Venus' POV
Ngayon ay 2nd day ko na sa klase ko, and things aren't going as I planned. Ewan ko ba, kinakabahan ako e, may iaannounce daw si Ms. Tiangco sa amin. At ewan ko bakit parang napaka-big deal ito para sa kanya?
Nung nag-bell na, indicating na magsisimula na ang klase in just a few minutes, tumayo't tumungo na ako sa mga lockers. Ang mga kapwa kong mga estudyante ay halos mga langgam na pumupunta sa mga sulok-sulok.
"64.. 64.. 64.. AHA!" bulong ko sa sarili ko ng makita ko na ang locker ko na naka-assigned saakin. Dali-dali ko itong binuksan at inilabas ang gamit ko. I mean, kahit kakasimula palang ng klase, nagchecheck na kasi kaagad sila ng requirements. So kailangan may gamit kana. Dagdag points din yan sa mga professors kapag maaga ka. So kung gusto mo sumipsip, maging professor's pet ka.
Nang nasa kamay ko na ang mga gamit kong kakailanganin, dali dali na akong pumasok sa classroom ko. Sakto, nakapasok na rin si Ms. Tiangco.
"Okay class, please settle down." sabi ni Ms. Tiangco. Sinunod naman namin at umupo ng maayos sa upuan namin. She cleared her throat, "So, ang pagkakaalam ko, may announcement akong ilalahad savinyo diba?" tanong nito. We replied in a chorus of "yes".
Inayos niya ang suot-suot nyang salamin, "Una ay ang pageant at ngayon July ay mayroong kauna-unahang pageant sa Amersia Foreign School sa college. Ang theme ay Mister and Miss Amersia 2016!" sabi ni Ma'am Tiangco. "Anyone who's interested?"
Ang mga babae naman ay excited sa sinabi ni ma'am. Rinig na rinig ko tili nila na rumirindi sa aking mga tenga. Ang mga ito parang ang kakapal ng mukha!
Biglang may narinig kaming tumunog na upuan at dali-dali kong ibinaling ang atensyon ko doon. Bumungad sa akin ang babaeng may maganda ang mukha. Pero alam mo yung pang mediocre lang? Sorry kung mapagpintas ako ah. Pranka lang talaga ako. "Ms. Tiangco, let me introduce myself." sabi niya sabay hawi sa buhok niyang chestnut color at mahaba.
"The name's Joella. Isang Latin - Pilipino ang lahi ko. At I believe na I fit to be in that pageant. You see, may isang daan akong mga bistida't gown sa bahay. May walk-in closet pa ako para sa mga damit ko at mga Gucci kong bag at sapatos. Maganda pa ako, so sino paba hinahanap mo? Asa sa akin na lahat Ma'am." pagmamayabang nito.
Wow. Just, wow.
Biglang nagtawanan ang mga kaklase ko ng may nagbato ng papel sakanya. "Aray!" lumingon si Joella sa klase. "Sino yon?!" galit nitong tanong sa amin.
"Tch, napaka-cheap mo namang babae ka. 'Yun lang ba kaya mo?" tayo ng isa ko pang kaklase na babae. Nako, heto nanaman tayo.
"Ma'am Tiangco, I'm Mika, isang French na naninirahan ng matagal sa Pilipinas at bihasa na sa Filipino. Kung siya merong isang daan, ako, higit pa sa meron siya. Pati pa nga siguro buhay niya nasa sa akin na. Mestiza pa ako Ma'am." pagmayabang rin nito sabay pakita ng kutis niya.
Napatingin ako kay Ma'am na mukhang speechless, "That's g-good Mika, pero I don't think--" pagpapaliwanag neto ng i-cut off siya ni Mika.
"Eh siya ba Ma'am? Morena siya oh." sabay irap.
Biglang na-offend si Joella, "Hoy babaeng mukhang sinalaksakan ng isang milyong gluta, kahit Morena ako, makinis 'tong balat na 'to!"
"Eh ikaw? Mestiza nga pero mukhang pinaglihi sa sand paper, ang chaka na nga, masalat pa! Pwede na pangkayod sa bakohbako mong mukha na pinatungan ng sandamakmak na make-up!" resbak nito sabay paghagalpak ng tawa. Biglang nag "ooooh" ang mga kaklase ko.
"Ano sabi mo?!" sigaw ni Mika na handa ng sugurin si Joella.
"Girls please calm down! Pageant lang ito, bakit nagkakaganiyan kayo?" pag-awat nito sa dalawa. Napabuntong hininga na lang ako sabay irap. Tch, napaka-childish nila.

BINABASA MO ANG
Say "Baby I Do"
General Fiction[R-16] [COMPLETE-UNEDITED] Si Venus Courtney Alicia ay isang babae na may mataas na pangarap. Katulad ng mga iba niyang matatalinong kaklase, sadsad siya sa pag-aaral. Bansag sakaniya ng mga kaibigan niya na "hopeless romantic", sapagkat single siya...