Chapter 14

3.9K 60 7
                                    

Ashley's POV

Nung umalis yung dalawang gagong yun. Pilit parin nagmumura si Diann at Pearl sakanila kasi ang bagal maglakad. Sabi ko nalang sakanila na "Tama na!"

Then sagot si Pearl na "Yaan mo yan Ash, ng matauhan!"

"Kuya Guard! Wala naman kaming inimbita na Karlie at Carl dito?!"
Sigaw ni Diann.

"Pasensya na po ma'am! Sabi po kasi nya matalik nya daw po kayong kaibigan."

"O-Ok na po! Diann wag ganyan! Sige po manong guard balik na po kami!"
Sabi nung mommy ni Diann.

Pumasok na kami sa loob at saglit lang daw nagkaproblema.

Lumapit ako kay Jordan at tanong ko "Uy nagtatampo ka pa rin ba?"

"Ano ba kasing meron dyan sa Ryle nayan at dyan kayo sumasama!?"

"Ayaw mo kasing lumapit samin eh!"

"Oo na hindi na po! Birthday mo kaya pagbibigyan kita!"

"YEE HAHA THANK U! Tara na kasi sumama ka na!" Hinila ko sya papunta dun sa kainan.

Karlie's POV

Iyak ako ng iyak nung ginanon nila ako! Nagsira ako ng gamit sa bahay namin. Hinampas yung kama gamit unan, binasag yung mga picture frame, at pinunit yung mga libro ko.

"UY! UY! Bakit ka nagwawala?!"
Sabi ni Carl sakin.

"Wow! Hindi mo alam kung bakit ako nagwawala ngayon? KANINA LANG!"
Pasigaw na sabi ko.

"Ikaw ba naman! Plastikin mo sila, kung sana hindi mo ginawa yun. Hindi rin nila gagawin sayo yun! Pero grabe yun, yung sabunutan ka ng nakahiga tapo--...."

"OO NA MASAKIT TALAGA! MGA HAYOP! Maghihiganti ako dyan sa mga yan! Every war has revenge!"

Natawa sya sa mga pinagsasabi ko at sagot ko "May problema ka ba sakin? Ano sila na kinakampihan mo kaysa sakin!?"

"Hindi naman, wag ka na kasing gumanyan na parang inagaw yung asawa mo! Third party lang?!"

"Wala kang alam sa nararamdaman ko kaya umalis ka dito!"

"Eh, ano ba yun?!"

Naiinis na ako sakanya at sigaw ko sakanya na "HINDI MO NGA ALAM DIBA! WAG MO NG ALAMIN! ALIS!"

"Oo na!! Tsaka 10:30 na ng gabi oh! Tutulog na ako gabing gabi na oh!!"

"MAS OK PA! Matulog ka na nga!"

"Opo!"

Pagkaalis nya tumalikod ako at iyak ng iyak habang nakaupo ako sa sahig at naka-nap sa higaan!

-------------------------------------------------------

9:30 am

Nakatulog ako sa sahig ng hindi ko namamalayan. Umaga na so tapos na yung debut nung gagong yun.

OH NO! May pasok nga pala ngayon! Ang ginawa ko hindi nalang ako naligo at nagbihis agad.

Wala akong ginawa kung hindi gamitin yung kotse namin kahit na wala akong lisensya. Sana hindi ako mahuli.

Nakapasok na ako sa school ng hindi nahuhuli, ayoko naman talaga!

"Happy birthday Ashley!"
Sabi ng lahat habang kumatok ako at binuksan ko yung pinto.

"Goodmorning po ma'am! Sorry po kung nalate ako sobrang puyat lang po!"

Tinitigan nila akong lahat na parang rarapin ako. Tinignan lang ako ni ma'am ng matagal habang umuupo ako at nilalagay yung bag.

Bestfriend Nga Lang Ba? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon