13. Over

284 17 0
                                    

💞JUNG HOSEOK💞

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💞JUNG HOSEOK💞

❤❤

"Hi, I'm Namjoon"

Ayaw man ni Seulgi pero kailangan nyang sumama kay Seokjin sa bahay nito kasama ang tatlo. Pero para hindi sya ma-out of place, sinama nya si Yoongi.

"Astig ng buhok nya. Ang cool" bulong ni Yoongi. Siniko nya ito ng mahina.

"Diba sinabi ko sayong tumahimik ka lang?" Bulong ni Seulgi pabalik.

"Pero kasi ang cool nya talaga. Ang tangkad pa" napasapo lang ng noo si Seulgi.

"I came from USA and I'm Seokjin's friend. Anyway, I'm an underground rapper" napasinghap si Yoongi dahil dun at agad naman syang pinigilan ni Seulgi.

"Behave" bulong nito.

"Wow! Alam mo bang gusto ko ring maging rapper? I mean, you know, can't speak me an english—"

"Wag ka nalang magsalita" sabi ni Jungkook kay Hoseok.

"I can understand your language pero mas comfortable ako pag english eh. But I'll try my best to speak your language para magkaintindihan tayo"

Bumalik si Seokjin dala ang isang tray na may pancakes at juice.

"Alam mo, gutom ako" bulong ni Yoongi at sumandal sa couch.

"Alam mo, mapapatay na talaga kita" bulong rin ni Seulgi. Humagikhik ng palihim si Yoongi at inakbayan si Seulgi. Napairap naman si Seulgi at inalis ang braso ni Yoongi sa balikat nya.

"So guys, si Namjoon, classmate ko sya sa states.. Roommate ko rin sya sa dorm. Sinama ko sya dito kasi gusto ng magulang nyang magpatuloy dito sa Korea" sabi ni Seokjin.

"And I'm living with my cousin here" dagdag ni Namjoon.

"So Joonie, this is Jungkook, Hoseok, Taehyung, Seulgi and her friend, Yoongi. Bestfriends ko sila noon" sabi ni Seokjin.

Well hindi na ngayon...

"Hey bro, I'm Yoongi. I'm Seulgi's friend at underground rapper din ako kagaya mo. Nice to meet you"

"That's cool! What's your stage name?"

"Suga"

"Rapmonster"

Nag-usap usap yung dalawa sa kusina about music and etc habang iniwan naman ni Yoongi si Seulgi sa sala kasama ang apat.

Sinama nga nya si Yoongi para hindi sya ma-OP pero ayun, kausap si Namjoon. Napabuntong hininga si Seulgi at tumingin sa tatlo. Nakatingin si Hoseok sakanya pero agad naman itong umiwas ng tingin. Napatingin naman si Taehyung sakanya at ngumiti. Hindi nya ito nginitian pabalik.

"Guys, what happened? Bakit parang iniiwasan nyo ang isa't isa? May nangyari bang hindi ko alam?" Tanong ni Seokjin. Napatingin si Seulgi sa tatlo na nakayuko. Gusto nyang sumagot at sabihin kay Seokjin ang totoong nangyari pero pinili nyang tumahimik nalang.

"Umalis si Seulgi sa barkada" napairap si Seulgi dahil sa sagot ni Hoseok, "H-Hindi ko naman talaga gustong mangyari yun. Ayokong umalis si Seulgi pero—"

"LIAR!" natahimik sila dahil sa sigaw ni Seulgi, "Ang sabihin mo, noon mo palang ako gustong paalisin! Ang sabihin mo, wala kang pakialam sa pag-alis ko! Ang sabihin mo, ayaw mo na talaga sakin from the start. Hoseok, wag kang magpanggap na hindi mo ginusto ang pag-alis ko sa grupo!"

"Seulgi hindi, pakinggan mo ko!"

Tumayo si Seulgi at kinuha ang bag nya sa sofa.

"Seulgi" hinila ni Seokjin ang braso nya para pigilan syang tumakbo paalis, "Please, kausapin mo si Hoseok.."

Kumurap si Seulgi dahilan ng pagtulo ng luha nya. Hindi nya kayang pakinggan si Hoseok. Ayaw nya pang marinig ang katotohanan. Hindi pa sya handa.

Ayaw nya mang umiyak sa harapan nila, wala na syang magagawa. Hindi nya mapigilangang maiyak nang makita nya si Jungkook na nakayuko sa sofa, si Taehyung na kanina pa naluluha, si Hoseok na nakatingin sakanya at si Seokjin na nagmamakaawa.

"Seulgi, binuo natin ang grupong to at ayokong mawasak ang pinaghihirapan natin. Ayokong masayang ang pagsasamahan natin at ngayo'y bumalik na ako, gusto kong ituloy ang mga yun. Bumalik ako para sainyo at para makitang buo parin kayo.. Kaya Seulgi, pakinggan mo si Hoseok please"

"Seokjin-ah! Pwede ba kaming sumama sayo sa USA?"

"Baliw ka ba Hoseok? Anong gagawin mo dun? Hahahaha tsaka baka hindi ka papayagan ni Tita"

"Pero ayoko talagang magstay dito eh"

"Bakit naman? Nandyan si Taehyung, Jungkook at Seulgi. Kasama mo parin naman sila eh"

"Ayoko... Ayoko kay Seulgi..."

"Hoseok..."

"Hindi mo kasi naintindihan Seokjin! Ayoko kay Seulgi sa simula palang! Ayoko sakanya dahil palagi ka nalang nyang inaagaw samin! Seokjin, kami ang totoong kaibigan mo! Kami yung nauna diba? Hindi naman namin kailangan yang babaeng yan eh"

"Hoseok wag kang magsalita ng ganyan. Mabait si Seulgi at alam kong alam mo yun"

"Alam ko. Pero hindi namin sya kailangan! Mas gusto pa naming sya nalang ang umalis kesa ikaw"



"Hoseok, narinig ko yung pinaguusapan nyo ni Seokjin"

"Then?"

"Totoo ba yun?"

"Hindi ako scammer kagaya mo"

"Hoseok, kaya ba tinatanggi mo sa iba na kaibigan mo ko dahil ayaw mo sakin?"

"Hindi ba halata? Seulgi, nung pinakilala ka palang ni Seokjin samin, ayaw na ayaw ko na sayo! Hindi mo ba nararamdaman kung gano ako naiinis sayo?"

"Hoseok, alam mo namang kayo lang ang mga kaibigan ko diba? Please, wag ka namang ganito.."

"Hindi na ngayon. Si Seokjin lang naman ang dahilan kung bakit ka napunta samin eh at ngayong aalis na sya, hindi ka na namin kailangan. Well from the start naman talaga, hindi ka nanamin kailangan"


"Seokjin, hindi tayo isang grupo. Never tayong naging magbarkada. Napamukha na nila sakin na masaya sila na wala ko. Wala tayong nabuong pagkakaibigan Seokjin. Kasi kahit kailan, hinding hindi nila ako matuturing bilang isang totoong kaibigan. Masaya na ako Seokjin. Masaya na ako sa mga kaibigan ko ngayon. I'm sorry"

I'm sorry Seokjin.

[✔] ScamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon