[Not Edited]
Venus' POV
Mga day at dodong, kalat na sa buong Amersia ang nangyari kahapon. Alam na din ng mga administration ang nangyari at ipinaalam ko din sa kanila na wala namang napahamak sa gulo. Marami akong natanggap na sermon mula sa admin lalo na sa Deans and President itself. Maygad! Nung una, hindi matutuloy ang booth operation na part ng foundation. Todo kaba ako that time pero kalaunan ay pinatuloy ito at pinagsabihan ako na hindi na dapat maulit ang nangyari.
Nandito ako, ay mali pala kasama ko ngayon sina Shane at Cheska sa pinagtatamabayan ko palagi, ang soccer stadium na may nagpapractice ng laro ang mga soccer player. Hindi ako makafocus sa ginagawa dahil bakat ang kanilang suot. Mula taas hanggang gitna. Sobrang hot kasi nila.
"Huy teh, baka matunawan sila sa kakatitig mo sa kanila." biro sakin ni Shane. Agad ko naman hinampas ng libro si Shane.
"Aray naman Cheska! Nagiging sadista ka na samin ah? Kaya ka pala nagustuhan ni Ethan." napangiwi siya pero hindi ko narinig yung huli niyang sinabi.
"Ewan ko sainyo. Anyare sa pa-blind date na naisip niyo? Napunta sa wala diba? Jusq naman kasi bakit niyo naisip ng ganon. Hindi natuloy! Saan ang napunta? Edi sa Marriage Booth." panenermon ko sa kanila.
"Whatever! Nakamove-on na ako diyan." aba! nagiging maarte na ang panananlita ni Cheska.
"Bahala nga kayo diyan. Manonood muna ako ng Peppa Pig." ayon na lang nasabi ko at nilabas ko na ang cellphone na may nadownload akong episode ng peppa pig. Hindi ko alam kung bakit ko siya dinowload. Siguro nagfefeeling bata ako.
"Uy, wag ka nang feeling bata diyan. Kung ako sayo panoorin ko na lang ang mga soccer players na nakahubad. AAAHHH!!" parang nakawala naman itong si Cheska. Wala naman akong pakealam diyan muna basta matapos ko itong pinapanood ko.
"Teh, nakaearphone na ako lahat-lahat rinig ko boses mo. Yung totoo nakakain ka na ba ng megaphone?" naiinis kong tanong. Lakas kasi ng boses, hindi niya alam na nasa open field kami ng school at may mga tao pa.
"Oo, actually kanina lang. Hihihi!" napailing na lang ako at bumalik na sa pinapanood ko.
Habang nanonood ako ay may biglang nagpop-up message sa cellphone ko. Nakakainis sino ba itong nagmessage. Istorbo sa pinapanood ko.
'Pumunta muna kayo sa room dahil may sasabihin ako sainyo' sabi ni Ms. Tiangco sa gc namin. Kaya agad naman ako tumayo at tinawag sina Cheska at Shane para pumunta sa room.
----------
Nakarating na kami sa room at may mga kaklase namin na nandito din.
"Wag na tayo paligoy-ligoy pa. After the foundation week, magkakaroon na ng Final Term examination and by March is pasahan na lang ng mga requirements then end of class na." pag-anunsyo ni Ms. Tiangco. Tuwang-tuwa naman ng mga kaklase ko ngayon dahil sa sinabi nito. Kahit ako din naman, matutuwa dahil no paperworks this coming months.
"And also before the final term examination, magkakaroon ng daytrip ang lahat ng college department sa Ilocos. Pakisettle as much as possible ang babayarin niyo. Then wait the further announcement about the daytrip and that's all the announcement. Pwede na kayo umuwi." nakangiti nitong sabi at agad nang nagsilabasan ang mga estudyante na uwing-uwi na. For sure gagala ang mga ito.
"Ay teh, punta muna tayo sa may Book Worm Booth, bisitahin ko lang si Florian." pag-aanyaya ko sa dalawa. Agad namang tumango ang dalawa bilang sagot at tumungo na kami sa booth na minamanage ni Florian.
--------
"Sino ba kasi si Florian? Nacurious ako kung gwapo eh." may halong kilig na sabi ni Cheska. Kahit kailan napakalandi nito. Napailing na lang ako sa tanong niya habang ang kasama ko ay may minamatyag siya.
"Uy Shane. Anong ginagawa mo?" pagtataka kong tanong nito. Agad naman nagsilent sign na iyan ang ipinagtaka namin. Sumunod na lang kami sa utos niya. Yung style namin para mga spy. Nagtataka ako na wala naman kaming minamatyag na tao o anuman na may misyon sa buhay.
"Joke lang! Inuuto ko lang kayo. Napakaseryoso niyo naman kasi." natatawang sabi ni Shane kaya agad ko namang binatukan ang bruha sa kalokohan na ginawa niya.
"Ewan ko sayo teh. Andito na tayo." napailing ko na sabi at agad na pumasok sa loob ng booth. It is the second day ng booth operation and kahit may nangyaring masama yesterday, mas naging tumatangkilik dito. Dahil mas maganda nga ang ambiance, cute pa ang server dito.
"Hi Florian! Kamusta ang booth mo?" masayang bati ko nito sa kanya. Agad naman ngumiti ng pagkalaki-laki kaya natawa na lang ako sa itsura nito. Natatawa ako kasi ang cute niya.
"Okay lang naman Venus. Salamat ulit sa pagbisita mo dito!" nakangiti niyang sabi.
"Ah! Ito pala sina Cheska and Shane, mga kaibigan ko Florian. Mga Cheska and Shane, si Florian pala." pagpapakilala ko nito at natunganga ang dalawa sa itsura nito.
"Hala ang cute niya!" manghang sabi ni Cheska, samantalang si Shane ay parang namangha din sa itsura nito.
"Hindi ka naman manika diba?" paniniguradong sabi ni Shane. Hindi padin sila nakapaniwala sa itsura ni Florian. Ganyan din ang una kong kita sa kanya kahapon.
"Upo muna kayo tapos dalhan ko kayo ng order niyo. Ano pala gusto niyong iorder?" tanong nito samin. Sinabi namin ang order at agad naman siyang umalis nang makuha ang order namin.
"Teh, ang cute niya ah?" may halong pagkamangha sa sinabi ni Shane.
"I agree. Para siyang manika pero male version." pagsang-ayon naman ni Cheska. Even me, namamangha ako sa physical appearance nito. Tinitignan ko ito, sa kanyang mga ngiti aakalain na hindi talaga siya mahahalata na may problema about sa kanyang sexual preference. Well, don't judge it.
"Eto na yung order niyo." pagkalapit samin ni Florian at nilapag na niya ang aming inorder sa lamesa and the rest are history.
-----------
"Congratulatuins guys! Successful ang ating foundation day, so ang next event is the college day trip to Ilocos. Pakihanda na lang ang bayarin dahil malaki ito." pag-anunsyo samin ni Ms. De Vera, ang aming bagong adviser. Si Ms. Tiangco ay nagresign na dahil maninirahan siya sa Canada. Namiss ko bigla ang pagiging masungit niya samin."Sa pagsama ng day trip natin, exempted na kayo sa exam lahat ng subject." masayang anunsyo nito na ikinatuwa ng mga kaklase ko dahil wala nang pahirap sa buhay namin bilang college student. Char lang! "By the way, please check your grade na ginawa ni Ms. Tiangco sainyo for midterm. Yung mga bagsak, bumawi for finals. Kapag sumama kayo sa trip, baka malaki ang tsansa na tumaas kayo. No special exam sa mga hindi sasama. Wait the further announcement iannounce ko naman sa gc natin kapag inadd niyo na ako." dagdag pa nitong anunsyo samin. "Then lastly no classes for a while. Please wait the further announcement kung kailan balik niyo may event ang mga nasa lower department. I think sa day trip niyo na sa 3rd week ng February na ulit magkikita. So see you soon and pwede na kayo umalis. Goodbye class." pahabol nitong bati sa amin at lumabas na ng classroom. Agad naman umalis ang mga kaklase ko na may kasamang ngiti. Paniguradong mag-ML ito sa buong walang pasok. Naiwan kaming tatlo nina Shane at Cheska.
"Mga teh anong plano niyo sa trip? Ako siguro maghahanap ng boylet. Maraming foreigner doon. Panigurado may mabibingwit na ako!" kilig na sabi ni Cheska habang naglalagay ng powder sa mukha niya. Napa-iling na lang ako sa sinabi nito.
"Teh, ang college trip is for relax at fun hindi hanapan ng boylet." singhal na sabi ni Shane kaya natawa na lang ako habang nagsusuklay ng buhok.
"Ano ka ba?! Sa Ilocos may gaganaping blind date. For sure magkakaron na ako ng boyfriend." ngising sabi ni Cheska. "Kaya ikaw Venus, sasali ka don sa ayaw at sa gusto mo. Pasalamat ka nga nung nakaraan nakaligtas ka dahil hindi tinuloy dito sa school." pagharap nito sakin. Binubugaw parin nila ako hanggang ngayon. Kaya napailing na lang ako sa mga pinagsasabi nila.
"Mga teh, kailangan ko na magbeauty rest na. Para sa Ilocos, maganda ang awra ko." paalam ko nito at saka na umalis na. Kumaway na ako sa dalawa at sumakay na ng jeep papunta ng dorm.
BINABASA MO ANG
Say "Baby I Do"
Algemene fictie[R-16] [COMPLETE-UNEDITED] Si Venus Courtney Alicia ay isang babae na may mataas na pangarap. Katulad ng mga iba niyang matatalinong kaklase, sadsad siya sa pag-aaral. Bansag sakaniya ng mga kaibigan niya na "hopeless romantic", sapagkat single siya...