Chapter 36

10 3 0
                                        

[Not Edited]

Ethan

"Bro, paano yan bukas na ang kasal niyo ni Anastacia?" tanong ni Jeff na nandito siya sa opisina ng company ko.

One of my disaster day in entire life, which is the wedding with Anastacia and tomorrow na iyon. Hindi ko makita ang invitation sa sasakyan, siguro nasipa ko palabas o natanggay na ng hangin. Bahala na, hindi ko na alam ang gagawin bukas.

Napahilamos na lang ako sa mukha dahil sa dami ng aking iniisip, idagdag mo pa ang kay Venus. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko sa dalawa.

"Bro mamili ka na lang kung sinong babae ang papatusin mo, si Venus na mahal mo o si Anastacia na halatang gold digger na puppy love mo?"

"Is it obvious Jeff?" patanong ko nitong sagot.

"Bakit mo naman kasi pinatulan tapos ngayon namomoblema ka diyan, ayan stress ang abot mo bro!" natatawa nito habang tinitignan niya ang mga sales report ng company ko.

"I fucking don't know what to do." napayuko na lang ako sa mesa.

Nababaliw na ako!

"Kung ako sayo Ethan, kausapin mo na ang family ni Anastacia na it's just an accident ang nangyari sa inyo."

Umiling lang ako sa sinabi ni Jeff. "Nagawa ko na ng ilang beses bro pero tuloy pa din." tamad ko nitong saad.

Magsasalita na sana si Jeff nang biglang may tumawag sa cellphone. Pagtingin ko ay si Anastacia at agad nitong pinatayan ng tawag. Umulit itong tumawag at hinayaan na lang magring.

"Ayaw mo na ata sagutin ang tawag ng soon to be misis mo. Namimiss ka na niya." asar nito.

I raised my middle finger towards him and answer the call.

"I miss you." isa sa mga nakakasukang marinig ko mula sa kanya.

Pinatay ko na lang ng tawag at tinurn-off  ang aking cellphone para hindi na ito tumawag pa.

I check my watch and it's already two o'clock in the afternoon. Which means I need take some rest for the disaster este the wedding. 

-----
Venus

Nandito ako sa kama at nakasandal sa headboard para magbasa ng isang pocket book, just for called 'me time' plus the relaxation of my mind dahil sa stress na nangyayari.

Ito din ang pinagkakaabalahan ko simula nang mabuntis ako, ang sabi ng iba nakakatulong ito sa bata. Kung hindi lang ako nagbabasa ng mga pocket books ay nanonood naman ako ng mga funny videos pampatanggal ng stress sa katawan na bawal ito sa mga buntis na tulad ko.

Napadako ang aking tingin sa isang envelope na nakadungaw sa bag. Ito yung nakita kong envelope sa kotse ni Ethan noong isang linggo.

Iniisip ko na ibigay sa kanya o buksan ito, pero dahil nababalot ang aking kuryosidad ay kukunin na lang at tignan ang laman ng envelope.

Dahan-dahan akong tumayo at tinungo ang aking sling bag na nakasabit sa may likuran ng pinto. Sa kalagitnaan ng paglalakad ay nakarandam ako ng paninipa sa aking tiyan.

"Anak, huwag ka masyado excited sa envelope baka mamaya atakin ako sa puso." natatawa ko nitong saad habang hinimas ang aking tiyan.

Isa din sa mga kailangan gawin kapag buntis ay madalas mong kausapin ang baby sa tiyan. I'm not expert about it because this is my first time experience and sa pagkakatanda ko ay magiging masaya ang anak mo sa tiyan kapag madalas mong kausapin.

Pagkuha ko nito ay agad nang binuklat ang laman.

"Ethan and Anastacia Wedding Ceremony." basa ko rito.

Say "Baby I Do"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon