Chapter 3

239 60 2
                                    

Venus' POV 

"One, two, three and pose!"

Huling practice na namin para sa pageant. Kabado na ako para bukas. The truth is, hindi naman talaga hilig ito. Pero dahil sinusuportahan ako ng mga magulang ko, edi pagpupursigihin ko na. Tsaka sayang naman yung effort nila dito kahit nasa malayo sila.

"Please sit down first for a while and I have some reminders before you go home na for preparing your pageant tomorrow."

Umupo muna kami sa sahig ng stage. Pinapanood lang namin si Ms. Kyla umupo at tumikhim ito bago magsimula magsalita. 

"Ako mismo ang nagpapasalamat sa binigay niyong effort and I can say na nag-iimprove naman kayo now. Sa halos isang linggo nating oag-eensanyo in one of the most big event ng university niyo, all I can say is great job sa inyo. Palakpakan niyo naman ang sarili niyo!" maligaya nitong bati sa'min at pumalakpak ito. 

Sumabay na rin sa pagpalakpak ang mga kasamahan ko pero ako rito ay nananahimik sa isang tabi dahil sa mga agam-agam na pumapasok sa aking isipan. Hindi ko mawari kung ito ba ay dahil sa mga sasabihin sa akin ng iba o sa pagsali ko mismo sa pageant. 

Ayaw ko na mag-isip ng kung ano-ano. 

Bumalik kami ulit sa entablado para tapusin ang natitirang oras sa pag-eensanyo namin para bukas. So far, nagiging smooth ang aming ginagawa at halatang pinaghahandaan ito. Ang mga dekorasyon dito ay naghahanda na rin para bukas, mukhang pinaghahandaan talaga ng Amersia ito.

May mga ilang paalala at payo na ibinigay si Ms. Kyla sa'min bago pa kami pauuwin.

"Before we leave, let's take a selfie first!" pagkalabas nito ng cellphone at ang mga kasamahan ko ay parang mga langgam na nagtabi-tabi.

"Compress pa guys, hindi kayo kita sa gilid!" mas lalong sila nagdikit-dikit habang ako ay palayo sa kanila.

Inoobserbahan ni Ms. Kyla ang mga tao sa screen ng cellphone niya hanggang kumunot ito ng noo, "Ms. Alicia, bakit umaalis ka sa tabi ni Ms. Falcon?" tanong nito.

"Ms. Kyla, m-medyo nahihiya po ako." nakayukong saad. 

Tumahimik naman sandali si Ms. Kyla pero ang ibang mga kababaihan ay nagsimulang magbulungan. Alam ko naman kung sino ang pinag-uusapan nila dahil sa mga titig nito. 

"Sige na Ms. Alicia, sumama ka na rito. For remembrance lang naman ito." pamimilit nito. 

Napatingin ako kay Bent na tumatango ito bilang pagpunta sa pwesto namin. Ang mga kasamahan ko ay bakas sa mga mukha nilang pagka-inip at inis. Kumuha muna ako nang lakas ng loob at naglakad na papunta sa kanila. Tumabi ako sa pinakagilid para kunyaring nahagip ako ng camera per ang totoo hindi. 

"Ms. Alicia, proceed here in front!" Ms. Kyla strictly command. "Hindi ka kita sa gilid kaya dito ka sa tabi ko." she explain kaya mabilis akong tinungo sa tabi niya. Lahat kami ay nakaposisyon na at kanya-kanyang mga signature smile nila. 

"Okay, one...two...three... Smile!" bilang nito sabay pinindot ang white button nito. 

Ilang shots ng pictures ang nagawa namin hanggang sa nagpaalam na si Ms. Kyla na at umuwi ang ilan sa mga kasamahan namin, ang iba naman ay nagpaiwan para naman mag-bonding at tumulong sa pag-aayos ng entablado.

Tinungo ko na ang pinagpwestuhan ni Cheska na busy itong nagtitipa sa kanyang iPhone 5.

Kayo na ang may iPhone.

Tumingin muna ito at inoobserbahang mabuti, "Huy gurl! ok ka lang?" tanong nito.

Hindi, ang totoo niyan natatakot ako. 

Say "Baby I Do"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon