14. Bear

272 15 0
                                    

💞KIM NAMJOON💞

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💞KIM NAMJOON💞


❤❤

Napamura si Jimin nang may biglang nahulog na box pagbukas ng locker nya. Agad nya yung pinulot at tiningnan.

Chim, seryoso ako nung sinabi kong gusto kita :) Naalala kita dito hehehe — Joohyun.

Agad nyang binuksan ang box at isang tenga ng teddy bear ang bumungad sakanya. Kinuha nya yun mula sa box.

"Bakit naman nya ako naalala dito? Mukha ba akong bear?" Tanong ni Jimin sa sarili nya.

Tinitigan nya ang bear ng ilang segundo. Nakangiti ito at ang cute pa. Isang tao ang unang pumasok sa isip nya.

"Jimin.." Nilagay nya ang teddy bear sa box at tumingin sa taong tumawag sakanya.

"Joohyun ikaw pala. Ahh, yung bear?" Ngumiti si Joohyun.

"Para sayo yun" sabi nito.

"Uh thanks? May favor ka ba sakin?" Tanong ni Jimin.

"Wala naman. Binigay ko yun sayo kasi nga gusto kita" nakangiting sabi ni Joohyun. Inobserbahan nya ito at mukhang confident talaga si Joohyun sa confession nya.

Umaasa ba syang magugustuhan ko sya pabalik?

"Joohyun, ano kasi..." Sa mukha palang ni Jimin, alam na ni Joohyun kung anong sasabihin nito. Agad na nawala ang ngiti ni Joohyun at bigla nalang itong namula.

"I know you're not ready Jimin but I'm willing to wait" sabi ni Joohyun.

"Joohyun hindi..." Napatingin sakanya si Joohyun, "...hindi kita kayang saktan. I mean, marami nang nagconfess sakin at nirereject ko sila. Pero Joohyun, hindi kita kayang saktan.... k-kasi kaibigan ka nya. Ayokong lumayo sya sakin"

"Sino?"

Sinara ni Jimin ang locker nya at binigay kay Joohyun ang box.

"I'm sorry"

Bago pa makaalis si Jimin, agad na nagsalita si Joohyun.

"Jimin, sino? Si Seulgi ba? Sya ba yung gusto mo? Akala mo gusto ka nya? Scammer sya Jimin. Hindi sya seryoso nung sinabi nyang crush ka nya! Please Jimin, wag si Seulgi"

Lumingon si Jimin kay Joohyun, "Bakit? Kaibigan mo sya Joohyun pero bakit parang nilalayo mo ko sakanya? Bakit parang wala kang tiwala sa kaibigan mo?"

"Ayaw kitang masaktan Jimin.."

"Alam ko. Takot rin akong masaktan Joohyun. Pero wala eh, nahulog ako. Nahulog ako sa pangs-scam nya"

-


Napatitig si Jimin sa isang orange na teddy bear na parang may kasalanan ito sakanya. Nakatayo lang sya sa labas ng shop habang nakatingin sa mga teddy bear na nakadisplay sa loob. Lumapit sya dun at hinawakan ang salamin ng shop para tingnan yung price ng teddy bear.

Agad syang pumasok ng shop para kunin yun at bilhin. Bago pa sya makalabas ay may natanggap syang text sa pinsan nya.

Joon: hey insan! I'm back bro. Titira ako sa bahay nyo, how's that?

Inipit nya sa braso nya ang teddy bear at nireplyan ang pinsan nya.

Me: okay na okay. Atlast hindi na tahimik yung bahay hahahaha. Pauwi na ako.

Lumabas sya ng shop dala ang binili nyang stuff toy. Paalis na sana sya nang may mapansin syang babaeng nakatayo sa pwestong kinatatayuan nya kanina. Kagaya ng posisyon kanina, nakatayo rin ito sa harap ng salamin habang nakatitig sa mga stuff toys na nakadisplay sa loob. Agad nyang mamukhaan ang babae.

.

"Hey!"

Lumingon si Seulgi nang marinig nya ang boses na yun, "Jimin. Anong ginagawa mo dito?"

Lumapit si Jimin sakanya, "Okay ka lang?" Tanong nito.

"Oo naman. Ang cute kasi ng mga stuff toys. Gusto ko sanang bumili kaso hindi ko dala pera ko. Ano nga pala ginagawa mo dito crush?" Tanong ni Seulgi habang nakangiti.

Hindi tanga si Jimin para hindi mapansin ang namumugtong mata ni Seulgi na lalo pang sumingkit at ang namumula nitong ilong. In other words, galing ito sa pagiyak.

"Namamasyal lang. So gusto mo pala ng bear?" Tanong ni Jimin.

Suminghot si Seulgi bago tumango.

"Alam mo, may nakita akong ice cream shop sa gilid. Baka gusto mong sumama sakin. Yung cone nila ay mukha ng bear at puro masasarap ang mga ice cream dun" sabi ni Jimin.

"Ang cute ng cone Seokjin no? Mukha ng bear!"

"Kaya nga bearcone diba? Hahaha!!"

"Gusto ko sanang idisplay to kaso baka langgamin hahaha!"

"Pero mas cute parin yung super mario collection ko"

"Supah Merio hahaha bading ka talaga!"

"Bearcone itatawag ko sayo kasi mukha kang bear"

"Atleast cute"

"Pogi naman ako"

Hindi nya namalayan na nakayakap na pala si Jimin sakanya. Weeeh chansing dejok. Pero mas hindi nya namalayang kanina pa pala sya umiiyak dahil sa naalala nya.

"Seul, it's okay. Sorry kung may nasabi akong dahilan ng pag-iyak mo. Please don't cry" bulong ni Jimin sakanya.

Kahit umiiyak si Seulgi, nagawa nya paring singhutin ang damit ni Jimin. Ang bango nga naman kasi. Umiiyak na nga may time pang lumandi. Wala na syang choice kundi ang yakapin pabalik si Jimin. Actually, pwede rin naman nyang itulak palayo eh. So mas pinili nya talagang yakapin ito pabalik.

"Jimin, gusto kita"


[✔] ScamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon