Venus' POV
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Bumungad sa aking mga inaantok pa na mata ang oras ngayon.
"5:30 am.." basa ko.
Maaga pa naman.
Pinatay ko na lang ang alarm at bumangon sa kama. Syempre magunat-unat din para tumangkad. 5'7 ang height ko, pangbeauty-queen DAW ang level kaso ayaw ko sumali sa mga ganyang bagay dahil una may stage fright ako, pangalawa ayaw ko magsusuot ng mga high heels, at huli hindi bagay sa'kin magrarampa sa entablado.
Pagtungo ko sa kusina, tamang tama naabutan ko si Vanessa na nagluluto na ng makakain namin.
"Wow, omelette and pancakes with matching hot chocolate. Vanessa ikaw ba yan?" asar ko habang hinihila ang upuan para makaupo na ako ng biglang hampasin niya ako na ikina-aray ko.
"Babaita maghilamos ka na nga muna!" saway nito. "Tignan mo oh ang dugyot mo tignan may laway kapa sa pisngi!" dagdag na resbak nito.
Napairap ako ng pabiro, "Hayaan mo siya mawawala rin yan katulad ng ex mo — ARAY!" sigaw ko ulit ng hampasin ulit ako neto.
"Ang dami mong alam, gawin mo na lang." tawa nito habang bumabalik sa ginagawa niya. Wala na akong choice kun'di sundin siya at umupo na sa upuan ko.
"Kain na Venus. Goodluck sa first day mo! Kamustahin mo ko ah?" sabi niya habang naghahain ng pinggan.
Napatawa naman ako, "Para kang nanay ko alam mo yun Vanessa?"
"Oo nanay mo ko, at kapag 'di ka pa kumain at nalate ka ipapa-ampon kita sa iba." gatong nito na ikinatawa naming dalawa. Pagkatapos niya maghanda, umupo na siya sa harap ko at sabay kami kumain.
Ilang minutong paggawa sa aking ritwals tuwing umaga ay inihanda ang aking sarili at pagtapak ng aking paa sa magandang tiles ng magiging paaralan.
"WELCOME STUDENTS!"
Ayan ang nakalagay sa banner ng Amersia Foreign School pagpasok. Bungad na bungad ang madaming estudyante na nagtitipon-tipon at nakatingin sa bulletin board.
Bago makarating sa bulletin board ay may naaninag akong magjowa na parang mga biinuburan ng asukal sa sobrang tamis na magkakasakit ka sa diabetes.
"Sweetie, happy anniversary sa atin!"
"Sweetie, I have some gift for you." lumuhod ito sabay naglabas ng isang maliit na kahon at binuksan ito, naglalaman ng isang mamahaling singsing.
Mukhang mamahalin ang singsing pero mahal ka ba niyan?
"Will you be my other half?"
Nagtatalon sa tuwa naman ang babae at nagmamadaling tumango ito. "Yes sweetie, yes!"
Nakangiting tumayo ang lalaki at sinuot nito ang singsing sa daliri ng minamahal niya. Nakaramdam ako ng panunuka sa mga nakikita. Buti na lang konti ang mga estudyante na dumadaan dito.
I shake my head sa magjowang akala mo para sa kanila itong araw. Tignan niyo sooner or later, iiyak din ang mga iyan.
Agad naman nilapitan ko at tinignan ang kaguluhan. Nakita ko ang mga listahan ng mga estudyante at ang mga classroom na kinakabilangan nito.
Biglang tumunog ang bell ng eskwelahan na dahilan ng pagkakagulo ng mga estudyante na kailangan pumasok. Sa sobrang pagtataranta ay dali kong mahanap ang listahan, hinanap ko na rin ang room ko.
Kinabisado ko muna kung ano ang room number at sinimulan nang maglakad-takbo.
"Ang dami namang mga estudyante rito."
BINABASA MO ANG
Say "Baby I Do"
General Fiction[R-16] [COMPLETE-UNEDITED] Si Venus Courtney Alicia ay isang babae na may mataas na pangarap. Katulad ng mga iba niyang matatalinong kaklase, sadsad siya sa pag-aaral. Bansag sakaniya ng mga kaibigan niya na "hopeless romantic", sapagkat single siya...