Venus
For all over 8 years of strong friend relationship between me and Cheska, para na kaming kambal tuko na hindi magkahiwalay. Saya, iyak, away, at iba pang mga katarantaduhan ang nagagawa naming dalawa. Lahat iyon ay hindi ko malilimutan, lalo na ang isa sa mga nagawa niyang ikinasira, hindi laman ang pagkakaibigan namin kung hindi ang tiwala ko sa kanya.
I'm here in my bedroom and I've sight seeing here in balcony and many people outside with their genuine smile. Kahit may mga problema sa buhay at mas mabigat pa ang pinagdadaanan, nakakayanan pa nila ngumiti samantalang ako naman ay natutuliro na sa aking isipan kung paano kokomprontahin si Cheska.
"Ate?" napalingon ako nang may tumawag sa'kin. Si Victoria na may bitbit na isang baso ng tubig at bote ng aking vitamins na iinumin, pagkabigay pa lang ng vitamins sa'kin ay agaran kong ininom ito. Nilapag niya muna ito sa ibabaw ng coffee table tsaka naman umupo sa aking kama.
Puno ng katahimikan ang nayayanig dito sa kwarto, tanging tunog mula sa electric fan at ingay mula sa labas ng bahay ang aming naririnig.
Tinignan ko muna si Victoria na may kakaibang kutob ko at awra nito. "Siguro may bagsak kang exam Victoria?" tanong ko rito na siyang ikinaalarma niya.
"Hindi kaya ate!" agad naman nitong pagtanggi. "Mataas ang mga exams ko ngayon ate!" buong puso nitong pinagmamalaki.
Agad naman akong nagalak sa sinaad ni Victoria at kinuha ko ang isang libro sa tabi ko. Ilang minuto ako nagbabasa at nilinga ko siya pero parang may gustong sabihin ito sa akin. Ang kaniyang ngiti sa labi ay napalitan ng seryoso at pagkatulala sa hangin.
Tinabihan ko na ito sa kama at kinalabit. "May problema ba Victoria?" nag-aalala ko nitong tanong.
Tinignan niya ako at binigyan ng isang mapait na ngiti. "O-okay lang ako ate!" matamlay nitong sagot.
"Dali na, ate mo naman ako at maiintindihan kita." pamimilit ko rito na magopen-up si Victoria sa'kin.
"E-eh kasi a-ate nahihiya ako sa'yo." pagmamaktol nito.
"Haysus, nahiya ka pa sa'kin magsabi ng problema na parang hindi mo naman ako kapatid!" pagtatampo ko rito at tumingin sa bintana na kunwaring nag-iinarte.
Rinig ko ang pagbuntong hininga nito at humarap sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay na nakadantay sa gilid nito bilang pag-agaw ng atensyon.
"Ate, okay lang ba magkaroon ka ng kasintahan?" napalingon naman ako sa tanong niya.
Napaubo ako at inayos ang pagkakaupo para humarap sa kanya. "Ilan taon ka na ba Victoria?" sagot ko nitong tanong.
"16 na ate." mabilis nitong sagot na siyang ikinatango ko.
"Ang maisasagot ko sayo ay nasa sa'yo ang kasagutan sa tanong mo." agad na akong tumayo at tinungo ang kama na kung saan nakapwesto si Victoria.
Bigla nag-iba ang timpla ng mukha nito. "Seryoso kasi ako ate!" protesta nito.
Bumangon ako sandali at sumandal sa headboard ng kama sabay tingin kay Victoria na parang manok na gustong tumuka. "Seryoso rin ako Victoria." malamig kong tugon.
"Okay lang na magkaroon ka ng manliligaw or lovelife basta huwag na huwag mo kakalimutan tapusin yung pag-aaral. Tignan mo ko, sa amin ng Kuya Ethan mo sa graduation pa namin ko siya sinagot bilang magkasintahan. Kung sinagot mo siya agad, kailangan mo nang kilalanin mabuti iyan dahil hindi lahat ng tao ay perpekto na papasok sa mga buhay natin kaya dapat handa ka sa lahat, lalo na ang iyong isip at puso." seryoso ko nitong paliwanag kay Victoria.
BINABASA MO ANG
Say "Baby I Do"
Genel Kurgu[R-16] [COMPLETE-UNEDITED] Si Venus Courtney Alicia ay isang babae na may mataas na pangarap. Katulad ng mga iba niyang matatalinong kaklase, sadsad siya sa pag-aaral. Bansag sakaniya ng mga kaibigan niya na "hopeless romantic", sapagkat single siya...