7. Status

296 16 7
                                    

"Anong nangyari sayo?" Tanong ng Kuya nyang si Chanyeol. Lalo syang nainis nang bumungad sakanya ang pangit nyang Kuya, "Huy tinatanong kita"

"Ano bang pakialam mo?" Sagot ni Seulgi. Bago pa sya makatapak sa kwarto nya, hinarangan na sya ng Kuya nya.

"Basang-basa ka kahit binigay ko na sayo yung payong! Anong nangyari?"

"Padaanin mo ko!!"

"Hindi!"

"Argh!!! Sabing padaanin mo ko!"

"Hindi!"

"Kuya naman ehhhh!!"

Nanggigigil na si Seulgi kaya wala na syang maggawa pa kundi ang sipain ang alagang cobra ng Kuya nya. Naiinis na talaga sya at wala sya sa mood ngayon. Masakit pa yung puson nya.

"TANGINA MO BA?!"

Pasimple syang pumasok sa kwarto at binagsak pasara yung pinto. Agad syang nagbihis at umupo sa kama nya.

"Mama oh!! Naninipa nanaman si Seulgi!"

"Kinukulit mo nanaman kasi Chanyeol!"

"Hindi ah. Nagtatanong lang ako"

"Seulgi kain na"

"Maya na Ma!"

Binuksan nya ang phone nya at pumunta sa facebook. Another day of scrolling nanaman. As usual, like doon, like dito, pag nasa mood, nagcocomment, nuod ng random videos tapos isheshare pag nasatisfy sya.

Maya-maya'y biglang dumaan sa news feed nya ang mukha ni Jimin

May bagong post?

Park Jimin

Just got home... Ang lakas ng ulan ☔ I hope someone's okay :)

 Ang lakas ng ulan ☔ I hope someone's okay :)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HOT AF!!

Ilang segundo rin syang nakatitig sa picture ni Jimin bago magcomment.

Kang Seulgi Hot mo talaga crush 😍😍😍 Notis me naman!! Kekekekeke ❤❤

Kinikilig pa sya sa sarili nyang comment. Pero nakakapagtaka lang, sino ba yung someone na yun? Well why not read some comments diba?

Jeon Jungkook The who?

Bae Joohyun I'm okay Chim... Thanks sa umbrella ;)

Ohh...

Yeah, naalala nyang kasama nya pala si Joohyun kanina. Nung sya sana ang kakapit sa braso ni Jimin at yung kasabay sana nito pauwi. Yung bibigyan sana ng payong. Sya sana yun. Kaso naunahan na sya ng iba tapos nadapa pa sya. Oh diba bongga?


.

Crush?? Seryoso ba sya??

Nakakunot yung noo ni Jimin habang nakatingin sa comment ni Seulgi. Mukhang hyper naman yung babae at walang problema kahit nadapa na kanina.

Mukhang okay naman sya eh...

Nagpatuloy sya sa pagpunas ng towel sa buhok nya habang binabasa ang mga comments sa post nya. Yung iba, nacurious kung sino yung someone.

Tangina sana di ko na pala yun sinali...

Pero ang comment ni Joohyun ang dahilan kung bakit muntik na nyang matapon ang cellphone nya. Hindi sya kinikilig as in NEVER SYANG KINILIG.. Sadyang nabigla lang talaga sya sa comment ni Joohyun. Eh ang totoo, hindi naman talaga si Joohyun yung someone na yun kundi yung babaeng nadapa kanina sa baha.

Kunwari hindi ko yun nabasa...

Agad nyang pinatay ang phone nya bago pumunta sa kusina para kumain. Wala yung mga magulang nya kaya mag-isa nanaman sya sa bahay. Hindi rin sya marunong magluto ng ulam kaya cup noodles nanaman yung kakainin nya.

Binuksan nya ulit yung phone nya para tingnan yung notifications sa facebook.

Kang Seulgi mentioned you on a post.

Bigla syang kinabahan at nagdadalawang isip na pindutin yun.

Ano nanamang kalokohan to?

Kang Seulgi

Park Jimin crush talaga kita muaaaah!! :*

Scammer....

Napabuntong hininga sya bago ilagay ang phone nya sa mesa.

[✔] ScamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon