Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
💞PARK JIMIN💞
❤❤
Dala-dala yung tray nya, umupo sya sa isang bakanteng upuan. Mag-isa at wala yung mga kaibigan nya.
Kaibigan...
Napangisi sya habang pinaglaruan yung pasta na nasa plato nya.
Kaibigan...
Napahawak sya sa ulo nya at yumuko.
Fuck life!
"Seulgi~" nihindi sya natinag sa boses na yun. Patuloy parin sya sa pinaggagawa nya, "Hey, are you okay?"
Hindi sya sumagot at tumayo sa kinauupuan nya. Tiningnan lang sya ni Jimin habang paalis ng canteen.
Habang naglalakad paalis, nadaanan nya ang table ng dating MGA kaibigan nya. Hindi lamang isang mesa. Dalawang mesa ng dating MGA kaibigan nya. Tangina, double kill.
"Seulgi" lumapit si Yoongi sakanya. Galing pa ito sa table nina Seokjin. Nalaman nya lang kanina na lumipat dito si Seokjin at Namjoon, "San ka pupunta?"
Pero tinabig nya lang ang kamay na humawak sa braso nya. Tiningnan nya si Yoongi. Dalawang pares ng magkaparehas na mga mata ang nagkatinginan (a/n: hindi naman sya malalim diba? Lol)
"Wag mo kong hawakan" mahinang sabi nito at mukha talaga syang seryoso. Pero tumawa lang si Yoongi kasi akala nyang scam nanaman ito. Inakbayan nya si Seulgi.
"Parang kahapon lang, ang cute mo. Ngayon mukha ka nang zombie. Tara, sabay ka na samin"
"ANO BA YOONGI! HINDI KA BA NAKAKAINTINDI!?" Napatigil si Yoongi nang biglang sumigaw si Seulgi. Agad syang napatahimik. Pati yung mga tao sa canteen, walang umimik. Kahit isa walang nagsalita.
"Seulgi naman oh. Ano bang nangyari sayo?" Tanong ni Yoongi.
"Bakit ko naman sasabihin sayo? Kaibigan ba kita?" Napanganga si Yoongi sa naisagot ni Seulgi. Syempre hindi nya yun inexpect. Hindi ba nito naalalang mas pinili pa nyang maging kaibigan si Seulgi kesa sa ipagpatuloy yung pustahan ng mga kaibigan nya. Simula nun, naging kaibigan ang turing nya kay Seulgi. Pero ano bang tingin ni Seulgi sakanya?
"Just leave me alone" nanginginig na sabi ni Seulgi bago umalis ng canteen.
Parang may nagsintakbuhang mga kabayo sa puso nya. Hindi nya sinadyang masabi yun kay Yoongi pero wala na syang maggagawa pa. Hindi na nya kayang magtiwala pa.
Umalis sya ng school sa pamamagitan ng pagtakas sa likod ng building. Pumunta sya sa isang mall malapit sa school nya. Wala na syang ibang mapupuntahan pa. Ayaw nyang umuwi kasi nandun Mama nya at ayaw nyang malaman nito na tumakas sya sa school.
Pumasok sya sa food court at umupo sa isang bakanteng upuan.
Bakit ba ang malas nya ngayon? Pambawi ba to sa pagiging swerte nya nung gabing yun? Nasa kanya na si Jimin, pero binawi naman yung mga kaibigan nya. San na sya kukuha ng advice? Saan na yung mga masasandalan nya? Yung mga kasama nya sa kalokohan?
Ang malas ko talaga!
Nabigla sya nang may naglagay ng pagkain sa table nya. Agad nyang inangat ang ulo nya at nakita si Jimin na nakangiti. Umupo ito sa tapat nya.
"Akala mo hahayaan kitang umalis na wala ako?" Tanong nito. Napasimangot si Seulgi habang nakatitig parin kay Jimin.
"Tumakas ka para sakin? Jimin, may quiz ngayon diba?" Tanong ni Seulgi.
"Pero mas kailangan mo ko" hinawakan ni Jimin ang malamig nyang kamay habang nakatingin parin ito sakanya, "Palagi akong nakikinig sa mga discussions... Pero gusto kong subukan na makinig sa sasabihin mo"
Hindi sumagot si Seulgi pero napabuntong hininga sya. Ilang segundo rin bago nya iangat ulit ang tingin nya kay Jimin.
"Totoo ba talagang gusto mo ako?" Tanong nya dito. At first, naguguluhan si Jimin pero agad naman nyang hinigpitan ang hawak nya sa kamay ni Seulgi.
"Seulgi, totoong gustong gusto kita. Hanggang ngayon ba, hindi ka parin naniniwala?" Tanong ni Jimin.
"Nagustuhan mo ba ako dahil naaawa ka rin sakin? O pinilit mo lang akong magustuhan?"
"Seulgi, anong pinagsasabi mo?"
"Hindi ko alam. Dahil siguro isa kang klaseng taong hindi madaling mainlove? Nakikita ko sa bawat kilos mo nung panahong ayaw na ayaw mo pa sakin. Yung panahong tinataboy mo ko kapag kinukulit kita. Yung mga irap mo, yung pagiging masungit mo, yung mura mo—"
Bumitaw si Jimin sa kamay ni Seulgi upang hawakan ang ulo nito at halikan ang noo nya, "That's the only way for me to pretend that I don't like you. Ilang beses kong dinedeny na hindi kita magugustuhan dahil alam kong hindi ka magkakaruon ng interes sakin. Pilit kong ipinapakita sayo na naiirita ako sa mga presence mo kahit ang totoo, gusto kong maramdaman yung presence mo araw-araw. If you think I'm still lying, sabihin mo lang ang gusto mong ipagawa sakin. Papatunayan kong totoo yung mga sinasabi ko"
"Hawakan mo ang kamay ko at tingnan mo ko" sagot ni Seulgi.
Ginawa ni Jimin ang sinabi nya. Tumingin ito sa mga mata nya at nakikita ni Seulgi ang repleksyon nya sa mga mata ni Jimin. Clear and sincere.
"Sabihin mong mahal mo ko" hindi parin kumurap si Seulgi kahit may lumabas na luha sa mga mata nya. Gusto nyang titigan ang mga mata ni Jimin kahit lumabo man ang paningin nya.
"Mahal kita Seulgi"
Seulgi looks fragile. Something na parang isang hawak lang nya, mababasag na. Something na takot nyang saktan. Gusto nyang yakapin si Seulgi at pakalmahin ito. Ayaw nyang makitang umiiyak ito sa harapan nya.
Bibitawan na sana nya ang kamay ni Seulgi para yakapin ito nang humigpit ang hawak ni Seulgi sa kamay nya. Lalo itong umiyak at umiling iling pa. Sumikip bigla ang puso nya.
"Please Jimin, wag mo kong bitawan. Ayokong pati ikaw, mawawala sakin"