[Not Edited]
Venus
Many weeks ago, nagiging busy na si Ethan sa pagtatakbo nang kompanya niya. Everything was clear for me na parang nawawala na siya nang oras sa akin. I though he will be my guy in entire life.
"Venus, may problema lang sa kompanya nina tito. Hintayin mo na kapag okay na ang lahat babalik na ang oras sayo si Ethan." ayan ang palaging dahilan ng kanyang pinsan na si Shane.
Napabuntong hininga na lang ako kapag naalala ko yung sinasabi niya. I'd many times to call and message him, he never answer it. I'd always go to his company, but they said it need some appointments to meet him.
"Anong ineemote mo diyan Venus?" tanong ni mommy sa akin. Nandito muna sila within a 3 months dahil kailangan nilang magpahinga nang tuluyan mula sa mga out of the countries nilang trabaho.
"Siguro si Ethan ang bumabakabag sa isipan mo?" tanong nito ulit ni mommy sa akin. Hindi ko na ito sinagot dahil totoo naman na hanggang ngayon si Ethan ang nasa isipan ko.
"Anak Venus." tawag nito sa akin ni mommy. "Alam ko na nahihirapan ka ngayon. Kahit kami ng daddy mo ay nakukulangan sa pagmamahal namin sayo dahil palagi kaming wala sa tabi mo. For you and Victoria's future naman. Ganyan si Ethan ngayon, para sa magiging future niyo kaya nakatutok siya sa pagmamanage nang company ng family nila." paliwanag nito.
Niyakap ko na lang si mommy para maging kumportable ako ngayon. Inaalo naman niya ako dahil ramdam ang pagmamahal nito sa akin. Anytime gusto ko nang umiyak dahil dito.
"Mommy, yung niluluto mo baka masunog." paalala ko nito.
"Ay oo nga pala yung niluluto ko. Juicecolored naman!" taranta nito papunta sa kusina.
Sumunod na rin ako sa kusina para maghain ng kakainin namin ngayong tanghali.
-----
Dinala ang mga paa ko rito sa Kensington para supresahin si Ethan. Wala namang kwenta kung mag-emote sa tabi-tabi. Kung busy ang mahal mo, ikaw na mismo ang dumalaw o gumawa ng bagay para magpatuloy ang relasyon niyo.
Pagpasok ko nito ay dere-deretso lang ang nilalakad hanggang sa elevator nito. Sumakay na ako sa elevator at pinindot kung saang floor ang opisina ni Ethan. Kabisado ko nang konti pero may oras din na nalilimutan ko kung ano ang pipindutin na button.
Ilang sigundo lang ay nakarating na floor kung saan nag-oopisina si Ethan. Nakita ko sa mga empleyado na nagmamadali silang naglalakad at halatang busy sila sa ginagawa nila. Para silang mga langgam na binubudburan nang asin.
Lumapit ako sa isang empleyado na busy sa pagtutok at pagtitipa nito. Kinalabit ko ito bilang pagtawag nito, tumingin naman ito sa akin sandali at nginitian.
"Ms. Venus, pupuntahan niyo po ba si Sir Ethan sa opisina?" tanong nito.
"Oo eh." sagot ko nito. Tumingin sandali sa orasan, mukhang saktong alas-dose na nang tanghali. "Bakit parang busy kayo ngayong tanghali?" taka ko nitong tanong.
"Nako po Ms. Venus, mainit ang ulo ngayon ni sir. Pinapadali niyang tapusin ang mga deadlines ngayong araw kahit next week pa ito." kamot ulo nitong sagot. Grabe naman si Ethan sa mga empleyado niya, buti wala na akong nababalitaan o naririnig na gustong umalis sa opisina.
"Hindi ko na kaya teh, yung ugali nang boss natin masyadong inaapi na ang mga empleyado. Hindi na rin tayo pinayagan magleave kahit isang araw man lang." rinig ko sa isang empleyado na yumuko na sa kanyang desktop table.
"Teh ibig sabihin niyan, hindi mo makikita ang nanay mo sa huling hantungan niyan?" tanong nito.
"Oo teh, bukas na iyon yung libing ni nanay tapos hindi pa ako makakapunta." sagot nito at nagsimula nang umiyak.

BINABASA MO ANG
Say "Baby I Do"
Ficción General[R-16] [COMPLETE-UNEDITED] Si Venus Courtney Alicia ay isang babae na may mataas na pangarap. Katulad ng mga iba niyang matatalinong kaklase, sadsad siya sa pag-aaral. Bansag sakaniya ng mga kaibigan niya na "hopeless romantic", sapagkat single siya...