[Not Edited]
Venus' POV
Pagkatapos ng bigayan ng regalo ay nagpaalam na ako na pumunta sa kwarto para mabuksan ko na din yung iba pang regalo na bigay sakin lalo na si Kupal Ethan. Pagpasok ko ng kwarto ay pumunta ng cr para maglinis ng katawan bago matulog dahil always routine ko before I sleep.
After ko naman mag-ayos bago matulog ay kinuha ko naman ang mga regalo. Bago ko muna pinicturan, syempre tamang picture sa mga regalo na binigay sa akin. Especially galing kina Mommy at Daddy. Mga halos sampung regalo naman binigay sakin. Equivalent iyon sa sampung pasko na hindi ko kasama.
Binuksan ko yung mga regalo, mga nilalaman na mga bag, sandals, cellphone at stuffed toy. Syempre, take a picture na din dahil maipost lang sa facebook. Baka sabihin ng iba, binebenta ko mga gamit ko. Well, I appreciate yung mga gift na binigay nila. Sa lola ko naman, ay yung ginantsilyo noong dumating ako dito sa Bataan. Hindi padin nagbabago sa ganda ng gawa ng lola ko. Nakalagay doon ang pangalan ko sa ginawa niyang tela. Masaya talaga ako ngayong Pasko.
Kakalkalin ko naman yung mga paper bag na bigay ng magpinsan. Well, sobrang ganda ng mga bigay ni Shane. Mga bags and sandals din. Made in Italy talaga. Grabe, magkano kaya ito lahat-lahat baka nga yung presyo nito kasing laki ng kita sa company nina Daddy.
Pinost ko na sa facebook yung pictures namin kanina sa baba, talagang complete family na kami. Nilagay ko sa caption na 'We are complete this Christmas'. Syempre pinost ko na din yung mga regalo with caption 'Thank you sa gifts' then posted na. Hindi naman sa pinagmamayabang na marami akong regalo na nakuha this Christmas, it's because masaya ako. Lakas maging bata kahit 18 na ako.
Habang nagscroll ako ng kung ano-ano sa facebook ay may biglang nagmessage sakin. Sino kaya ito? Istrobo ng gabi ko. Pagtingin ko, si Ethan. Anong sadya nito?
'Bakit wala yung regalo ko sa pinost mong picture? Andon yung pinsan ko pero yung akin wala. Ikinahihiya mo ba na mas maganda yung regalo na binigay ko sayo kesa sa iba?(crying emoji)' reply niya.
Nang-iinis talaga ito si Ethan. Kahit kailan talaga kupal itong lalaki.
'Oh ano naman kung wala yung sayo. Panget kasi yung regalo binigay mo sakin. (labas dilang emoji)' pang-asar na reply ko naman.
'Makapanlait ka naman sa regalo ko. Baka nga hindi mo pa nakikita hinuhusgaan mo na? (sad emoji)' reply niya. Kahit kailan talaga itong kupal, madrama na nga mukha pang bakla.
'Drama mo. Bwisit ka.' reply ko. Pero tama siya hindi ko pa nakikita yung paper bag na binigay sakin. Agad ko namang kinuha ang paper bag at kinuha ang laman nito. Nagulat ako sa laman.
ISANG MALAKING DINOSAUR NA BUMUBUGA NG APOY.
De biro lang. Paano niya alam yung pinakagusto kong stuffed toy na unggoy? Siguro stalker si Kupal. Ewan ko parang biglang nagsitayuan yung mga balahibo ko. Wag kayong green minded, mga balahibo sa braso.
Kinuhaan ko ng litrato at pinost. Nilagay ko ng caption na 'Thank you sa nagbigay nito. (monkey emoji)' at nagreact na agad si Kupal.
'Welcome <3' ayan ang comment niya. Jusq! Kinikilig ako sa comment niya.
Wait a minute?! Kinikilig ako? Mandiri ka nga Venus.
Niligpit ko na ang regalo at itulog ko na lang ito.
----------------------------
Ethan' POVI'm Ethan Hudson Alcantara. 19 years old. Taking the Business Management course in Amersia Foreign School. Galing ako sa pamilya na mayayaman. Half-Spanish ako because sa side ni Papa, sa Lola ko to be exact nanggaling.
Tama na ang pagpapakilala ko. Because of the girl na gustong-gusto kong inisin, si Venus. I don't know, since the first day of school na nagkabangga kami not only once but twice nangyari. Gustong-gusto ko siya
Asarin at siya mismo ofcourse.
Di ko masabi kung bakit at paano siya nagustuhan. It's because the first day we met? I guess so. Idagdag mo din nung sumali siya sa pageant. Maganda naman talaga siya kaso boyish ang angas niya. I remember nung bata pa kami, ganyan talaga umasta. Siya ang nagtatanggol sakin kapag may nang-aaway sakin.
We're just childhood best friend since tumira kami sa Lola ko, sa side ni Mama. Always kami naglalaro sa labas, naliligo sa ulan kaya napapagalitan ako ng magulang ko sa kanya pero wala akong pake don. Until one time umalis na kami dito at pumunta ng Spain to continue my study and after so many years, bumalik kami dito sa Pilipinas para ipagpatuloy at ilipat ang company nina Papa dito.
Ngayon, nakahiga sa kama para magpaantok. Hindi yan ang iniisip niyo. May hawak akong cellphone para magscroll ng kung ano-ano at nakita ko yung post ni Venus na kasama na niya ang family niya and regalo na nabigay sa kanya. Habang tinitignan yung pictures ng regalo nagtaka ako wala yung akin. So chinat ko siya.
'Bakit wala yung regalo ko sa pinost mong picture? Andon yung pinsan ko pero yung akin wala. Ikinahihiya mo ba na mas maganda yung regalo na binigay ko sayo kesa sa iba?(crying emoji)' pagdradrama kong reply. Natawa ako sa pinagsasabi ko. Then after a minute bigla siyang nagreply sa chat ko.
'Oh ano naman kung wala yung sayo. Panget kasi yung regalo binigay mo sakin. (labas dilang emoji)' asar niyang reply sakin.
'Makapanlait ka naman sa regalo ko. Baka nga di mo pa nakikita hinuhusgaan mo na? (sad emoji)' reply ko nito. Sige Ethan drama-dramahan pa.
'Drama mo. Bwisit ka.' inis nitong reply. Tawa ako ng tawa. Baliw na ba ako? Well kung baliw ako dahil sa kanya yon. Napatigil ako sa kakatawa nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Kuya bat ka tawa ng tawa diyan nababaliw ka na ba?" sigaw na tanong sakin ni Eunice sa labas ng kwarto ko. Siguro kakadating lang galing sa party.
Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan ko.
"Oh Eunice bat kakarating mo lang? San ka galing" tanong ko nito. Tumingin din ako sa hawak niyang paper bag na bitbit niya.
"Ah kuya galing ako ng mall then pumunta sa party ni Samantha." sagot nito. "Teka kuya, Bat ka natatawa mag-isa? Kulang ka ba sa gatas kaya ka natatawa." pang-aasar nito sakin.
"Wala Eunice. May nagsend ng video na nakakatuwa ayon natawa din ako. O siya magpahinga ka na at mag-usap tayo bukas anong oras." lintayan kong sinabi. Tumungo naman siya sa kwarto niya at ako naman ay sinarado na ang pinto para humiga na sa kama.
Papatayin ko sana ang aking cellphone nang makita ko na pinost niya ang regalo na binigay ko sa kanya nung nanalo siya sa pustahan sa pagsakay ng isang ride noong nakaraan.
'Thank you sa nagbigay nito. (monkey emoji)' ayan ang nakalagay sa caption ng post niya. Sabi sainyo guys matutuwa yon sa regalo ko. Kunwari pa yong di niya gusto ang regalo.
'Welcome <3' ayan ang comment ko sa post. Ewan ko bakit kasama na may heart emoji. Natatawa talaga ako sa sarili ko at pinatay ko na ang cellphone para matulog.
BINABASA MO ANG
Say "Baby I Do"
General Fiction[R-16] [COMPLETE-UNEDITED] Si Venus Courtney Alicia ay isang babae na may mataas na pangarap. Katulad ng mga iba niyang matatalinong kaklase, sadsad siya sa pag-aaral. Bansag sakaniya ng mga kaibigan niya na "hopeless romantic", sapagkat single siya...