9. Feeling

286 16 3
                                    

💞KANG SEULGI💞

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💞KANG SEULGI💞


❤❤

Halos maiyak na si Seulgi nang idampi ni Jimin ang bulak na may alcohol sa sugat nya. Napapikit naman si Jimin nang hilain ni Seulgi ang buhok nya.

"Masakit talaga Jimin ayoko na please!!" Iyak nya sabay ihip sa sugat nya. Tumigil naman si Jimin at napatingin kay Seulgi. Para syang bata na galing sa pagkadapa.

Binigay nya kay Seulgi ang isang malinis na bulak, "Ito. Linisin mo nalang yan. Promise, walang alcohol yan" sabi nito.

Inabot naman yun ni Seulgi at dahan-dahang dinampi yun sa sugat nya.

"Salamat chim" sabi nito bago pumunta sa upuan nya at pinatuloy ang paggamot ng sugat nito.

Napangiti ng palihim si Jimin dahil dun.

-

"Jimin! Yung payong mo" hinabol ni Joohyun si Jimin para ibigay yung payong na binigay ni Jimin sakanya kahapon. Tumango naman si Jimin at kinuha yun, "Jimin.. May sasabihin sana ako" nahihiyang sabi ni Joohyun.

Napatingin si Jimin dito, "Sorry Joohyun, may aasikasuhin pa ako eh. Sa susunod na lang" pagkatapos ay umalis.

Sa totoo lang, iniiwasan nya talaga si Joohyun. Pano kung may gusto si Joohyun sakanya? Hindi naman sa nag-a-assume pero malay natin diba? At kapag totoo yun, ayaw nyang paasahin si Joohyun. Maraming nagsasabing crush ni Jimin si Joohyun kahit ang totoo, wala naman talaga syang nararamdaman dito. Sadyang naniwala lang talaga sila sa scam ni Seulgi.

Speaking of Seulgi...

Nakita nanaman nya si Seulgi kasama si Yoongi. Or more like, nakasunod si Yoongi dito.

Anong relasyon nila?

Lumapit sya ng kunti para marinig yung pinaguusapan nila. Sinigurado nyang hindi sya makikita ng dalawa.

"Payagan mo na kasi akong ligawan kita" rinig nyang sabi ni Yoongi.

"Useless rin naman yung panliligaw mo dahil hinding hindi kita sasagutin like NEVER!!" sagot ni Seulgi.

"Eh bakit ba? Seryoso ako Seulgi. Gagawin ko lahat ng gusto mo. Magbago pa ako para sayo"

"Utot mo uy! Akala mo hindi ko alam na isa nanaman yan sa mga pusta pusta nyo? Nabiktima na rin ako jan Yoongi at alam ko kung gano kasakit ang maging biktima nyan. Hindi ako tanga para hayaang mangyari yun sakin ulit! And besides, mas gusto ko pang manligaw kay Jimin kesa sagutin ka!"

What? Liligawan ako?

"Anong— Liligawan mo si Jimin?"

"Bakit? Akala mo ba lalaki lang ang kayang manligaw? Gusto kong ipakita kay Jimin na crush ko sya at hindi na yun scam!"

"Pero may gusto na yun kay Joohyun tapos may gusto rin si Joohyun sakanya. Sa tingin mo may pag-asa ka pa? Wala na diba?"

"So? Hindi pa naman sila diba? May panahon pa akong isigaw sa buong mundo na akin lang si Park Jimin!! Akin lang sya, mahal na mahal ko sya to the infinity and beyond!"

"Baliw ka na Seul..."

"Oo baliw kay Jimin ko. Oh ano? Talo ka na?"

"Tsk, oo na! Mas mabuti pang maging kaibigan nalang kita kesa sa magkaruon ng isang medium sized na Kumamon"

"Dahil lang sa Kumamon, pumayag ka sa isang pustahan?!"

"Bakit ba? Kumamon is life! Mas mahal ko yung Kumamon kesa sayo!"

"Eh mas mahal ko rin si Jimin kesa sayo!"

Hindi nya alam pero napangiti sya sa narinig nya. Siguro masaya sya? Kinikilig? Nakakalito pero alam nya kung sino ang dahilan kung bakit sya nakangiti ng ganun.

Kang Seulgi, ano bang ginagawa mo sakin?

[✔] ScamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon