Chapter 24

25 14 0
                                        

[Not Edited]

Venus' POV

Nagising ako sa isang nakakarindi na boses ng mga undentified species sa kwarto ng tinutuluyan namin. Hindi man lang nagbigay ng konsiderasyon sa natutulog.

"Mga teh, magbigay naman kayo ng konsiderasyon diyan. Natutulog pa yung tao." inis ani ko sa dalawang may hawak ng mike. Kumakanta sila ng kung ano-ano na nakakasakit ng tenga.

"Venus, wag kang istorbo diyan. Nagcecelebrate lang kami. Matulog ka lang diyan." ani ni Shane na busy sa kantahan nila. Ay wow, ako pa ang umistorbo sa kantahan nila. Jusq, alam kong masaya ang mga ito lalong-lalo na si Cheska. Humanda sa akin yang nagngangalang Cheska Hwang.

"You're here, there's nothing I fear.." wala sa tonong kanta ni Cheska. Napatakip na lang ako ng unan para hindi marinig ang mga magaganda nilang boses.

--------

"Anyare diyan kay Venus na mukhang antok na antok pa?" tangkang tanong ni Florian sa dalawa kong kasama. Nandito kaming apat sa may lobby, nakaupo at hinihintay namin yung bus na sinakyan noong papunta kami dito. Niyaya namin si Vanessa sa amin na sumama, kaso mukhang busy siya sa mga kaklase niya.

Kung ako sasagot niyan, sasabihin ko na hindi ako makatulog sa mga iyan sa kantahan nila kaninang umaga na nakakasira sa mood ko.

"Nako, iniisip niya siguro kagabi yung 'blind' date nila ni insan." sagot naman ni Shane na halatang masaya. Sige, magsaya kayo yung kasiyahan niyo hanggang dito na lang sa Ilocos.

"Kwento ka naman diyan Venus kung anong nangyari sa blind date niyo ni Ethan." kailan nila tinuruan si Florian maging chismoso? Kapag kasama itong dalawa, napapahamak yung utak nito. Juice kong mansanas talaga.

Ayon nga kwinento ko yung nangyari kagabi. Detalyadong-detalyado, walang labis at walang kulang sa sinasabi ko sa kanila. Kwinento ko na rin yung panliligaw sa akin ni Ethan. Ang mga gaga ay kilig na kilig. Si Cheska naman ay nagmukhang orangutan sa kilos niya. Jusq, nakakahiya silang kasama. Mga kaibigan ko ba ito?

"Nako teh, gora ka na kay insan. Magiging masaya ang pag-ibig mo kapag kasama siya." kilig na sabi ni Shane. Jusq, pinsan niya iyon kaya kailangan ng suporta talaga.

"Alam mo bang si Ethan, may mga hidden secrets yan sa katawan. Yung abs niya, yung mga ngiti niya, yung malalaki niyang troso at higit sa lahat yung kaniyang buldge. Oh shocks!" impit na sigaw ni Cheska. "Kaya gumora ka na kay Ethan, Venus." dagdag aniya. Bakit parang pinupush nila sa akin si Ethan?

"Eh kung kayo na lang kaya maging jowa ni Ethan Alcantara noh? Tutal tinutulak niyo ako sa kaniya na akala niyo jojowain ko." pilosopo kong sabi at mukhang natahimik na din ang dalawa samantala si Florian ay natawa sa asal ng ginawa nitong dalawa.

"Eto naman si Venus, hindi mabiro. Alam kong sayong-sayo na." asar ni Cheska kaya aakamahan ko ng suntok kaso pinipigilan ako ni Shane.

"Ano balak mo Venus na liligawan ka ni insan?" tanong ni Shane. Saka naman tumingin ang dalawa sa akin.

"Ewan ko, hindi ko alam. Basta malalaman natin kapag nasa Valenzuela na tayo." wala sa wisyo kong sagot sabay buntong hininga.

Mukhang natahimik ang paligid namin. Hindi ko kasi maintindihan dahil ang bilis ng panahon, from mapang-asar into manliligaw. Iniisip ko rin na baka pinaglalaruan ako o seryoso siya sa akin. Ewan, hindi ako makasagot na. Naniniwala ako sa salita na "JUST GO WITH THE FLOW"

"Kamusta na pala kayo nung Scott?" pagbasag ng katahimikan nang tanungin ni Cheska na katabi niya si Florian. Halata dito sa kasama namin na nagkukulay kamatis ang mukha niya.

Say "Baby I Do"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon