Chapter 9

142 37 1
                                        

[Not Edited]

Venus' POV

It's Christmas Vacation.  Nasa kilalang bus terminal na ako actually nagpasama ako kay Bane papunta dito. Uuwi muna ako sa probinsya ko which is sa Bataan. As always ko ginagawa every Christmas and New Year, nagbibigay ako ng pera kay Vanessa as my gift. Syempre yung nasa kalooban ko naman. Mga tres pesos binigay ko sa kanya. Joke. Mga nasa 4 digit lang. Hulaan niyo na lang kung magkano. 

"Venus. Mag-iingat ka. Solong-solo ko na ang dorm." giliw niyang sinabi. Alam ko na ang nasa utak ko kung ano man iyon, wag niyo nang alamin.

"Oo na. Tigil-tigilan mo na yang kamanyakan mo sa bf mo." inis kong sabi. Ngisi lang ang tinugon sakin.

"O siya baka iwanan na ako ng bus.  Wag niyong gagalawin yung mga gamit ko diyan ah?" paalala kong sinabi kay Bane at sumakay na ako sa bus. 

"Mag-ingat ka Venus. Sana pagbalik mo may jowa ka na." biro nitong habol sa akin at tsaka nang umalis. Napailing na lang ako sa sinabi niya.

----------------

"Manong. Eto po yung bayad." pagbigay ko ng pera sa tricycle driver at napangiti ako sa harap ng bahay nang aking Lola. Yung style ng bahay is parang luma pero in a modern way na, Spanish time ito pinatayo. Marami akong masasayang memories na naalala. Isa na talaga dito si Tantan, my childhood crush. Ewan ko kung anong itsura niya ngayon at wala na akong connection sa kanya since nung umalis sila dito para mag-aral sa ibang bansa.

Nakita ko si Lola Conchita na naggagantsilyo.

"Lola?" pagtawag ko nito. Napatingin naman ito at ngumiti sakin.

"Apo ko." ngiti nito sinabi at nagmano ako sa kanya. "Kaawaan ka ng Diyos. Kamusta na?" pagbati at tanong nito sakin.

"Mabuti po Lola." sagot ko nito. "Kayo po Lola? Maayos po ba kalagayan niyo?" dugtong ko pang tanong.

"Apo eh. Kaya ko pa naman at tinutulungan naman ako ng mga tauhan dito kahit papaano." ngiti itong sagot ni Lola.

"O siya Apo. Pinayos ko na ang magiging kwarto mo." sabay na kaming pumasok sa bahay. Pagpasok palang. Di talaga nagbago ang ayos ng bahay. May mga dekorasyong pampasko.

Tumungo na ako sa aking kwarto na ginamit noong bata pa ako. Wala paring kupas ang ganda't ayos nito. Nag-ayos muna ako ng mga gamit at regalo na dinala ko. Pagkatapos ayusin ang mga gamit ay may kumatok sa pinto ng aking kwarto. 

"Ma'am Venus, pinapatawag na daw po ni Madam Conchita sa baba para kumain." sabi ng kasambahay. Napatingin naman ako ng oras, mag-alas dose pasado na pala. Mga alas-diyes na pala ako nakarating dito sa Bataan. Parang ambilis pala ng oras sa pag-aayos ng mga gamit ko. 

Bumaba na ako papunta sa kainan at pagkakita ko sa kainan ay parang may fiesta sa sobrang dami ng nakahandang pagkain. 

"Lola, may fiesta ba dito sa baryo natin?" pagtataka kong tanong. Andami kasing pagkain baka masayang kapag may matira. 

"Meron Apo. Last day ngayon ng fiesta sa baryo natin. Pinaghandaan ito kasi dadating kadin ngayon kaya ayan. May mga bisita din na darating mamaya." masayang sagot ni Lola. "O siya kumain na tayo. Kayo rin Divina, tawagin mo sila Luisita at iba pa. Samahan mo kami saluhan ng apo ko." dugtong niyang paayaya sa amin. Sumunod naman ang mga kasambahay at ang hapag-kainan ay puno ng kwentuhan at kasiyahan. Hays! That's a provincial life kapag may fiesta. 

"Apo. Kamusta naman ikaw sa piang-aaralan mo?" pangangamusta ni Lola sakin. Kakatapos lang namin kumain at sobrang nabusog ako, hindi nga ako makahinga sa busog. Nandito kami ni Lola sa sala nagpapahinga dahil maya-maya ay may darating na mga bisita. Paniguradong-panigurado, may mababalitaan na nandito ang magandang dilag na apo ni Conchita Courtney. Buhat bangko muna ako this time. 

Say "Baby I Do"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon