3. Ulan

457 14 3
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


💞MIN YOONGI💞

❤❤

Marami paring naniniwalang crush nya si Yoongi— ang jejecool ng campus— ayun kay Seulgi. Hindi naman talaga jeje si Yoongi like yung mga tipong AY0W PH0USZXX! Sadyang kung manamit kasi ito, daig pa yung mga jeje na pakalat kalat sa kalye. Pero kahit ganun, aaminin nyang pogi si Yoongi. Pero mas masungit pa nga lang kesa kay Jimin.

"Ang pangit mo umalis ka nga"

Bukod dun, ang pinakaayaw ni Seulgi dito ay masyado itong mayabang. Lahat nalang ng mga babaeng lumalapit sakanya para magconfess ekek, iniinsulto nya na parang SYA TALAGA ANG PINAKAGWAPONG NILALANG SA BUONG MUNDO! Oo galit na galit si Seulgi tangina.

Napairap nalang si Seulgi at baka masipa pa nya si Yoongi pababa ng 1st floor. Pasimple lang syang naglakad sa harapan ni Yoongi pero agad naman syang napansin nito.

"Uy payat, san ka pupunta? Hindi mo ba babatiin yung crush mo?" napatingin si Seulgi dito at saktong paglingon nya, nakataas-baba na yung kilay ni Yoongi.

Tangina kung pwede lang talaga i-shave yung kilay nya at kalbuhin sya ...

"Hi crush! Ang gwapo mo ngayon" napangisi naman sya sa compliment nito. Dahil dun, napatawa si Seulgi, "Ang galing kong magscam kekekeke" bago umalis ng corridor.

-

Nasa labas si Seulgi ng building pero hindi parin sya umaalis sa kinatatayuan nya. Ilang oras na ba? Dalawa? Siguradong hinahanap na sya ng Mama nya. Dapat kasi nakauwi na sya ngayon eh pero litseng ulan naman daw kasi, biglang bumagsak amputa! At kung hindi naman kasi putangina yung Kuya nyang ulol na tinakasan sya at naunang umuwi dala ang payong nilang dalawa.

Napatalon talon nalang sya dahil sa lamig. Kunti nalang yung mga estudyante sa labas at papadilim na rin.

Kung pwede lang sana tumakbo pauwi eh!!

Pero may dala syang printed papers at alam nyang isang basa lang nito, kakalat na yung ink.

"Seulgi?" isang lalaking may dalang payong ang lumapit sakanya, "Ikaw nga, anong ginagawa mo dito?" Si Jimin lang pala eh.

"Nakatayo" sagot ni Seulgi dito. Hindi sumagot si Jimin pero nakatingin ito sakanya, "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

"Nakatayo rin" napakagat ng labi si Seulgi bago huminga ng malalim.

"Umalis ka na nga la kang kwentang kausap" sabi nito pero sya talaga yung lumayo at umalis dun.

"San bahay nyo?" tanong ni Jimin dito.

"Nandito sa Earth" sagot ni Seulgi.

"Wag ka ngang pilosopo. Mas mabuti pang umuwi ka nalang. Try mo rin kayang tumakbo" sabi nito.

"Kung pwede lang...." inayos ni Seulgi ang dala nyang folder at tinapik ito, "... Pero kailangan ko syang protektahan"

Napairap si Jimin at tumalikod, pero agad namang humarap, "Alam ko nga pala kung nasan bahay nyo"

"And then?" Ginalaw ni Jimin yung payong nya at tumingin kay Seulgi.

"Baka gusto mong sumabay sakin?" Tanong ni Jimin. Agad na umiling si Seulgi.

"Mas gusto ko pang tumakbo nala—"

"Akin na nga yan" sabi ni Jimin at kinuha ang folder na hawak ni Seulgi, "Report para bukas?"

"Binigay ni Dahyun sakin yan eh. Kailangan ko dawng idikit sa illustration board yang mga printed papers. Akin na" kukunin na sana ni Seulgi ang folder nang inilayo ito ni Jimin.

"Gusto ko mang ibigay nalang sayo tong payong ko para makauwi ka na kaso baka mababasa yung mga notebook sa loob ng bag ko. So ikaw, takbuhin mo nalang yung bahay nyo since malapit lang naman. Ako na bahala nito, ibabalik ko to bukas. Bye"

Bago pa sumagot si Seulgi ay umalis na si Jimin dala ang folder nya. Padabog syang umupo sa waiting area habang nakatingin kay Jimin na papunta sa bus stop.

Wala na syang choice kundi ang magpakabasa sa ulan at takbuhin yung bahay nila.

[✔] ScamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon