Chapter 22

75 15 0
                                        

[Not Edited]

Venus' POV

Third day na ng college trip namin dito at kakagising ko lang dahil tinawag na kami ni Patrick para mag-almusal. Ginising ko din sina Cheska at Shane pero yung nauna kong nabanggit ay tulog mantika pa. Haynako, paano ko ito gigisingin?

Bigla pumasok sa isipan ko ang katarantaduhan kong gagawin kay Cheska para magising ito.

Hinila ko ang mga paa nito pababa para magising ang diwa nito. Ang nasa kama na lang ay kanyang ulo, hinila na ni Shane yung isa pang paa nito para bumagsak na talaga tuluyan mula sa kama si Cheska.

"Aray! Yung ilong ko naman." napa-aray naman si Cheska mula sa pagkakabagsak nito. Tahimik lang kami tumawa ni Shane sabay apir. Epic yung mukha ni Cheska, alam mo yung binagsakan ka ng mabigat na pera sa likuran pero sa maling tao ka pala bumagsak.

"Kayo Venus at Shane, gagantihan ko kayo. Alam mo yung ang ganda na ng panaginip ko. Magkikiss na kami ng ideal man ko tapos babagsak ako sa lupa, iyon pala babagsak sa sahig ng kwarto na tinutuluyan natin." inis nitong kwento sabay kuha ng tuwalya at damit niya tapos deretso pumasok sa banyo. Kaming dalawa ni Shane ay tawang-tawa sa kalokohan na ginawa namin. Pagkatapos namin tumawa ng tumawa ay nag-ayos muna kami ng aming sarili para mag-almusal.

----------

Maraming mga pagkain na nakahain ngayon, buffet style siya. Lahat ng mga estudyante dito may sari-sariling diskusyon, even the admins na feeling bata may usapan din. Kukuha sana ako ng plato ko na may humawak sa kamay ko, pagtingin ko si Patrick lang pala.

"Hi, ikaw pala yan." bati ko nito. Ginantihan naman ako ng isang magandang ngiti galing sa kanya.

"Hindi kita nakita kahapon sa Vigan." sabi ko. Hindi ko makita yung presence niya yesterday sa Ilocos.

"Ahh, nandoon ako kaso mga kaibigan ko yung kasama. Pero nakita kita sa may windmill. Parang ang saya mo nga kasama sila Shane at Cheska." aniya habang busy siya kumuha ng pagkain, ganun din ako. Bigla ako natakam sa mga pagkain na nakahanda dito. Mukhang mabubusog na ako dito.

"Ako na Venus maghawak ng plato mo." pagpresenta nitong kuhain yung plato ko at binigay ko naman sa kanya.

"Salamat." sabi ko nito.

Tinungo na namin yung upuan at yung dalawa ay parang may pinag-uusapan sila.

"Shane, kausapin mo yung pinsan mo para sa pinaplano ko sa kanila ni Venus." rinig kong bulong na pakiusap ni Cheska kay Shane.

"Teh, gogora naman yung pinsan ko sa ganyan. Alam mo naman matagal niyang gusto si Venus." bulong nito ni Shane.

"Kayo mga teh, kung bubulong naman wag niyong lalakasan kasi naririnig ko." pambabara kong sabi sa kanilang dalawa. Hindi ko maklaro yung pakakadinig pero nabanggit yung pangalan ko.

"Tsaka bakit niyo binabanggit pangalan ko?" taka kong tanong sa kanila pagka-upo ko lang sa upuan. Katabi ko si Patrick samantalang nasa harapan ko silang dalawa.

Nagtinginan silang dalawa na parang nag-uusap silang dalawa sa isipan. Kaya pinalo ko yung lamesa gamit ang aking kamay para maramdaman nila na andito pa yung presensya ko.

"Ahh, ma-maya kasi may mga activities n-na gagawin. P-pinag-iisipan p-pa namin na sali tayong tatlo mamaya." utal nitong sabi ni Cheska habang si Shane ay tumango na lang bilang pagsang-ayon sa sinabi nung una.

"Siguraduhin niyo lang kundi.." sabi ko sabay tutok sa kanila yung kutsilyo na hawak ko. "Say hi to my friend, knifey." banta ko nito sa kanila tsaka ko sinimulang kumain.

Say "Baby I Do"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon