Chapter 20

70 20 0
                                    

[Not Edited]

Venus' POV

Ramdam ko na yung simoy ng hangin at agos ng alon mula sa dagat. Ang ganda pala dito. Umupo muna ako dito sa buhangin para maaninag ko pa ang ganda ng dagat.

Nakakarelax at nakakaiwas talaga sa stress kapag nakikita mo talaga ang mga bagay na nakakamangha.

"Andito ka lang pala. Inakyat ko na ang mga gamit mo Mahal." may nagsasalita sa tabi, umupo ito sa tabi ko.

"Mahal, salamat at dinala mo ko dito ah? Ang saya dito." nakangiti kong sabi.

"Anokaba mahal! Every anniversary kasi natin puro kain sa labas ang nagagawa natin kaya inisip ko na i-level up yung regalo natin sa isa't-isa." nakangiti sabi ng aking mahal. Hanggang ngayon pinapakilig pa din ako kahit magka-asawa na kami.

"So can I claim my prize now?" nako! Alam ko na ang mga ngiti nito. May hindi magandang balak na gagawin.

"Habulin mo muna ako!" sabi ko sabay labas-dila at tumayo na ako mula sa pagkakaupo. Sinimulan ko na ang pagtakbo at binilisan ko pa ito.

"Mahal, grabe ah?! Takbo lang pala ang regalong nakuha ko." sigaw nito at tumakbo na ito para habulin ako.

Takbo lang kami ng takbo kahit sa may pampang hinahabol pa din niya ako. Takbo at ikot lang nagawa namin. Nakarating pa nga kami sa ibang resort. Jusq! Pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Mahal hindi ka ba napapagod sa kakatakbo? Ako mahal pagod na." hingal niyang sabi. Jusq! Kawawa naman ang mahal ko. Nilapitan ko siya para yakapin ng mahigpit. Gumanti din naman siya sa pagyakap.

"Mahal alam mo bang hindi ako magsasawa na mahalin ka." thru with feelings ang sinasabi nito. Syempre kunwari pakipot pero deep inside kinikilig ako.

"Mahal, wag ka masyadong magpahalata. Kulay kamatis na yung mukha mo." biro pa nito. Pinalo ko nga siya sa may bandang dibdib ng very very light.

"Venus?" pagtawag niya sakin. Tumingin ako sa gwapo nitong mukha. Kaya ako nainlab dahil sa kagwapuhan nito syempre pati na rin sa pagbago ng kinasanayan niya.

"I love you!" sambit nito. Yung pagkakasabi niya na may halong pagmamahal at totoo.

"I love you too mahal!" sabay nagdikit ng aming mga labi, passionate kiss naman ginawa namin. Pinaramdam namin ang isa't-isa ang pagmamahal. Ayaw namin na dito gawin yung pinaka-love ng lahat. Jusq! Isang malaking kahihiyan iyon.

Mga ilang sigundo ay naghiwalay ang mga labi namin sabay pagdikit ng aming mga noo.

"Happy Anniversary!" sabay naming bati sa isa't-isa. Pumikit muna ako sandali para namnamin ang mga oras na sobrang special sakin for me.

"Venus mahal? Gising na!" huh?! nakapikit lang ako pero bakit familiar ng boses iyo?

Pagdilat ko ay nagulat ako sa nakikita ng aking mga mata. Anong ginagawa ni Ethan sa panaginip ko?

"Venus mahal kita!" bigla nanlaki ang mata ko. Wait? Mahal ako?!

"Venus huy!" huling banggit nito. Bigla ako nagising sa realidad. 

Panaginip lang pala

Imposible kasi parang totoo yung sinasabi niya habang nanaginip ako.

Ang mga paningin ko sa mata ay naging klaro tsaka ko naaninag ang isang mukha ng demonyo. Napaayos kaming dalawa ni Ethan ng upo. Yung bag ko naman ay nilagay muna sa aking katawan.

"A-asan na p-pala tayo?" utal kong tanong. Bakit ba ako nauutal at kinakabahan? No way Venus!

"Ilocos. Malapit na tayo sa pagstay-in na hotel resort kaya umayos ka na." walang kabuhay-buhay na sagot nito. Tumango na lang ako at tumingin sa bintana. Oo nga malapit na sa hotel na pagstay-in.

Ganyan talaga ang mga coldless na tao. Kung pwede ko lang ikumpara, bagay sa kanya si Ice Bear ng "We Bare Bears".

Nagsuklay ng buhok at naglagay ng konting pulbo sa mukha para kunwaring hindi halatang tulog.

Ilalagay ko sana ng bag yung pulbo ay bigla-bigla akong kinakalabit sa bewang ng katabi ko.

"Ano yun?" inis kong tanong. Once na kapag kinikiliti ako, madaling mainis.

Para bang dinadatnan ako ng regla. Mas maalala pa iyon kapag ginagawa mo sakin. Unless kung 'the one' ang gagawa baka dancing in the bed ang mangyari.

"Ano kailangan mo Ethan?" pag-ulit ko ng tanong in a nice way.

"Nothing." iyon lang nasagot niya? Jusq! Akala ko kung ano wala lang pala.

Naaninag ko na yung pangalan ng resort sa bintana. Kaya ang ginawa ko ay tumingin muna sa salamin kung okay ba itsura ko. Mukhang satisfied naman ako at tinago ko na ang salamin sa bag.

May nagpop-up sa aking cellphone. Tinignan ko ito isang message sa GC namin. Actually madami akong GC nag-lag na minsan cellphone ko dahil sa sobrang dami ng gc at maiingay pa.

"We're here! Pakihanda ang mga bagahe niyo at baba na tayo then proceed to their hall for the last announcement." ayan ang nakalagay sa message galing kay Ma'am De Vera.

Huminto ang bus sa harap mismo ng beach resort na tutuluyan namin. Kukuhanin ko sana yung mga bagahe  sa taas kaso hindi maabot. Bakit kasi ang taas ng lagayan ng mga bagahe?

"Ako na." pagsabat ng katabi ko pero hindi ko pinakinggan kasi baka ihagis sa bintana yung mga bagahe at ako pa magbayad sa ginawa niya.

"Hindi na kaya ko na ito." pagtanggi ko kahit nahihirapan. Jusq! Nararamdaman ko na nilagay talaga ng kumag sa dulo para hindi ko maabot.

"I insist! Bumaba ka na at ako na magdadala doon." may sakit ba itong panget? Kung meron man pakidala sa malapit na morgue este ospital.

Sinunod ko na lang yung sinabi niya at pagkababa ko ng bus ay hinihintay pala ako ng dalawa kong kaibigan.

"Hindi niyo man lang ako hinintay." pagsabat ko nito. Busy-busyhan ang peg ng dalawa. Si Cheska ay may kausap sa cellphone samantalang si Shane ay may tinitipa ito. Masyado silang scripted. Pingutin ko kaya ito sa tenga.

"Aray naman Venus!" sabay nilang sabi.

"Masasaktan kayo sakin. Hindi niyo ko pinapansin dito. Kaibigan ko ba talaga kayo?" bara ko dito sa dalawa at diinin ko pa ang pagpingot nito.

"Bitaw na Venus bitaw na." napangiwi si Cheska sa pingot ko kaya tinigil na sa kakapingot sa dalawa.

"Asan na pala yung mga bagahe mo?" tanong ni Shane sakin. Sasagot na sana ako nang lumapit si Ethan samin na nakaglasses. Taray! Mukhang bulag naman itsura ng katabi ko.

Inimagine ko na may artista na naglalakad papasok ng resort kasama ang P.A niyang mas artistahin kesa sakin.

Hindi ko na sila pinansin at pumasok na kami sa resort dahil mainit na sa labas.

--------
Pagkapasok ng resort ay dumeretso na kami sa isang hall para sabihin ang huling announcement

Ayon sa sinabing anunsyo, sa day 2 ay mag-iikot kami sa buong Ilocos. Natuwa ako nang malaman ko na pupuntahan namin ang mga pasyalan around Ilocos province lalo na pupunta daw sa Vigan. Hindi ko talaga maiwasan kiligin. Sa day 3 naman ay may mga activities na gaganapin sa dagat at pagkatapos iyon ay pinayagan kami magswimming sa dagat at mas lalo akong natuwa na nalaman ko ay pwede kami mag-night out because college day naman.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang huling sinabi ng isang dean "Just make fun within four days. Spend with your classmates and friends. Wag sosobrahan baka maadik kayo."

Pagkatapos sabihin ang mga anunsyo ay pinapunta na kami sa mga kwarto na gusto namin. Fortunately, makakasama ko ang mga kaibigan ko sa isang kwarto.

"Hays mga teh, ang sarap humiga at magrelax." sabi ni Cheska nang humiga sa unang kama. Mukhang mga pagoda sila even me kahit nakatulog sa bus sobrang pagod din.

Si Shane naman ay panay selfie sa balcony. Ipopost panigurado sa IG. Famous kasi yan sa social media dahil freelance model din yan.

Ako naman ay humiga muna sa kama dahil bitin sa tulog. So I want to sleep to recharge para bukas. 

Say "Baby I Do"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon