20. Inlove

325 17 3
                                    

💞PARK JIMIN💞

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💞PARK JIMIN💞

❤❤

"Ang swerte ko palang tao" sabi bigla ni Seulgi habang nakahalumbaba sa table na kinakainan nila sa canteen.

Napatingin si Yerim sakanya habang may hawak na tinidor. Hindi sya pinansin ng iba.

"Bakit naman?" Tanong ni Yerim sakanya.

"Hehehe" ang nasagot nalang nya kay Yerim. Inirapan naman sya nito.

Tumingin sya sa table kung saan nakaupo si Jimin. Kasama nya ang barkada ni Seokjin. As in lahat. Seokjin, Namjoon, Hoseok, Taehyung, Jungkook, Yoongi tapos ang bagong kaibigan nilang si Jimin.

Tiningnan nya ito habang tumatawa sa mga biro ni Hoseok. Way ng paghampas nya sa mesa dahil sa kakatawa. Way ng pagpunas ng luha nya habang natatawa. Way ng pagsalita nya kina Seokjin. Way ng pagngiti nya habang nakikinig sa pinagsasabi ni Taehyung. Way ng pagsuntok nya sa braso ni Namjoon. Way ng pagsuklay nya ng buhok gamit ang mga daliri nya. Way ng pagnguya nya sa pagkain nya. Way ng pagkasubo nya ng pagkain kay Yoongi. Way ng— TANGINA ANO!??!

Napakurap si Seulgi at tinitigan ng mabuti ang dalawa.

Tanginang, anong kabaklaan ang pinaggagawa ng dalawang to. Gosh.

Ngumiti si Yoongi at tinapik ang balikat ni Jimin tapos tinuro ang nakanganga nyang bibig, sign na gusto nya pang magpasubo. Ngumiti naman si Jimin bago subuan ulit ng pagkain si Yoongi. Pumalakpak naman yung isang pandak at niyakap ang braso ng Jimin nya. Oo, nya. Bakla tong Yoongi na to eh.

Dahil sa inis ay napatayo si Seulgi dala ang tray nya.

"Oh san ka pupunta?" Tanong ni Sooyoung habang may pagkain pa sa loob ng bibig nya.

"Basta" sagot ni Seulgi bago maglakad papunta sa table nila Seokjin.

"Ang sweet talaga ni Jiminnie~" rinig nyang sabi ni Yoongi dahilan ng paglabas ng usok galing sa ilong nya. Dechos!

"Yiieee, YoonMin~" pang-aasar ni Jungkook sa dalawa.

Anong Yoonmin!! Seulmin lang walang iba!!

"Hi guys!!" Bati nya sa barkada habang inakbayan si Jungkook dahilan ng ito'y nabulunan sa kinakain nitong pagkain. Napangisi naman si Seulgi at tumingin sa dalawa.

"Hey Seul" bati ni Jimin at nginitian sya.

Jimin, not now!

Nagpipigil talaga sya promise.

"Don't hey me!" Sabi nya at umirap. Natahimik naman si Jimin.

"Hey bearcone!" Bati ni Seokjin. Nginitian nya ito.

"Yow supah merio~"

"Anong ginagawa mo dito Seulgi?" Nakangiting tanong ni Yoongi kay Seulgi. Sinamaan sya nito ng tingin kaya sya naman yung natahimik. Magsasalita na sana si Jungkook nang sakalin sya ni Seulgi gamit ang braso nito.

"Eeck!! Anong kasalan-an ko sa-yo!" Sabi ni Jungkook at pilit na inalis ang braso nya sa leeg nito. Agad naman nyang inalis ang braso nya. Baka mawalan pa to ng malay, sya pa ang gagastos sa lamay. Wow rhyme.

Umupo sya sa pagitan nina Yoongi at Jimin. Napatingin naman ang dalawa sakanya. Tinaasan nya ng kilay si Yoongi. Napaiwas si Yoongi ng tingin.

Napatingin naman si Seulgi kay Jimin pero hindi na ito nakatingin sakanya. Tahimik itong kumain.

"Hindi mo ba ako susubuan?" Tanong ni Seulgi kay Jimin. Napatingin naman si Jimin sakanya na gulat. Nasa labi pa nito ang pasta na kinain nya. Napairap si Seulgi, "Uulitin ko pa ba sasabihin ko?" Tanong nya ulit.

Hindi parin gumalaw si Jimin kaya napasimangot sya. Tumingin sya kay Yoongi para alahanin ang mukhang ginawa nito kanina. Naalala nyang nagpuppy eyes pa si Yoongi habang pinilit si Jimin na subuan sya. Tumingin ulit sya kay Jimin at nagpuppy eyes.

"Subuan mo ko~" sabi nya at tinuro ang nakanganga nyang bunganga. Nalilito parin si Jimin.

Bago pa nya maisara ang bibig nya at sinubuan sya ni Jungkook ng tinapay.

"Nakakaawa kasi mukha mo" sabi ni Jungkook at tumawa. Napairap naman si Seulgi at kinain naman ang tinapay.

"Madaya.. Si Yoongi, sinusubuan mo tapos ako hindi" sabi ni Seulgi at ngumuso. Hindi nya napansing napangiti si Jimin dahil sa sinabi nya.

.


Inikot-ikot ni Jimin ang tinidor nya sa spaghetti at hinawakan ang baba ni Seulgi para iharap ang mukha nito sakanya.

"Say ah!" Sabi ni Jimin kaya napanganga si Seulgi. Pinasok— SINUBUAN NAMAN NYA SI SEULGI. Jejejejeje. Tinawanan nya si Seulgi dahil sa kakyutan nito. Hehehe cute ko.

"Si Yoongi nginitian mo tapos ako tinawanan mo!! Hustisya Jimin ah! Sino ba talaga girlfriend mo saming dalawa ha!" Sabi ni Seulgi.

"Malamang ikaw, eh girl ka eh" napatakip naman ng mukha si Seulgi bago sinapak sa dibdib si Jimin. Napangiwi naman si Jimin.

"So boyfriend mo sya?!" Nabilaukan naman si Yoongi sa likod nya. Hindi nya ito pinansin.

"Seul naman, hindi ako bakla" pagdepensa ni Jimin.

"Heh! Kwento mo sa pink mong buhok!" Napatawa naman ang buong barkada dahil sa narinig nila kay Seulgi. Pinagbabato nya ang mga ito ng tissue na nasa itaas ng table.

"Wag ka ngang magselos. Cute mo eh" sabi ni Jimin at nilapit ang katawan nito sakanya.

"Me don't!" Sagot ni Seulgi sakanya.

Dinikit ni Jimin ang ilong nya sa cheeks ni Seulgi, "Selos ka lang eh!!"

Inis na inalis ni Seulgi ang mukha ni Jimin sa pisngi nya. Ehh ang totoo naman kasi kinikilig yung bruha. Sino bang hindi?

"Bakit naman ako magseselos ha Park Jimin!! Si Yoongi, pagseselosan ko?! Tangina, pandak na nga, anak pa ni Sadako" sabi ni Seulgi.

"Narinig ko yun!" Sabi ni Yoongi at sasakalin na sana siya nang yakapin sya ni Jimin sa leeg.

"Ah basta Jimin! Wag kang lalapit sa mukhang multo na yan! Ayoko sakanya tangina nya!" Sabi ni Seulgi at pinagsisipa ang paa ni Yoongi sa ilalim ng mesa. Ginantihan naman sya ng sipa ni Yoongi.

"Oo na po. Cute mo talagang magselos. Inlove ka talaga sakin no?" Tanong ni Jimin at niyakap ang girlfriend nya ng patalikod. Yung likod talaga ah. Hindi yung isa pang likod. Dejoke lang. May boobs sya promise.

Anyway, niyakap nya nga si Seulgi ng patalikod at pinasandal ito sa dibdib nya. Kinurot nya ang pisngi ni Seulgi pagkatapos ay hinalikan. Nakakagigil naman kasi.

"Inlove na inlove talaga ako sayo like inlab na inlab!" Sagot nya.

"Tangina may single dito!!!"

[✔] ScamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon