Chapter 4

211 47 18
                                        

[Not Edited]

Venus' POV

Life Update: It's getting crucial up in here.

Yung tingin kong kaninang "madali" para sa akin, hay nako tignan mo ngayon. Lahat sila pak na pak yung sagot, lahat din sila magaganda yung damit at yung ayos nila. Piling ko wala na akong tiyansa dito para manalo. Lalong-lalo na yung babae doon kanina, kay laki ng props niya na nakasabit sa likod niya.

May tiyansa paba ako rito na manalo?

"Venus? Okay ka lang ba?" Biglang tanong ng tao sa likod ko na ikinalingon ko.

Napangiti ako, "Oo okay lang ako Mae, huwag kang mag-alala." pagsisinungaling ko.

Tinignan lang ako ni Mae na parang may mali sa sinabi ko sabay taas ng kilay, "Sigurado ka..?" tanong nito.

"Venus, matagal na tayong magkaibigan simula nung bata pa tayo. Alam ko kung may problema, halata sa mukha mo yung pag-aalala, ano ba problema?" diin nito.

Hindi talaga ako makapagsinungaling sa babae na ito kahit kailan.

Huminga ako ng malalim, "Eh kasi Mae, piling ko wala na akong tiyansang manalo.." sabi ko.

Napangiti si Mae sa akin, "Ayan ba dahilan kung bakit naging down ka bigla?" tanong nito na ikinatango ko.

Bigla niya akong yinakap sabay tingin sa mukha ko, "Venus, isa lang itong competition na hindi dapat sineseryoso. Lahat tayo rito mananalo't matatalo, damay-damay tayo lahat. Kasi alam mo kung bakit?" sabi nito.

Tinignan ko siya na para bang kinikwestiyon ko siya, "Bakit?" tanong ko.

Nginitian niya ulet ako, napakaganda niya talaga kahit kailan, "Kasi, pare-pareho tayong tao lang. Nadadapa, ngunit nakakabangon ulit. For centuries, women are made to compete at each other when honestly, we could just help each other and end the enviness within us that is the number one insecurities we have."

Biglang nanilawagan ang mood ko; tama nga naman ang point niya. Lahat tayo ay tao lang, nagkakamali pero nagagawa nating itama.

Nginitian ko rin siya, "Salamat Mae, mapagkakatiwalan ka talagang kaibigan. Ni minsan, hindi mo ako binigo." sabi ko sa kaniya.

Napatawa ito, "Walang anuman Venus, I'm very happy that I can help." sagot nito.

"Okay contestants, take five, malapit na ang Coronation." sabi ng staff na kakapasok lang sa dressing room. Lahat kami ay napatingin sa kaniya.

"Make sure na nakaayos na kayong lahat at handa na para sa next event." dagdag nito bago umalis.

Biglang kinalas ni Mae yung yakap niya sa akin, "Oh siya, mag-ayos na tayo." tawa nito.

Napatawa nalang din ako, "Osige." sagot ko bago bumalik sa pwesto ko.

Tinulungan ako ng stylist ko na mag-ayos at suotin yung damit kong susuotin para sa next event. Mas kinabahan ako kapag iniisip ko palang yung Coronation, pero huminga nalang ako ng malalim at inisip nalang yung mga sinabi sa akin ni Mae.

"And this is the moment you've all been waiting for, the Coronation! Please welcome again, our lovely contestants who's back for more!" sabi ng emcee at muling nagpalakpakan yung mga audience.

Bago kami umakyat ng stage, bumulong muna ako ng dasal bago tumungo. Once again, nasaksihan ko ulit yung mga nakakasilaw na ilaw sabay tayo sa pwesto ko.

Pinagmasdan ko silang lahat, silang mga nagpapalakpakan kung may single clue ba sila patungkol sa mga nararamdaman naming mga contestants. Kung alam ba nila kung gaano kami kabado, kung gaano namin pinaghandaan ito, kung gaano namin binuhos lahat ng aming dugo't pawis dito.

Say "Baby I Do"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon