[Not Edited]
Venus' POV
After so many years, nakapasok na ako sa Amersia.
Kapag sabado, may pasok ang mga professors and administration for doing their job. Back to business. Binati ko naman ng mga dumadaan na mga Profs sa hallway. As always, greet sabay "fake" smile sa kanila.
Nakita ko na si Ma'am Tiangco sa office niya na mukhang may hinihintay siyang tao.
"Venus, ikaw na lang ang hinihintay namin sa loob." siglang sabi nito. Pumasok naman kami ni Ma'am Tiangco at kapansin-pansin na napakaorganize ang office nito.
Napukaw ang atensyon ko dun sa nakakita ko.
Sina Cheska at Kupal. Mukhang naguusap sila. Anong ginagawa dito ni Kupal (Ethan)?
Ahhh, siya pala yung makakasama namin ni Cheska. Pero bakit kami pinapunta dito at Sabado pa.
"Kaya ko kayo pinapunta, for your main project not only in academics, also to improve your self-confidence. Tutal, fiirst year palang kayo sa college atsaka part kayo ng na natin itong paligoy-ligoy pa." panimula ni Ms. Tiangco.
Habang pinapaliwanag ang mga gagawin ni Ms. Tiangco samin, palihim akong tumitimgin kay Ethan aka Mr. Sungit.
Ang gwapo niya. Emeged. Penge yelo ibuhos niyo sa kaniya este sa akin.
Bale magkatabi sila ni Cheska. Nagtake notes si Cheska sa kanyang cellphone dahil nga siya ang Secretary ng Student Council ng College. Actually, kaming tatlo ay nasa student council. Cheska is the Secretary. Si Ethan naman is the Vice President. And, me is the President of Student Council.
Bakit ako naging President? Simple lang. Sa pagiging maganda ko. Charot!
Nomination of course. Nadala na din siguro sa pagiging Ms. Amersia Foreign School kaya ako ang napili nila. Love talaga nila ako kahit di nila ako kalove-love sa paningin nila.Back to topic.
So ayun nga, binigay samin na isang project. Kailangan din ng research. Well sasakit ang ulo ko nanaman nito. Pero buti na lang matagal pa ang deadline nito. Kung tatanungin niyo kung ano iyon, wag niyo nang alamin pa baka magkanda leche flan pa ang buhay niyo.
----
"So may mga agenda pa ba gagawin niyo o wala?" sabi ni Cheska pagkalabas na pagkalabas ng office ni Ms. Tiangco.
"Ahm oo Iska. Alam mo naman ako diba?" pagkakasabi ko sa kanila habang binabagtas ang hallway ng eskwelahan.
"Haist, sige na! Ngayon lang naman Venus eh atsaka huwag ka nga kj baka papalayasin kita sa dorm mo." pagbabanta niya sakin.
Ako pa talaga naging kj? Sarap kalbuhin talaga itong babaita na ito.
"Oo na, ang ingay mo talaga babaita ka. Naka megaphone ka nanaman." pagsuko kong sabi.
"Nye nye nye whatever!" sabi niya habang nakataas ang kanang kamay sa mukha ko. Tignan mo talaga ito noh? Sarap tadyakan. Grrr.
"So pano yan ladies, mauuna muna ako. May imemeet pa ako. See you on Monday!" Paalam ni sungit at sumakay na sa sasakyan niya.
Nang makalayas na ang sasakyan ni Ethan bigla namang tumili itong katabi.
"Omaygad, eng serep serep telege AHHHH!" sigaw nitong sabi sabay tili. Jusq. Ikamamatay ko ng maaga dahil dito sa babaitang ito.
Sumilip ako sa kanya kung bakit ito nagtitili na akala mo may sunog.

BINABASA MO ANG
Say "Baby I Do"
Fiction générale[R-16] [COMPLETE-UNEDITED] Si Venus Courtney Alicia ay isang babae na may mataas na pangarap. Katulad ng mga iba niyang matatalinong kaklase, sadsad siya sa pag-aaral. Bansag sakaniya ng mga kaibigan niya na "hopeless romantic", sapagkat single siya...