume di naman parte ng output mo" nagtataka naman akong lumapit sa kanya at saka kinuha ang iniaabot ang tinutukoy niyang dokumento. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba nang tangapin ko yun.

Stuck With The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon