Chapter 27

23 17 0
                                        

[Not Edited]

Venus' POV

"Finally, tapos na rin ang paghihirap!" sigla nitong sabi ni Cheska pagkalabas pa nang room namin. Maka-asta na nanalo ito sa lotto.

"Cheska, nakakahiya kang kasama. Doon ka nga!" ani ko na kunwaring tinataboy siya.

"Tse!" natawa na lang kami ni Shane sa kilos nito dahil ayaw na ayaw niyang may naninira sa good mood nito.

"Hi Ladies!" bati ni Jeff sa amin. Kasama niya sina Ethan at kakambal nitong si Jayson.

"Saan punta niyo?" tanong nito habang nakatingin kay Cheska. Mukhang interesado ito sa kaibigan ko. I wonder kung makuha nito ang loob ni Cheska.

"Wala ka na ron!" singhal ani ni Cheska. "Tsaka kung pupunta kami sa roof top para magpakamataya, sasama ka?" inis nitong tanong.

"Oo naman kahit saan ka man pumunta, pupunta ka pa rin sa puso ko." ngisi nitong sagot ni Jeff sabay apir sa kakambal nito.

"Tse, sira na talaga araw ko ngayon." aniya sabay irap ng mga mata nito. "Halika na baka may bubugbugin akong tao rito." pagyaya nito sa amin sabay alis papunta sa kotse nito.

"Huwag kang mag-aalala, bugbog na pagmamahal ang ibibigay mo sa akin." pahabol nitong sigaw. Mas lalong umasim ang mukha ni Cheska kaya natawa kaming dalawa ni Shane.

-----

"Ano pala ireregalo mo kay Ethan sa graduation?" tanong ni Cheska sa akin.

Nandito kami sa isang buffet restaurant dahil sobrang gutom na ang bulate ni Cheska.

"Hindi ko nga alam eh, tsaka wala na akong oras na bumili ng magiging regalo niya." ani ko sabay kain ng bacon roll.

"Ang maipapayo ko lang, yung tamis mong oo bilang magkasintahan. Para nas memorable yung graduation niya." sambit ni Shane na kumakain ng ice cream.

"Balita ko kasi, running for Magna Cum Laude si pinsan ngayon. Kaya kapag iyon ang regalo mo sa kanya, mas masaya yung feelings ni pinsan kasi mahal mo siya." dagdag aniya.

Napaisip na lang lang ako, kung iyon na lang kaya ang gagawin ko after the graduation. Habang iniisip ko yung gagawin sa graduation ay napapangiti ako.

"Ikaw Venus, iyang mga ngiti mo may pinapahiwatig." asar nitong sabi ni Cheska.

Kwentuhan, kainan, at tawanan ang nangyari rito ngayon. Mukhang hindi naubos yung mga pagkain namin kaya napabayad kami nang di-oras dahil rito.

Pagkalabas namin sa buffert restaurant ay nag-ikot kami sa mall para mawala yung busog na kinain namin. Bumili pa ako ng lemon juice para mabilis madigest yung pagkain.

Sa kalagitnaan nang pag-iikot namin ay may nakita akong isang kwintas na may letter E sa tindahan.

Hindi na ako nagpaalam sa dalawa dahil masyadong busy sila sa chikahan kaya dere-deretso ako pumasok rito.

"Hi ma'am, welcome po!" bati ng staff sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya tsaka minamatyag ang mga nilalaman sa loob ng tindahan ng singsing at kwintas.

"Ah miss, yung kanina sa labas na nakasabit yung kwintas na may letter E, mag stock pa kayo nun?" tanong ko sa staff.

"Yes ma'am. Actually limited edition iyon ng store namin ngayong summer. Sakto po may stock pa po iyon." nakangiti nitong sagot. Sakto lang pala pagpunta ko rito.

"Sige miss, kukunin ko na iyon ngayon." nakangiti kong sabi.

Umalis sandali yung staff para kuhain ang kwintas samantalang ako ay tumitingin ng iba pang tinda nila rito. Ilang sandali lang ay tinawag ako ng staff para makita yung kwintas at hindi nga ako nagkakamali, maganda yung pagkakagawa sa kwintas dahil silver ito. Sakto na second favorite color ni Ethan ang silver, una na ang black.

Say "Baby I Do"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon