Chapter 12

111 30 0
                                        

[Not Edited]

Venus' POV

"Venus. Sasama ka ba sa feeding program sa Quezon?" tanong sakin ni Cheska. Well, nandito kami sa hallway kakagaling namin sa office ng principal para pag-usapan yung magiging project namin ng student council. 

Naalala niyo pa ba na kaya kami pinatawag ni Ms. Tiangco is because of this project. Unang plan namin is take a research about the ethnic groups in Cordillera pero hindi natuloy it's because of the conflict of schedule ng school at dadarusan ng project. Kaya nauwi na lang sa feeding program sa Quezon. Hindi lang pala feeding program ang mangyayari dito. We stay for one week in Quezon for reconstruction ng isang daycare center slash classroom doon sa isang sitio na pagdadausan ng feeding program. 

"Oo. Kailangan nandoon ako. Ofcourse as a president of student council, kailangan maging pamumunuhan ko ang project ng school." sagot ko nito. "Ikaw ba?" habol kong tanong. 

"Well, sasama ako! Papaalam ko kay Papa kung pwede gamitin yung natirang fund sa company namin for food." excited niyang sagot. "Tsaka gusto ko makipagsalamuha sa mga bata eh noh?" habol niya. Hindi ko papala nasabi na ang family ni Cheska is a food company na once may ganitong program/project just like the feeding program, ginagawa nila yon at mahilig si Cheska sa mga bata. 

"Kung gusto mo pala ng bata, edi magka-anak ka na." biro kong sabi. 

"Tse! Wala pa nga akong magiging kabiyak, tapos anak pa kaya?" asar nanaman si Cheska. Natawa ako sa expression niya na parang may epilepsy. 

"Well. See you next week. Sasabihan ko pa sina Shane at Ethan about this one." pagpaalam nito at bumeso sakin bago pumuntang parking lot. Ako naman, dumeretso na sa labas at naglakad papuntang dorm. 

-----------

"Antagal naman nina Shane? Ichat niyo na nga at bilisan nila. Alam naman na matraffic sa South ngayon. Ghad! KILOS!!" tarantang utos ni Ms. Tiangco. Agad naman kaming kumilos dahil 5am na dapat 4:30 am ang alis ng bus. Haynako! Nasan na ba yung mag-pinsan? Mga tulog-mantika siguro. 

"Ma'am. Malapit na po yung magpinsan pumunta dito." sagot ng isang volunteer na student. Siguro ito ang isa sa mga kaibigan ni Ethan pero di ko sila kilala. Naging kalmado naman ngayon si Ms. Tiangco. Tanders na kasi kaya madaling maiinis sa lahat ng bagay. Ewan ko ba at natiis namin siya bilang adviser. 

"Sorry Ma'am we're late." pagtawad ni Shane. Agad naman ako napatingin doon sa katabi nito, si Ethan. Ang hot niya sa suot niyang polo at maong short. Parang pupunta lang sa beach. Fit na fit sa kanya.

"Kung makatingin sa kanya parang hinuhubaran mo na sa isipan mo. Venus maghunos-dili ka." bulong sakin ni Cheska. Agad naman ako namula at siniko siya ng mahina. Ganon ba talaga yung iniisip ko? I don't think so.

"Tara na. Baka matraffic tayo sa pupuntahan natin." pagyaya ni Ms. Tiangco kaya sumakay na kami sa isang mini bus.

Katabi ko si Cheska at panay chikahan ang ginagawa namin sa bus para hindi kami mabored at maantok sa biyahe.

Habang kami ay nag-uusap ay lumapit si Ms. Tiangco sa amin. "Venus, okay na ba yung mga materials na gagamitin sa reconstruction at feeding program sa Quezon?" pagtanong sakin ni Ma'am. Akala ko naman sasawayin kami dahil sa sobrang ingay.

"Ah ma'am. Nakahanda na yung gagamitin sa feeding program pero yung mga materials sa reconstruction sa daycare center on the way na po." pagsagot ko naman nito. Tumango naman si Ms. Tiangco at umupo na sa harapan namin. Back to chikahan naman kami ni Cheska.

"Venus. Sa February, may magaganap na blind date sa isang restaurant, kaya kailangan sumama ka ah? Para di ka maging bitter sa buhay mo." Hindi ko talaga hilig sa ganyan. Hays. Makulit talaga si Cheska.

"Ano ka ba Cheska? Hindi ako mahilig sa ganyan. Kaya hindi ako pwede." pagtanggi kong sinabi. "Atsaka. Kapag nagkajowa ako, anong mangyayari sakin? Sa una papakiligin kayo pero in the end, magiging cold siya at iiwanan. Tapos kapag magmamakaawa sayo, tatalikuran ka lang. Kumukulo talaga dugo ko about sa mga ganyang nangyayari." gigil kong sabi. Nako! Baka patay na bulaklak ang ipamimigay ko sa Valentine's Day sa Amersia.

"Haynako Venus. Sa ayaw at sa gusto mo. Sasama ka sakin! Kahit ikadena pa kita na parang aso, gagawin ko sayo!" may halong pagbabanta sa boses nito. Hindi ako nito tatantanan. Pagbigyan ko na kaya ito?

"Oo na. Jusq! Isang beses lang? Kapag inulit mo pa ito. Baka ikaw gawin kong aso satin." pagsuko ko.

"Ang taray ko pala kapag naging aso ako. Kasing ganda ko ba yung mga shih tzu?" sariling dala ng bangko talaga itong si Cheska. Kahit kailan.

"Hindi bagay sayo yon."

"Eh anong lahi ba? Golden Retriever?"

"Hindi din. Mas bagay sayo yung bulldog Cheska. Jusq." pang-aasar ko nito. Natawa ako sa sarili ko.

"Tse! Pasalamat ka maganda ka ngayon." asar talo na tuloy si Cheska.

"And speaking of maganda, bakit ang blooming mo? May crush ka noh?" asar niyang tanong sakin. Namula naman ako sa sinabi niya.

"So which mean totoo?" agad naman akong umiling. Jusq naman talaga itong babae napaka-issue.

"Jusq naman girl. Kaya ako ganito kasi ginagamit ko yung mga pinadala ni Shane na beauty products galing Italy. Sayang naman kung di ko gagamitin. Napaka-issue mo talaga!" ngisi kong sinabi. "Tsaka wala akong crush noh." dagdag ko nito.

"Ms. Tiangco! Pwede po bang magstop over muna?" tanong sa likuran pwesto namin. Agad ko namang nilingon kung sino iyon. Bigla na lang lumaki ang mata ko nang makita ang istura nito.

Nakabusangot ang mukha ni Ethan, samantala yung katabi niya na si Shane ay tulog. Puyat ito siguro sa kakapanood ng K-Drama.

"Yeah sure! Malapit na tayo sa babaan nating gasoline station." sagot ni Ms. Tiangco. Tumingin naman ito sa kanyang relo at sa mga kasamahan namin dito sa sasakyan.

"Kapag nakarating na magiging stop over natin, umihi na yung mga gustong-gusto umihi at ang mga bibili naman ng pagkain bumili na." paalala nito. Agad naman siyang tumingin ulit sa orasan. "9:45am palang. So kapag umabot na ng 10 am sa gas station. Please 11:30 am ay dapat makabalik na kayo dito. Understand?" habol pa niyang sinabi. Um'oo' na lang kami bilang sagot.

Nang makarating na kami sa magiging stop over namin ay agad namang bumaba si Ethan na parang wala siya sa mood.

"Fuck this life." Sabi niya nito habang naglalakad papunta sa cr.

"Anong problema nung Kupal na iyon? Bakit nagkakaganon ugali niya?" nagtataka kong tanong sa kanila habang papasok na kami nina Shane at Cheska sa cr.

"Ewan ko kay Insan bakit nagkaganon. Alam mo naman yan sa Amersia ganyan din ang ugali niya. Baka may nababagabag sa isipan niya." sagot ni Shane. Isinawalang bahala ko na lang yung nangyari kanina. Nag-ayos na muna kami bago bumili ng aming makakain sa byahe.

Pagbalik ko sa bus ay agad naman akong kumain sandali at natulog sa biyahe para pagdating doon makikita ko na ang Quezon. Dapat na ding mawala sa isipan ko about sa kinikilos ni Ethan. 

Say "Baby I Do"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon