[Not Edited]
Venus
Ilang linggo ang nakalipas ay hindi pa rin nahanap si Ethan plus ang aming final defense namin ay nalalapit na. Which means, malapit na rin kami grumaduate bilang college student at haharap na kami sa totoong buhay.
Speaking of Ethan, bigla na lang siya tumawag ngayon kaya sinagot ko agad ito.
"Hello Ethan, nasan ka ngayon?" bungad ko sa tawag pero mukhang walang sumasagot.
"Hello Ethan?" tawag ko ulit pero patay ang nasa kabilang linya. Binaba na niya pala yung tawag.
Napabuntong hininga na lang ako at bumalik na sa pag-aaral ng research namin for final defense.
-----
"Shane, anong balita raw sa pinsan mo?" tanong ko kay Shane. Nandito kaming dalawa ngayon sa cafeteria ng Amersia and still napaparanoid pa rin ako sa pagkawala ni Ethan.Si Cheska, huwag niyo nang tanungin at hanapin dahil busy siya sa paglalandi sa iba. Pokpok ata magiging trabaho nito after grumaduate. De biro lang, baka hampasin ako ng high heels nun kapag sinabi ko sa kanya nang harapan.
"Teh, ang sabi ng magulang ni Ethan. Hindi naman nawawala si Ethan pero ang balita ko raw nasa Tagaytay siya kasama si Anastacia for business purposes." aniya na busy kakadutdot sa cellphone nito. Kachat siguro yung jowa niya na nasa Russia naninirahan.
Naguluhan ako sa sinabi niya. "S-sino si Anastacia, magkasama sila sa Tagaytay?" taka kong tanong.
"Nope, ang balita ko nasa Spain pa." sagot aniya. "And Anastacia is also my friend plus puppy love ni insan no'ng elementary until 2nd year highschool kami." pahabol nito sabi.
"Bakit nagseselos ka noh?" asar nito. Umirap na lang ako sa sinabi niya tsaka tumayo para umorder ng makakain.
"Isang chocolate drink po yung sobrang lamig para maiwasan yung stress sa research." sabi ko sa tindera. Ngitian niya lang ako at binigay sa akin na malamig na chocolate drink. Binigay ko sa kanya sabay dekwat ng binili at bumalik sa inuupuan namin ni Shane.
Pagkaupo ko ay tinuloy ko na ang pag-aaral ng research namin. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaaral at baka gisahin kami ng mga panelist at balita ko raw ay ang mga batikang journalist, politician, at newscaster ang magiging panelist sa final defense.
I hope na sana biro na lang iyon dahil nakakadagdag kaba kung sila ang kaharap mo sa defense.
"Alam kong next month pa ang final defense ng department natin. Magrelax ka muna diyan, huwag mo munang isipin yang research. Isipin mo kung anong nangyari kay insan." bigla na lang ako na-over think sa sinabi niya. Paano kung may nangyari na talaga sa kanila? I cannot do this anymore!
Kaya tinawagan ko na si Ethan baka sakaling magsalita na siya.
"Hello Venus?" bigla natuwa ang diwa ko nang narinig ko ang boses niya.
"Can I call you later, nasa business meeting pa kasi ako. Okay lang ba?" parang nalungkot ako sa sinabi niya. Parang may sakit ako na bipolar dito.
"O-okay sige sige. I love--" pagtingin sa cellphone ko ay pinatayan pala ako ng tawag.
"Alam mo Venus, dapat sinagot mo na si insan dati. Ang sabi mo noon, masyadong mabilis na atsaka wala namang binabakuran si Ethan. Ngayon ano, napaparanoid ka diyan sa kakaisip tungkol doon sa dalawa." lintaya ni Shane.
Mahirap magdecide kung sasagutin ko na ba siya o hindi. Hays, sana tulungan ako ni Mr. Bean sa ganitong sitwasyon.
Ilalagay ko sana yung bag nang biglang nagring sa cellphone. Pagtingin ko ay si Drake pala ang tumatawag kaya sinagot ko ito.

BINABASA MO ANG
Say "Baby I Do"
General Fiction[R-16] [COMPLETE-UNEDITED] Si Venus Courtney Alicia ay isang babae na may mataas na pangarap. Katulad ng mga iba niyang matatalinong kaklase, sadsad siya sa pag-aaral. Bansag sakaniya ng mga kaibigan niya na "hopeless romantic", sapagkat single siya...