18. Past

290 15 0
                                    

💞PARK SOOYOUNG💞

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💞PARK SOOYOUNG💞


❤❤

Birthday ko??

Napahawak sya sa ulo nya habang nakatingin sa mga kaklaseng kumakanta sakanya ng birthday song. Napatakip sya ng bibig nang makita nya yung mga kaibigan nyang nakikisabay sa mga kaklase nya.

Anong nangyayari?

"Happy birthday Seul" bati ni Jimin na may dalang cake na may bear pa sa itaas. Tinakpan nya ang buong mukha nya, "Uy, blow mo na~"

Tumingin sya kay Jimin at sinapak ito sa braso. Napasimangot naman si Jimin at nagkunwareng nasaktan.

"Hayup ka!" Sabi nya pero ginawa naman nya ang sinabi ni Jimin. Nagsisigawan ang mga kaklase nya.

"Seulgi.." Nahihiyang sabi ni Joohyun at lumapit kay Seulgi. Napatingin si Seulgi sakanya, ".... I'm sorry at napaniwala kita sa scam namin" natatawang sabi ni Joohyun.

"Uwaaaahhh!!" Ngawa nya bago pinaghahampas ang braso ni Joohyun. Tinawanan lang sya ng apat, "Di totoo yun diba?" Tanong ni Seulgi.

"Walang katotohanan dun okay? Pero thank you sa pagsabing may gusto sakin si Taehyung. Hehehe kinikilig tuloy ako" sabi ni Joohyun kaya nasapak sya ni Seungwan.

"Grabe nascam nyo ulit ako. Grabe kayo, bakit nyo ba to ginagawa sakin?! Tsaka bakit hindi ko man lang alam na birthday ko ngayon. Ilang taon na ba ako?" Tanong ni Seulgi.

Tinawanan sya ng mga kaibigan nya, "Alam naming palagi mo nalang nakakalimutan ang birthday mo kaya napag-isipan namin na isurprise ka" sabi ni Sooyoung.

"Ehhhh kainis kayo! Tangina nyo!! Walang hiya!" Mura parin ng mura si Seulgi. Akalain mong isang scammer ay na-scam ng sariling kaibigan.

"Uy sorry sa chat ah!" Nagyayakapan ang lima.

.

Napangiti si Jimin nang makitang masaya si Seulgi. Syempre sino bang hindi?

"Bro, kayo na?" Nawala ang ngiti ni Jimin nang may kumausap sakanya. Matangkad ito at nao-offend talaga si Jimin. Dejoke, "Anyway, I'm Seokjin. Kilala mo ko noon diba?" Tumango naman si Jimin.

"Syempre, naalala pa kita. Ikaw yung estudyante noon na palaging pinapagalitan dahil hindi marunong sumayaw" natatawang sabi ni Jimin.

Napatingin ng masama sakanya si Seokjin, "Ka-offend ka naman! Wag na natin yun pagusapan" sabi nito.

Tumingin si Seokjin sa direksyon ni Seulgi at ngumiti, "Si bearcone... Ang babaeng palagi kong pinoprotektahan noon. Ang babaeng tinuring kong parang totoong kapatid. Siguro kung wala pa ako noon, wala na sanang Kang Seulgi na nabubuhay ngayon" kwento ni Seokjin. Agad namang nacurious si Jimin.

"Bakit?" Tanong niya.

"Namatay ang pinakapaboritong Lolo nya nun kaya ang lungkot lungkot nya. Palagi ko syang nakikitang nakaupo sa sulok ng classroom habang umiiyak. Napakalungkot nya nun na sa puntong pumunta sya sa rooftop ng school namin dahil gusto nyang sundan ang Lolo nya. Sinundan ko sya at pinigilan. Alam mo Jimin, isang segundo nalang at mahuhulog na sya. Buti nalang at hindi na ako lumingon pa nung tinawag ako nila Hoseok dahil kapag lumingon pa ako, masasayang ko ang isang segundo at baka nakatalon na sya. Kaya minsan, palagi ko syang pinapasaya. Walang araw na hindi ko sya mapapangiti. Sensitive si Seulgi at ang dali nyang masaktan at malungkot nung panahong yun. Kaya ang laki ng galit ni Hoseok sakanya dahil inakala nitong nawala yung atensyon ko sakanila nang dahil kay Seulgi" tumingin si Seokjin kay Jimin at inakbayan ito, "Ipangako mo saking wag na wag mong sasaktan ang bearcone ko ah?"

Paikot ikot parin sa isip nya ang mga salitang binitawan ni Seokjin, "Hindi ko sya sasaktan" bulong nya dahilan ng pagngiti ni Seokjin at sinuntok sya sa dibdib ng mahina.

"Eehhh cute mo talaga!" Sabi ni Seokjin bago umalis.

Nagpatuloy sa pagpaparty yung mga kaklase nya sa loob ng classroom. Alam nya ang tungkol sa pangs-scam nila Joohyun kaya nakikisama narin sya. Hindi naman nya inasahang magpaparty pala sa classroom nila. Nagpadala ba naman ng foods sa classroom.. Well buti nalang at pumayag ang teacher.

Kumuha sya ng cupcake at pupuntahan na sana si Seulgi nang makita nyang kausap nito si Hoseok. Napangiti sya.

Pakinggan mo lang sya Seulgi...

[✔] ScamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon