Chapter 6

4.8K 67 28
                                    

Special Chapter.
Chapter 6: Karlie's Accident
by Mykeekym

Jordan's POV


Nagulat kami lahat lahat sa nangyari kay Karlie. Si Ashley sising sisi sa nangyare, nagcutting kase ito si Karlie.

Naaksidente si Karlie (Nasagasaan ng Kotse) gumugulo ang konsensya ni Ashley hindi sya mapakali, pati narin kaming mga kaibigan ni Karlie.

Dinala namin sya sa ospital ng mabilisan, may dumating na mga ambulansya at mga rescue teams.
May sugat at dugo sa ulo si Karlie.

Tumama yata ang ulo at critical sya.

"Ano doc ok na ba anak ko?"
Humahugulgol na sabi ng nanay ni Karlie.

"Nasa critical syang lagay. Tumama kasi ang kanyang ulo kaya hindi ko masasabi kung mabubuhay pa sya.
Sorry po kung hindi namin makaya pero makakaya po namin para sainyo!"

"Salamat doc."

Umiiyak si Ashley ng sobra sobra, parang naiisip nya at gumugulo sa kanyang isipan na sya ang may kagagawan nito.

Dumating ang nakabangga para bayaran yung psng pa ospital ni Karlie. Pinaghahampas ng bag ng nanay ni Karlie itong nakabangga.

"HINDI MO ALAM ANG SINAPIT NG ANAK KO!"
Pasigaw at pagalit na sabi ng nanay ni Karlie.

"Sorry po! Sorry mo mam! Yung anak nyo po kasi tumawid agad agad, edi nagulat ako."

"Eh bakit hindi mo inihinto ungas!"

"Sorry po talaga. Magbabayad po ako ng malaki!"

"Magbabayad ka talaga!"

Hindi mabilang ang luha ng mga kaibigan ko lalo na ang nanay ni Karlie at mas lalo na si Ashley.

"Sana talaga hindi talaga ako ang dahilan ng aksidenteng toh!"
Hindi mapakaling sabi ni Ashley.

"Beb wag nalang tayo negative vibes dapat puro positive. Mabubuhay rin si Karlie!"
Sabi ni Diann.

"Pano ako kakalma eh nag away nga kami ni Karlie!"

Hindi mapakali ang lahat sa kakahintay sa resulta ng operasyon.

Lahat naka abang sa resulta. Nakita namin ang sitwasyon ni Karlie grabe parang nakakaawa natalaga sya.

Lumabas na yung si doc at lahat kami nagsilapitan. Maliban lang kay Ashley na humahugulgol.

"Doc ano pong resulta?"

Nag hintay kami ng 2 oras dito.

Almost................

4:00 pm

na at sabi ng doctora na.

"Ok sya! Congratulations!"
Sabi ng tuwang tuwang doctora.

Nagyakapan kaming lahat at tuwang tuwa. Ang luha ni Ashley napalitan ng saya sa nabalitaan namin.

"1 week to 2 weeks, she can get out in the hospital. Congratulions by the way!"

Hindi mabilang ang saya ni Ashley. Kaya nya nang makipag bati uli kay Karlie.

7:00 am

Hindi kami pumasok magkakaibigan para mabantayan lagi si Karlie. Matagal kaming hindi makakapasok tutal Friday naman ngayun bukas walang pasok pati sa Sunday.

Sana talaga magising na sya. Sana mapatawad na nya si Ashley.

Kami lang ang naiwan ni Ashley dun sa ospital. Yung mama ni Karlie may work, at yung mga kaibigan namin pumasok. Kailangan daw nila makatapos. HAHA biro lang yun. HAHAHA.

Bestfriend Nga Lang Ba? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon