Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
💞SON SEUNGWAN💞
❤❤
Napangiti si Seulgi habang nakatingin sa orange na bear na binigay ni Jimin sakanya kanina.
"Jimin, gusto kita"
"Pwede rin ba kitang magustuhan pabalik?"
"Chim.. Seryoso ka? Nangs-scam ka ba?"
"Hindi ako scammer. Hindi ako tulad mo"
"Pero pano?"
"I don't know"
"Tangina mo!"
"Tangina mo rin"
Kinurot nya ang tyan ng bear habang pilit na hindi tumili.
Y you do this to me..
Gusto nyang maiyak dahil sa kilig. As in super kilig na talaga sya na sa puntong malapit nang masira ang teddy bear dahil sa kakakurot nya.
Kinuha nya ang phone nya para itext sana si Jimin nang napansin nyang 99+ na yung messages sa GC ng kaibigan nya. Agad nya yung pinuntahan. Sa GC, sya ang palaging updated at palaging present sa grupo pero parang huli na sya sa balita ngayon.
Nagconfess lang ako kay Jimin, outdated na ako....
Yerim: Joohyun unnie, ano nang nangyari sayo?
Joohyun: wala kang pakealam!
Nawala yung ngiti nya nang mabasa nya yun. Anong nangyayari?
Joohyun: so nandito na pala sya.
Joohyun: wag kang seen
Sooyoung: joohyun, stop it
Seungwan: wag kang magsimula ng away
Seulgi: anong nangyayari?
Joohyun: wow nagtanong ka pa!
Joohyun: ano, musta? Okay ba?
Seulgi: anong pinagsasabi mo joohyun?
Scam nanaman siguro to..
Seulgi: wag nyo na akong gawing biktima mga guys! Lol, nascam nyo na ako last year XD
Joohyun: sinong nagsabing scam to?
Seulgi: what?
Joohyun: seulgi, lahat nalang ba?
Seulgi: ano?
Joohyun: lahat nalang ba aagawin mo?
Seulgi: hindi kita maintindihan
Yerim: unnie, tigilan mo na to please. Hindi naman nya kasalanan eh.
Seungwan: joohyun, tigil na
Joohyun: san ba kayo kampi? Sa akin na simula palang kaibigan nyo na AT ANG MISMONG BUMUO NG GRUPO o sa babaeng yan na kakapasok lang sa grupo natin?
Sooyoung: joohyun naman, magkaibigan tayong lahat
Yerim: at tayo ang bumuo ng barkadang to.
Seulgi: aminin mo nga joohyun, TOTOONG kaibigan ba yung turing mo sakin?
Joohyun: hindi
Seungwan: Joohyun!!
Joohyun: never!
Joohyun: ang pathetic mo lang kasi nung tinakwil ka sa barkada mo kaya napagdesisyonan kong ipasok ka sa barkada.
Joohyun: ayoko sayo dahil nagseselos ako pagkasama mo si seokjin. Pero mas ayoko sayo dahil ikaw ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay
Seulgi: panong ako ang naging dahilan ha joohyun!?
Joohyun: bakit hindi? Sinabi nya mismo sa pagmumukha ko na mas nakakasawa akong kasama kesa sayo!
Seulgi: hindi ganung klaseng tao si seokjin wag ka ngang magsalita ng ganyan!
Joohyun: akala mo di ko alam?
Joohyun: lahat nalang naman kasi nasayo na seulgi eh
Joohyun: or more like kinuha mo na
Seulgi: what?! How dare you! Wala akong kinuha sayo!
Joohyun: hindi lang ako seulgi. Pati natin yung mga kaibigan KO!
Joohyun: nagsumbong na sila sakin.. Alam mo namang crush ni yerim si jungkook diba?
Yerim: please tama na joohyun.
Joohyun: akala mo siguro okay lang kay yerim na makitang nilalambing mo minsan si jungkook? Akala mo okay lang kay seungwan na palagi mong inaasar si hoseok? AKALA MO OKAY LANG SAKIN NA PALAGI MONG NIYAYAKAP SI TAEHYUNG AT SI SEOKJIN?!
Seulgi: joohyun, kaibigan ko sila! Or more like hindi na! Masaya ka ba dahil umalis ako sa grupo? Joohyun, hindi totoong inagaw ko sila sainyo! Ganyan ka na ba kamalisyoso?
Joohyun: pero si jimin. SI JIMIN HA SEULGI!?
Seulgi: GUSTO KO SYA
Joohyun: pero gusto ko rin sya!!
Seulgi: lahat nalang ba kailangan kong isakripisyo sayo joohyun?
Seulgi: LAHAT NALANG BA KAILANGAN KONG IBIGAY SAYO!?
Seulgi: bakit ako.. Gustong gusto ko si seokjin pero ikaw ang naging girlfriend nya! Hinayaan ko lang yun dahil gusto kong maging masaya sya at para narin yun sayo! Nagkagusto rin ako kay Taehyung pero inamin nya saking gusto ka nya kaya hindi ko nalang sinabi sakanya yung feelings ko! Hindi pa ba sapat yun Joohyun at kailangan bang pati si Jimin kailangan ko narin isuko para sayo?