Chapter 16

99 25 0
                                    

[Not Edited]

Venus' POV

It's February. Start na ng Halloween special ng Amersia este love month na. Para sa mga taong may jowa, taong walang label, at higit sa lahat mga taong single forever including me.

Nandito ako sa may library para sa gagawin kong report about sa history background ng politics during Spanish times sa Pilipinas. Naghahanap kasi ako ng libro na sasakto sa topic na irereport ko. Sa sobrang laki nitong library, matatagalan ka sa paghahanap ng libro.

"Asan na ba ang mga History-Politics books dito?" sabi ko sa sarili ko. Kanina pa ako dito umiikot hindi ko mahanap. "Ayon. Nandito lang pala." agad ko namang tinungo ang mga bookshelves na nakaloob ay more on social science topic book. Nakita ko na yung hinahanap ko. Nasa taas pala siya. Aabutin ko sana yung libro kaso malabo ko siyang makuha. Bakit ba ako nabiyayaan ng height na hindi ko maabot yung libro na kailangan ko?

Sa kakatalon ko para makuha iyon ay may biglang may anino sa tabi ko at kinuha ang libro na dapat sana ay kukunin ko. Tumingin naman ako sa kumuha ng libro at walang ibang kundi si Ethan. Tumingin ako sa kanya para bang nag-uusap ang mga mata namin.

"Ito ba yung hinahanap mong libro?" pambasag niya sa katahimikan namin. Agad naman akong tumango at umalis na ako sa pwesto namin. Agad naman ako naglakad-takbo papunta sa isang bakante na lamesa.

Nagtake down notes na ako sa mga aaralin ko at umalis na agad sa library dala ang libro. Habang naglalakad ako ay may biglang nagring sa cellphone ko. Pagtingin ko naman kung sino ang tumawag ay agad ko namang inaccept.

"Hello. Ano nanaman sasabihin mo gurl? Kung hindi importante, ibaba ko na lang ito. May inaasikaso akong report sa Politics." halong inis sa sinasabi ko. Kapag tumatawag si Cheska sakin puro tungkol sa love life niya. Kung hindi sa lovelife, about kay Ethan. I always deny kapag nagtatanong sakin about kay Ethan. Because hindi naman totoo about sa amin ni Ethan. Ethan, Ethan, Ethan. Puro Ethan ang bunganga ng ate mo gurl.

"Grabe naman Venus. Mahalaga yung sasabihin ko syempre." natatawa niyang sabi.

"Oh ano nga sasabihin mo?" inis kong tanong.

"Magkita na lang tayo sa coffee shop malapit dito, doon na lang tayo mag-usap. Ciao!" pagbaba niya ng sagot. Iyon lang pala ang itatawag sakin. Haynako talagang babaeng ito. Nagsasayang ng load. Palibhasa may pambayad. Agad naman ako tumungo sa pagkikitaan namin na coffee shop na madalas din pinupuntahan ni Ethan.

How many times I mentioned Ethan since I having a crush to him? Siguro madami na. Crush lang naman, pagbigyan niyo na.

Nakarating na ako sa coffee shop na pagkikitaan namin. Pagpasok ko ay agad nang nakita ang bruha este si Cheska na nagcellphone.

"Hoy! Sino yang kachat mo?" sabi ko sabay batok sa kanya.

"Aray ko naman Venus. Kaya ka hindi nagkakajowa dahil napakasadista mo." sabi nito habang hinihimas ang ulo niya.

"Ano bang pag-uusapan natin at pinapunta mo ko dito? Pwede naman kasi sa tawag." sabi ko sabay kinuha yung apple juice na iniinom niya. Pasensya na nauuhaw na kasi ako kanina pa.

"Bayan Venus. Nag-order ka sana ng iinumin mo. Hindi yung kukuha ka ng hindi naman sayo" parang bata naman umasta ni Cheska. Ililibre ko na lang ito mamaya ng Starbucks, tatahimik na kaluluwa nito.

"Yung sinabi ko sayo na pupunta tayo sa event or should I say na blind date?" panimula niya.

"Oh tapos, diba sabi ko hindi ako sasama sa mga ganyan. Alam mong aasikasuhin ko yung foundation day ng Amersia." sabi ko. Ayaw ko talaga sa mga ganyan, alam mong nakakacringe kaya para sakin.

Say "Baby I Do"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon