[Not Edited]
Venus
Simula nang mangyari ay isinawalang bahala ko iyon. Ilang linggo pagkatapos ng reunion ay nakakaranas pa din ako ng morning sickness at tuloy-tuloy ito hanggang umabot ng isang buwan. Nagtataka na sa akin si Mommy kung bakit panay suka ako pero hindi na lang pinapansin.
Ngayon ay babad sa pagbabantay ng Venus Gems dahil kailangan ko mag-inspect at aralin if ever na may pumasok ng DTI representative anytime ay ready ako sa lahat.
"Venus, just chill. Panigurado wala namang tanungan kapag may mag-iinspect sa isang business. They asking a question if saw them some malicious in your business."
It seems na gusto ko ng relaxation sa katawan pero stress ang naabot ko ngayon. Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo.
"Venus, are you okay?" he ask me. I can see his eyes full of concern.
I nod and give a smile. "Yes, tsaka gutom lang ito siguro."
"So, I can buy now a food for lunch. Anong pagkain gusto mo?" alok nito.
"Gusto ko sana yung fries ng KFC, bucket of fries tapos mashed potato extra large." I request pero mukhang hindi okay kay Kenzo.
"Seriously, iyon lang kakainin mo?" hindi makapaniwalang tanong.
"Oo nga, basta iyon ang bili mo sa akin dahil nacrave ako!"
Kamot-ulo lang ito umalis palabas ng Venus Gems na siyang pagpasok naman nina Cheska at Shane.
"Ano nanaman kailangan niyo?" inis kong tanong sa kanilang dalawa.
"Masama bang bisitahin ka namin?" balik nitong tanong sa akin ni Cheska. Sinamaan ko ng tingin dahil umiinit ang ulo ko ngayon.
"Chill Venus, don't be pressure yourself. Wala naman itatanong ang mga mag-inspect dito." aniya sabay tawa nito.
Kinuha ko ang isang bulto ng papel sabay nginudngod sa pagmumukha nito. "Sabi mo don't pressure yourself. Sige basahin mo lahat iyan tapos tignan mo yung mga produkto na inorder ko kung saan nagsimula at paano ginawa." singhal ko rito.
Kinuha naman ang papel at nilapag sa isang tabi. "Sabi ko nga tatahimik na ako." pagsuko nito.
Bumalik na ako ginagawa at inaaral ang mga hawak kong papel. Ang dalawa naman ay panay daldalan.
"Kailan daw magpapakasal sina Ethan at Anastacia?" rinig kong tanong ni Cheska. Ang atensyon ko imbis na sa pagreview ng mga hawak kong papeles ay sa chikahan ng dalawa.
Ano ito bubuwisitin ba nila ako?
"Sabi ni pinsan, kapag 6 months na ang anak nila, magpapakasal muna sa huwes then after manganak saka na deretso sa simbahan." sagot naman nito ni Shane.
"Basta imbitado ako sa kasal nila."
"Oo naman Cheska."
"Ako ni-"
"Pwede bang tigilan niyo iyang pinag-uusapan, nakakaistorbo kayo bwisit!" irita kong saad at hinagis papunta sa kanila ang mga papel na inaaral ko.
Hindi ko alam kung saan ako nabwisit, sa ingay ba o sa pinag-uusapan nila. Kakaurat talaga!
"Gurl dinaig pa ang may dalaw at buntis sa inaasta mo!" biro ani Cheska
"Oo nga Venus!" pagsang-ayon naman ng isa.
"Ewan ko sa inyo!" napahilot na lang ako sa aking sentido. Nakakastress sila kasama!
"Hey, what happen here?" pagsulpot naman ni Kenzo bitbit ang paper bag at nilapag ito sa harapan ko.

BINABASA MO ANG
Say "Baby I Do"
General Fiction[R-16] [COMPLETE-UNEDITED] Si Venus Courtney Alicia ay isang babae na may mataas na pangarap. Katulad ng mga iba niyang matatalinong kaklase, sadsad siya sa pag-aaral. Bansag sakaniya ng mga kaibigan niya na "hopeless romantic", sapagkat single siya...