11. Confession

289 16 3
                                    

💞JEON JUNGKOOK💞

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💞JEON JUNGKOOK💞


❤❤

Ilang araw ring hindi pinapansin ni Seulgi si Jimin matapos mangyari yung pangs-stalk nya. Kung hindi naman kasi sya tanga... bakit sa pic pa kung saan nakatopless si Jimin. Tapos ngayong nalaman ni Jimin na nangs-stalk siya, anong mukha nalang kaya ang maihaharap nya? Siguro baka akalain syang manyak dahil dun.

"Pansin ko, parang iniiwasan mo si Jimin" sabi ni Yerim. Sya lang talaga kasi ang taong naniniwalang totoong crush nya si Jimin since yung tatlo, inakalang scam parin yun.

"Long story, I'll make it short. Nahihiya ako" sagot nya at tinakpan ang mukha nya gamit ang mga kamay nya.

"Bakit? May nangyari ba?" Tanong ni Yerim.

"Aaaaahh!!" Parang batang ngumangawa si Seulgi nang maalala nanaman nya ang pinaggagawa nya.

"Huy!"

"Ye, ano ang mafefeel mo kapag nahuli ka ng crush mong nangs-stalk sa mga topless pictures nya?" Tanong ni Seulgi habang hindi parin nawawala yung pagkapula ng pisngi nya.

"Ako? Nung nalaman ni Kookie na nilike ko yung picture nyang nakataas yung tshirt nya tapos nakita abs nya? Well syempre naiilang ako pero binalewala lang nya yun kasi yung tingin nya sakin, isang fangirl chuvanes lang tapos may girlfriend narin naman sya. Tsaka prend, kung si Jimin man yang sinasabi mo, eh magkaiba tayo kasi single si Jimin eh" minsan nakakaawa narin si Yerim dahil ilang taon narin syang habol ng habol kay Jungkook pero wala paring nangyari. Para bang hinahabol lang nya yung hangin. Wawa naman.

"Ano gagawin ko, Ye? Nagcomment pa ako! Wait!" Kinuha nya yung phone nya para ipakita kay Yerim yung screenshot kagabi. Tiningnan naman yun ni Yerim at tiningnan si Seulgi.

"Edi sakyan mo. Isigaw mo pa sa buong mundo na OO NANGS-STALK AKO DAHIL CRUSH KITA OBVIOUSLY AT TOTOONG ANG HOT MO TALAGA DITO!! ... Kesa naman sa iwasan mo pa sya na parang masyadong big deal yun para sayo" sabi ni Yerim.

"Big deal yun. Pano kung akalain nyang pervert ako? Masisira image ko sakanya Ye!" Napahalumbaba si Seulgi at halos lumampas na sa matangos nyang ilong ang nguso nya.

"Ilang araw mo na ba syang iniiwasan?" Tanong ni Yerim. Napaisip naman si Seulgi.

"2 days lang. 3 na ngayon" sabi nya at ngumawa nanaman.

"Ikaw rin, sa kakaiwas mo, baka may mangyaring di natin alam" sabi ni Yerim.

"Ano?"

"Ewan, may kutob lang ako"

"Ewan ko sayo"

.

Nakaupo si Jimin sa upuang malapit sa pintuan ng classroom nila. Nang makita nya ang babaeng hinihintay nya, agad syang tumayo para puntahan ito.

"Joohyun" tawag nya at hinawakan ang braso nito. Nagulat si Joohyun nang hawakan sya ni Jimin. You know that feelin'.

"J-Jimin"

"Pwede bang sabay tayong maglunch? You know, gusto mo libre pa kita?" Nahihiyang tanong ni Jimin. Hindi nya inaya si Joohyun dahil gusto nya. Alam nyang si Joohyun ang makakatulong sakanya sa... basta 😂 lmao

"B-Bakit? Uhmm..  I mean, biglaan kasi.."

"Wala lang"

"T-Tara" huminga ng malalim si Jimin bago lumabas ng classroom at sumunod naman si Joohyun sakanya.

Inayos nya ang buhok nya pati yung uniform.

Sana magiging okay to.. Kapag okay na ako kay Joohyun, may Seungwan, Sooyoung at Yerim pa.. Tapos sya... Kailangan galingan ko to.

"Hmm.. Anong gusto mo?" Tanong ni Jimin, "Uh, upo ka muna. Ako bibili"

Umupo naman si Joohyun habang nakayuko.

"Okay lang Chim, wag mo na akong ilibre"

"Sige lang.. Okay lang talaga.."

"Wag na"

Tangina..

Yung feeling na gusto na nyang sungitan si Joohyun pero kailangan nya munang ipasintabi yun.

Maging mabait ka... Just smile..

Ngumiti si Jimin, "Ako na lang ang bibili" tumalikod si Jimin at huminga ulit ng malalim.

Papunta na sana sya nang counter nang makita nya si Seulgi na papunta sa direksyon nya. Kasama pa nito si Yerim, Seungwan at Sooyoung kaya sure syang hinahanap nila si Joohyun. Agad syang bumalik sa upuan nila ni Joohyun at dahan-dahang umupo sa tapat nito.

"Anong nangyari?" Tanong ni Joohyun. Umiling lang si Jimin.

"M-May sasabihin lang ako" sabi ni Jimin at tumingin kay Joohyun.

Tulungan mo ko kay Seulgi...

Ganun lang naman kasimple ang sasabihin nya eh.

"May sasabihin rin sana ako"

"Pero importante—"

"Chim, gusto kita"

What!?

[✔] ScamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon