Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
💞PARK JIMIN💞
❤❤
Naglakad si Seulgi sa hallway papunta sa classroom nya habang sinusuklay ang buhok nya. Wala sya sa mood ngayon dahil ninakaw nanaman ng hayup nyang Kuya ang allowance nya. Tanginang buhay naman kasi eh.
Nakita nya si Miss Goo na papunta sa classroom nila. Binati nya ito at inunahan sa paglalakad si Miss Goo, ang teacher sa first period. Pumasok sya sa classroom and as usual, pakalat-kalat nanaman ang mga estudyante at mga upuan.
"MAY TEACHER NA HUY!" sigaw nya. May ibang nagpanic pero halos lahat ay hindi sya pinansin kasi baka scam nanaman. Napairap nalang sya nang walang pumansin sakanya, "Bahala kayo jan"
"WHAT'S GOING ON HERE?!" pasimpleng umupo si Seulgi sa upuan nya habang nagpapanic naman ang mga kaklase nya, "REMAIN STANDING!!" Sigaw nito sa mga nakatayo.
Ayan, hindi kasi naniwala...
Tumawa sya sa isip nya.
"Yung mga nakatayo, absent kayo sa subject ko!" Sabi ni Miss Goo bago umupo sa upuan nya.
-
Pagkatapos ng first period, nagsinlabasan yung iba dahil break time nya. Umupo naman si Seulgi sa armrest ng armchair nya habang nakapatong yung mga paa nito sa upuan. Hinanap ng mata nya si Jimin. Mukhang busy nanaman ulit ito sa mga setworks.
"UY JIMIN!!" agad syang napatingin kay Seulgi dahil sa lakas ng boses nito. Tinaasan lang nya ito ng kilay, "CRUSH MO SI JOOHYUN DIBA?" tanong ni Seulgi. Hindi sya sumigaw. Sadyang malakas lang talaga yung boses nya. Nagulat naman si Jimin dahil dun.
"Hindi ah! Sinong nagsabi nyan?" Tanong nya.
"Sus deny pa!" Sabi ni Seulgi.
"Crush mo pala si Joohyun?"
"Ikaw Jimin ah"
"AYYYYYEEEEE!"
Napuno ang classroom ng ingay (PALAGI NAMAN). Tinutukso ng iba si Jimin dahil sa sinabi ni Seulgi. Napatingin naman ng masama si Jimin kay Seulgi.
"Nangs-scam ka nanaman!" Sabi nito.
"Wala ako sa mood ngayon okay? Hindi muna ako scammer ngayon. Nakita mo ba yung kanina? Diba hindi scam yung sinabi kong may teacher na?" Sagot naman ni Seulgi.
"Ewan ko sayo at ng mga trip mo!" Nagpatuloy si Jimin sa ginagawa nya. Kahit na may naririnig parin syang mga tukso, binalewala parin nya kasi ang dapat nyang aasikasuhin ngayon ay ang set work na binigay ng teacher nila sakanila.
"Bakit kasi wala kang crush?" Bulong ni Seulgi dito.
"Hindi ako interesado" sagot ni Jimin.
"Imposible namang wala kang crush diba?" Tanong ulit ni Seulgi.
"Ano bang pake mo?" Napasimangot si Seulgi at umupo ng maayos sa armchair nya at tumalikod kay Jimin. Mukhang nafefeel na nya ang panggigigil ni Jimin kaya mas mabuti pang huwag nalang nya itong abalahin pa.
Tumayo sya at lumabas ng classroom para hanapin ang apat nyang kaibigan.